Chapter 6 : Project Room Cleaning

5.5K 116 1
                                    

>>> picture of Hunter de Vera on top. :) why so handsome my Hunter! <3

Kylie's POV :

OMG! bakit kase kami paaaa! bakit kami pa nabunot sa dinami dami ba naman ng pwede! wahhhhhh! siguro nagtataka kayo bakit ako nagfre-freak out dito noh? well di lang naman ako, pati sila Charlotte and Shannon eh kanina pa gustong magwala.

Kanina kase, during our P.E. subject, our teacher explained that he needs 6 students daw na iaassign niya maglinis ng isang classroom na located sa province of Rizal. Isa kase yun sa project ng school to reach out for those students na walang maayos na classrooms. For a cause kumbaga. Syempre walang nagtaas ng kamay. Eh sa malamang mayayaman nag-aaral dito, maraming mas maarte pa samin dito. Tama kayo ng basa. Maarte po ako. haha. but nice naman ako eh dont worry. :) At dahil sa walang mag-volunteer, idinaan na lang ng teacher namin sa bunutan. Dun pa lang kinabahan na ako eh. Malas ako sa ganyan eh. Wahhhhhh! I dont want to clean dirty rooms. Like ewwww!

Napatingin ako sa katabi ko on my right side. Yes. Si Hunter de Vera. And nagulat ako ng bigla din sya napatingin sa akin sabay kindat. Umiwas agad ako ng tingin. Eh? ang yabang talaga ng isang to. Di ko alam kung bakit parang kumukulo dugo ko sa kaniya. Bukod sa di kami close, eh naiinis kase ako sa dating niya na parang feeling niya lahat ng babae, may gusto sa kanya. Hmpf.

Ibinalik ko yung attention ko sa P.E. teacher namin, nagsimula na sya bumunot. And guess what? Ako lang naman una niya nabanggit! wahhhhhh! sabe sa inyo malas ako sa ganyan eh. huhuhu.

Kami yung anim na swerteng nabunot (yan din pagkakasunod sunod ng pagkakabanggit ni teacher)

1. Kylie de Asis

2. Leonard Williams

3. Charlotte Rivera

4. Shannon Mae de Silva

5. Zion Lee Stamford

6. Hunter de Vera

whattttt?! sa huling tinawag talaga ni sir na yun, parang dun ko gusto sumigaw ehh! of all people talaga! bakit sya pa! ok na eh. ok na kame nila sissy magkakasama. kahit paano masaya na ko eh. pero bakit naman sa dinami dami ng makakasama eh yung tatlong members pa ng Black Hawk Gang.! Ano to?! A month with the Gangsters! Argh!Ngayon pa lang alam ko ng sira na ang lahat ng weekend ko for one month!

Charlotte's POV:

Kahit di sabihin saken ni sissy Kylie, alam kong kanina pa nyan gusto magfreak out. Kilala ko yan eh. Saming dalawa, yan ang mas matapang. Ako kase, may pagkamahinhin pero may pagka masungit din. Kaya nga kahit sa dinami dami ng nagbalak samen manligaw dito, wala kame pinatos. eh bakit ba? di namin sila type eh.

Well, back to the topic ng room cleaning na yan. Bwiset talaga. Bakit kailangan kasama pa sa mabunot tong Leonard Williams na to. Inis pa naman ako dito. Dati super crush ko ito eh. Yung tipong sya yung nagiging inspiration ko para pumasok everyday. Pero di alam ni Kylie yun. Aasarin niya lang ako eh. Pero feeling ko nahahalata niya rin yun before. Ah basta inis ako sa Leonard na to. Wanna know why? Dati kase na-assign kameng dalawa as magpartner sa isang sayaw. for P.E. subject din yun eh. Eh syempre kilig na kilig ako, Crush ko eh. tapos makakapartner ko pa. Ok naman kame dalawa pag time ng practice. Masasabi ko ngang somehow naging close kami that time. Ikaw ba naman two weeks mo nakasama para magpractice diba. Tapos nung araw na mismo ng presentation namen. Di sya sumipot. Ang ending, dahil sa ayoko bumagsak, napilitan ako gumawa ng special project. Tapos ang malala pa nito, di na niya ko pinapansin nun na parang ako pa ang may kasalanan ah. ako pa talaga ha?! Ni konting apology wala ako narinig sa kaniya. Dun ko napagdesisyunan na de-deadmahin ko na din sya. Akala naman niya hahabul habulin ko sya just like any other girls. Asa siya!

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon