Chapter 05

180 43 2
                                    

"Bakit nagkakagulo rito?" usisa ni Anne na kararating lang sa gitna.

Napatingin sakaniya sina Leozandro at Precious bago sila sumagot. Ang kuryosidad sa mga mukha nila ay nananatili pa rin at hindi nabubura.

"May safe box na nakita si Kate." sabi ni Leozandro. Ang lahat ay pokus ang tingin sa hawak ni Kate na box.

Sumagot ang iba. "Oo! Ayan, oh."

"Ano kaya 'yan?" si Terenze.

"Safe box daw." ulit ni Patrick.

Kumpulan silang magkakaklase sa gitna. Nakabilog silang lahat habang pinagigitnaan si Kate na hawak ang puting kahon na iyon.

"Nakita raw niya roon sa-saan nga ulit?" tanong ni Precious kay Kate.

Itinuro ni Kate 'yung gilid ng quadrangle at sinundan ng tingin ng kaniyang mga kaklase ang daliri nito.

"Doon?" pagkumpirma ni Gian.

Tumango si Kate. Doon nga sa gilid niya nakita ang nakakagulat na box.

"P-paanong may kahon pa roon?" si Althea na kanina pa naguguluhan.

Umiling ang iba sakanila.

"Malay ko?! Tsaka oo nga! Bakit may gan'yan?" sagot ni Jaicel.

"Wala bang nakapansin sainyo na may puting kahon sa gilid ng quadrangle?" tanong na ni Eiram sa mga kasamahan.

"Hindi, e. Busy ako sa paglalaro." sagot ni Vhenhur. Parang wala talaga siyang alam dahil seryoso siya kanina sa ginanap na laro.

"Ako rin." suporta ni Juriel.

Lumapit si Eiram kay Kate at kinuha ang kahon mula sa kaniya.

Tinignan ni Eiram nang masama si Kate. Para bang duda ito sakaniya.

"Kailan mo 'to nakita?" nakakandado ang tingin ni Eiram sa kaniya.

Nauutal na sumagot si Kate. "D-doon nga sa g-gilid. Bakit, Eiram?"

"Hoy, parang may something." ani Leozandro at iba na ngayon ang tingin kay Kate.

"Sure ka bang ngayon mo lang 'to nakita?" paninigurado ni Eiram.

Itinaas ni Kate ang isa niyang kamay. "Oo, promise! T-teka. Bakit ba? Naghihinala ba kayo sa'kin?" inilibot niya ang tingin sa mga kaklase.

"Kaya nga. Pinaghihinalaan mo ba siya, president?" komento naman ni Kryslyn.

"May kinalaman ka riyan, Kate? Hala?! Anong ginawa mo?" dugtong naman ni Joy.

Tinakpan lang ni Angela ang bibig niya. "Shhh! Ang ingay mo naman."

"Ay. Sorry!" nanahimik si Kryslyn.

Si Anne ang humila kay Joy dahil sobra na ang nasasabi nito kapag may isyu at chimis na nasasagap.

"Teh, sinisisi mo ba si Kate?" anang Anne nang mahatak paalis doon si Joy.

Tumango siya pero hindi rin sigurado sa ginagawa. "Parang? Kasi siya 'yung nakakita, e. Feeling ko may alam siya tungkol doon."

"May point ka." sabi Anne.

Nagsimula ng magkaroon ng mga pagdududa ang mga magkakaklase. Hindi naniniwala si Eiram na siya lang ang nakakita ng puting box na iyon na may label na 'Safe box'.

"STEM-2! BUKOD KAY KATE. SINO PA ANG NAKAKITA NG PUTING KAHON NA 'TO SA GILID BUHAT PA KANINANG NAGLALARO TAYO?"

Tinginan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Eiram. Parang galit siya.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now