BIGLANG lumalim ang iniisip ni Eiram. Alam niya sa sarili na siya ang pumatay kina Aason at Darren. Alam nitong puro kasinungalingan lang ang sinabi ni Precious. Kung ano ang ikwinento nito kanina, ganoon na ganoon ang aksyon na ginawa ni Eiram.
Masyado lang magaling umarte si Eiram. Nagawa niyang magpanggap na parang artista. Aangal na sana itong inosente si Precious at amining siya talaga ang tunay na killer pero hinayaan lamang niya. Natuwa siya sa mga aksyon ni Precious kung kaya't sinabayan na lamang niya ito. Kaso habang nagpapapanggap na parang aping-api, sinusuri na nito ang bawat galaw niya. Hindi pa rin maalis sa isipan niya kung bakit inaako ni Precious ang lahat.
Si Eiram ang gising noong gabing iyon. Hindi si Precious. Dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa kahit mahihina ang boses, habang sina Anne at Precious ay mahimbing ang tulog. Humihilik pa nga.
Sinundan ni Eiram ang dalawa nang marinig na may plano itong magtungo sa storage room. Sumunod siya sa yapak ni Darren. Pinanood niya ito sa bintana ng storage room, tsaka niya pinagsasaksak sa tagiliran nang makanap ng tamang tiyempo. Nang pumunta naman si Aason doon, kaniya rin itong pinagtataga at kinalaunan ay binawian ng buhay.
Kung paano niya itinago ang dugo? Siya ang tunay na nagtungo sa imbakan ng school supplies at nagpalit ng suot. Itinapon niya ang uniform na may dugo. Sa sobrang galing niya magtago ng kung ano man, tila naglaho ang mga dugo na tumalsik sa kanyang katawan na parang bula. Hindi tuloy napansin nina Anne at Precious.
At nang makabalik siya roon sa silid. Nadatnan niya si Anne na kinakausap si Precious. Doon nga nagsimulang kabahan si Eiram dahil tinatanong din siya kung bakit siya nasa labas sa ganoong oras. Mabuti ang naisip nitong palusot ay gumala at nagpahangin sa labas ng classroom.
Napatingin siya kay Precious. Bagong ligo ito. Alam niyang naligo ito dahil maski siya ay naranasan ang init sa loob habang natutulog. Pero nakaisip si Eiram ng paraan—ginamit niya ang rason ni Precious upang ipangalandakang siya ang pumatay sa dalawa.
Sino bang maliligo ng madaling araw at kasabay niyon ay may pinatay? Ginawang advantage iyon ni Eiram upang pagtakpan ang kanyang ginawa. Diniin niya si Precious. Minanipula niya ang utak ni Anne.
Kaya ngayon na nanalo siya sa laro, na patay na ang tatlumpu't lima niyang kaklase. Ano na ang susunod niyang gagawin? May susunod pa bang laro? May gantimpala ba siya? Makatatakas ba siya? Papatayin ba siya ni Ms. Micka? Kailangan na niyang umalis.
Dapat na niyang pagtaguan si Ms. Micka.
Sa oras na malaman ng guro na si Eiram ang killer. Tiyak na papatayin niya ito. Aktong lalabas na si Eiram nang biglang namatay ang buong ilaw sa paligid. 'Yung tila mabubulag na sa sobrang dilim.
"Anong nangyari? Bakit walang ilaw?" Nahinto siya sa paglalakad. Kinakapa niya ang paligid. Ang sugat sa kanyang palad ay kumikirot pa rin sa hapdi. Biglang naguluhan si Eiram sa mga nangyayari. Hindi niya alam ang susunod na hakbang. Baka magkamali siya. Huminga siya ng malalim para kumalma. Inisip niya na sa isang sandali lamang ay babalik din ang liwanag sa loob.
Pagkatapos nga ng halos limang minuto na paghihintay, bumukas na ang liwanag sa silid. Dito nanlaki ang mga ni Eiram. Tila ba kumikinang ang mga mata niya sa nakikita mula sa itaas.
Ang maliit na tv screen ay napalitan ng malaki.
May nakasulat doon na talaga namang mensahe para sa nag-iisang estudyanteng natira sa buong laban. Isang mensahe na kakaiba sa lahat.
Congratulations for killing all the innocents.
Eiram is the accomplice.Nang ibaba ni Eiram ang tingin, napangiti siya. Iba talaga kapag nagtagumpay sa plano. Tila ba kahit naging malapit siya sa mga kaklase—mas mahalaga pa rin ang kanyang layunin.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...