Chapter 03

181 42 4
                                    

[ TEAM RED ]
Caesar, Allisonly, Cyrus,
Claudio, Mae, Rafael

[ TEAM BLUE ]
Kendrick, Althea, Angela,
Ezekiel, Gian, Kryslyn

[ TEAM GREEN ]
Miguel, Valerie, Andrea,
Jea, Patrick, Ian

[ TEAM ORANGE ]
Leozandro, Yvonne, Vhenhur,
Kate, Jaicel, Juriel

[ TEAM YELLOW ]
Anne, Joy, Eiram,
Sienna, Alfred, Terenze

[ TEAM BLACK ]
Precious, Darren, Elayza,
Ivan, Allyza, Aason

Game: Group of Liars
Venue: Quadrangle

[Team RED]

"Sinong gustong mauna sainyo?" tanong ni Caesar sa mga kagrupo niya.

Umiling agad siAllisonly. "Ayoko! Natatakot ako. Si Rafael nalang."

"Eh! Ayoko rin. Si Mae nalang muna." pasa ni Rafael kay Mae.

"Ba't ako? Si Cyrus na!" turo ni Mae.

"Next nalang ako. Bahala kayo riyan." tumalikod si Cyrus sa mga kasama.

Napasapo nalang sa noo si Caesar dahil walang gustong mauna sa members niya. "Ano? Walang may gusto? Ayaw niyo or mamamatay tayong anim sa ginagawa niyo?"

"Ako nalang!" boluntaryo ni Claudio.

Nagtinginan sakaniya ang mga kasamahan niya. "Oh. 'Yan pala si Claudio. Siya na raw ang mauuna."

Tumango si Caesar at tinapik ang balikat ni Claudio. "Sige, first ka na garod. Kaya mo 'yan! Piliin mo 'yung grupo nila Althea 'ne. Maraming sinungaling doon."

"Sige, leader." wika niya.

Tawanan lang sila bago tuluyang pumunta sa gitna si Claudio bilang unang representative ng red team.

[Team BLUE]

"Ezekiel, ikaw nalang mauna. Then, susunod sa'yo si Gian. Ano?" utos ni Althea sakaniya.

"A-ako? First player? Sige." agad na pagsang-ayon ni Ezekiel. Gusto rin naman ni Ezekiel ang mauna sa laro.

"Cheer natin si Ezekiel, guys. Ha." ani Althea.

"Oo naman!" si Kryslyn.

Humawak si Gian sa balikat ni Ezekiel at tinapik-tapik ito. "Tol, mag-decide ka kaagad, ha. 'Pag naabutan ka ng time, mamamatay ka. Gusto ko piliin mo 'yung grupo nila Caesar." ngumiti pa nang malawak si Gian matapos bumulong kay Ezekiel.

"Sure ka ba? Edi grupo nila 'yung mamatay kung sakaling sila ang may pinakamaraming bola?" duda si Ezekiel sa sinabi ni Gian.

"Mechanics ng game 'yan, tol."

"Sabagay." sagot ni Ezekiel.

Sumumbat naman si Kryslyn. "Ano na mga, teh? Bilisan niyo! Tayong group nalang wala pang player."

"Oo nga." si Angela.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now