Chapter 25

106 24 8
                                    

"Get one and pass," utos ni Mr. Reymark sa mga estudyanteng nasa unahan.

Pagkabalik na pagkabalik niya ay agad nitong dinistribute ang mga test paper na kailangan nilang sagutan.

"Sagutan niyo pa rin 'yan kahit bagsak na kayo sa 'kin. Mga bastos na bata. Kailangan ng principal ng result. Tsaka please, seryohin niyo naman 'no?" pakiusap nito.

Halos mapangiwi ang lahat dahil sa uri ng exam na ibinigay sa kanila.

"Word problem na naman? Bagsak na naman ako rito," ani Anne.

Napakamot na lang din ng ulo si Kendrick dahil sa hirap ng exam.

"Mas malala pa 'to sa nakaraang exam, eh? Hindi naman naituro nang maayos," pagpaparinig ni Sienna.

"Tapos five points each pa." Natawa na lang si Eiram at mukhang wala siyang balak sagutan ang papel.

"Bagsak naman na tayo tol, huwag na natin paglaanan ng pansin 'to," aya ni Ezekiel kay Ian.

"Drawing ka na lang ng tarub," wika naman ni Ian. Humalakhak nang mahina si Ezekiel at gumuhit nga ito.

Ang iba naman ay pinipilit pa ring sagutan ang ibinigay na test paper

Habang abala ang iba sa pagsasagot ay nagsimula namang magsalita ang kanilang guro na nakaupo sa harap.

"Class, huwag niyo sana masamain itong ugali ko, ah. Ganito lang talaga ako para magtino kayo. Hindi ko rin naman gustong ipakita 'yung side kong ganito pero makukulit kasi kayo, eh. Pero please, humihingi ako ng sorry sa inyo. Huwag niyo na sana ito ipaabot sa ating principal at ipaalam sa mga magulang niyo."

Medyo natawa roon si Precious.

"Edi meow," bulong ni Aason.

"Totoo ba 'yan, sir? Baka eme lang 'yan," paninigurado ni Anne.

"Rereport kita, 'di ako natatakot," lakas-loob na sabi ni Miguel.

"A-ako rin! Unfair mo kasi sir!" Tumindig din si Sienna.

"Eh, wala pala kayong mga utang na loob eh 'no? Mabuti nga kahit bagsak kayo e hindi kayo nakatanggap sa akin ng 74 pababa 'di tulad nina Mae at Ian kasi mga bobo na talaga sila," anang guro.

"Paulit-ulit, sir? Inamo ka, ha!" Minura na nga ni Mae ang guro.

"Bobo ka rin!" balik ni Ian.

Sa gitna ng tensyon at inis ng mga estudyante da kaniya at tumawa lang si Mr. Reymark. "Oo na. Wala na akong kwentang guro. Pero wala kayong magagawa. Teacher niyo ako sa Calculus. Hindi kayo aapak ng grade 12 kapag binagsak ko kayo. Subukan niyo lang na magsumbong sa kahit na sino at ako ang magiging dahilan ng pag-iyak niyo sa academiks," pananakot pa ni Mr. Reymark.

"Sumosobra na talaga siya, beh, hindi ko na masikmura 'yang ugali niya," bulong ni Eiram kay Anne, hindi na makapagtimpi at sasabog na sa inis.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now