Shannon's POV:
Hanggang ngayon nakatitig pa din ako sa kisame ng guest room na pag stay-an ko sa loob ng two weeks dito sa bahay ni Zion. I wonder kung binenta niya na ba yung dati niyang condo? Napag-alaman ko kaseng bagong biling bahay lamang ni Zion itong tinutuluyan namen ngayon. Naikwento niya kase saken kanina kahit pa di naman ako umiimik sa kada salita nya. My heart is still in race dahil sa ginawa niyang paghalik sa noo ko at pagsasabi saken ng namimiss niya daw ako. Sa totoo lang di ko alam paano ako nagkalakas ng loob na umarte ng kakagising lang at parang walang nangyare. Ayokong i-entertain tong mga nararamdaman kong ito towards Zion. Basta ayoko. Di to makakatulong. Magugulo lang ulit buhay ko. Yun lang naman kase talaga hatid niya sa buhay ko eh - GULO.
Pinagpahinga niya agad ako pagkahatid na pagkahatid niya saken sa guest room na to. Bukas na daw ako magstart ng trabaho ko sa kanya. Ipinaliwanag niya din mga gagampanan ko habang andito ko sa kanya. Personal cook and personal Assistant. simple lang naman daw rule niya eh. Kung nasaan siya andun daw ako. Gustuhin ko mang umalma. mabilis niya din akong pinigilan. No more buts daw. Sya daw ang amo ko for two weeks. Kaya wala daw ako magagawa kundi ang sundin sya. Kainis! Kung di lang talaga dahil kina mommy, wala ako dito ngayon. Hayyy. Kailangan ko lang magtiis dito for two weeks. Kaya ko to.
1 am na pero ayaw pa din ako dalawin ng antok. Namamahay yata ako eh. Di yata ako komportable sa silid na ito. sobrang laki naman kase eh. Tapos mag-isa pa ako. Hinayaan ko nga bukas lahat ng ilaw eh. Natatakot kase ako. Di tulad ng kwarto ko sa bahay na kahit na mag-isa man ako dun, mas komportable at sanay naman na ako dun.
Bigla ako nakaramdam ng uhaw kaya napagdesisyunan kong pumunta ng kusina. Alam ko na naman saan papunta dun dahil inilibot na nya ako sa malaking bahay niyang ito kanina. Nakiusap talaga ako kay Zion na buksan mga ilaw dito sa bahay niya para kung lalabas man ako anytime eh di ako matakot. Siguro naman naalala niya pa na may takot ako sa dilim. Speaking of him, nasaan na ba yun? simula kase ng maihatid niya ako kanina di ko na sya nakita eh. I wonder kung kumain na sya. Hey di ako nagwoworry sa kanya ah. Part lang to ng trabaho ko.
Dederecho na sana ako pababa sa kusina ng may mapansin akong tila tulog na tao sa may veranda ng kwartong katapat ng kwarto ko. Nakabukas kase ang pinto eh. Kung di ako nagkakamali ito yung silid ni Zion. Sinadya yata talaga niya na magkatapat lang ang kwarto namin para daw anytime niya daw ako kailanganin eh madali niya lang ako matatawag.
Teka? Si Zion ba yun? Bakit nakalungayngay sya dun? Dun ba sya nakatulog? Nagdadalawang-isip man, mas nanaig pa din yung concern ko na maari syang magkasakit pag dun sya inabot ng magdamag. Syempre ako din mahihirapan noh?! Mag-aalaga pa ako ng may sakit. Kinalabit ko sya the moment na makalapit ako sa kanya.
" Hey Zion! Gumising ka na dyan at dun ka matulog sa kwarto mo. Get up na." Tapik ako ng tapik pero tanging pag-ungol lang ang sinasagot niya saken. Nalintikan na. Parang lasing na lasing tong unggoy na to eh. Napansin kong nakakalat ang tatlong bote ng alak dito. Ano bang problema netong lalaking to at naglasing ito? Haist. Wala akong naging choice kundi kayaning itayo sya at iakbay sa balikat ko. Di ko sya kakayanin buhatin eh. Pero kaya ko sya alalayan basta ba maglakad din sya kahit paano. Mabuti na lamang at nagagawa niya makahakbang kahit pagewang-gewang hanggang sa makarating kame sa kama niya. Pabagsak syang humiga doon. At dahil nga nakaakbay sya saken, nakasama ako sa pagbagsak niya. I landed on his top , my hands on his chest. Ang awkward na naman ng posisyon namin! Kundi lang to lasing, nasapak ko na ito eh! Iisipin kong nananantsing lang to saken. Eh paano nakayakap yung isang kamay sa bewang ko kaya di ako agad makaalis.
Nagsisimula na namang bumundol bundol yung dibdib ko sa kaba. Shit! I hate this effect kada magkakadikit kami. Akma na sana akong tatayo pero muli na namang gumalaw ang kamay niya at hinapit ako palapit. I landed on his top again. This time, our bodies and faces closer, kaya malaya kong napagmasdan ang mukha niyang kala mo kung sinong inosente pag tulog. I can literally smell his breath and its brushing all over my face. Di na muna ako nagpilit na makaalis. Hintayin ko na muna makatulog sya ng mahimbing na mahimbing. Hinayaan ko na rin ang sarili kong pagmasdan sya. Ngayon lang to promise. After 6 long years, ngayon ko lang ulit sya malayang natitigan ng ganito.
![](https://img.wattpad.com/cover/43289903-288-k380582.jpg)
BINABASA MO ANG
That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016
Teen FictionShannon is a typical pretty rich girl who has everything in her life, except for one thing - LOVE LIFE. Well, for her, di naman sya nagmamadali. Isa pa she doesn't want to rush things. Kung darating, darating. She believes in true love. She doesnt w...