Chapter 26

92 15 2
                                    

Biglang napakuyom ng kamao si Kendrick nang lumipat sa kaniya ang ilaw gayundin ang atensyon ng lahat.

Nagsimulang pumasok ang kaba sa kaniyang pangangatawan at hindi nito mabilang ang pagpintig ng kaniyang puso gayundin ang ilang beses na pagpadyak ng kaniyang mga paa.

Lumabas muna sa screen ang kaniyang profile.

[STUDENT'S PROFILE]

Name: Kendrick Dixon
Sex: Male
Age: 17
Birthday: October 29, 2007
Class number: B-06
Zodiac sign: Scorpio
Nationality: Filipino
Occupation: Student
Grade and Section: 11 STEM-2
School Year: 2023-2024

-----------------------------------

"Are you now ready, Kendrick?"

Tumango si Kendrick bilang tugon sa tanong ng guro kahit na halata naman sa ekspresyon ng kaniyang mukha na hindi siya handa at mukhang kabado.

Kendrick Dixon... now interrogating!

"Kendrick, please tell us your whereabouts and activities after the Calculus class ended."

Luminga-linga muna si Kendrick upang alalahanin ang mga ginawa niya pagkatapos ng make-up class.

"Sa pagkakaalam ko po, dumiretso ako sa local grocery store para pumasok sa part time job ko. Nagsimula po 'yung shift ko ng alas singko ng hapon at natapos po mga bandang alas nuwebe ng gabi. Ako po 'yung mga nag-aayos ng mga tinda roon. At tulad ng mga una kong kaklase, na may mga witness sila, 'yung manager at mga katrabaho ko po sa store ay maari niyong kausapin upang tanungin sila kung ano ang ginagawa ko sa store buong maghapon, kung umalis ba ako roon o hindi."

"What's the name of that store?"

"Uhm... Erlinda's Grocery Store po."

"Oh." May napagtanto ang guro. "That grocery is near at the Cygnus Junior College, am I right?"

Tinanguan nito ni Kendrick. "Opo."

"Then, who is your manager?"

"Si Ate Erlinda Gutierrez po."

"I see. Okay, we will proceed with your teacher's evaluation."

Napakagat ng labi si Kendrick dahil alam niyang may bad comments din siyang binitawan sa teacher nitong si Mr. Reymark Bautista roon sa form.

[TEACHER'S EVALUATION |FEB 2024]

Name: Kendrick Dixon
Grade and Section: 11 STEM-2
Email: cjcakendrickdixon@gmail.com
Subject: Calculus
Teacher: Reymark M. Bautista

Please evaluate your teacher accordingly...

Rate your teacher 1-5 from these following categories: (1 is the lowest, and 5 is the highest)

a.) How well does the teacher prepare and organize lessons?
b.) How effective is the teacher in explaining concepts clearly?
c.) How well does the teacher manage classroom behavior?
d.) How well does the teacher support students with different learning needs?
e.) How well does the teacher foster a love of learning and curiosity in students?

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now