Chapter 40 : Advices

2.7K 64 1
                                    

Trace's POV:

Di ko mapigilang mapahikab ng wagas dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko. Andito kame ngayon sa bahay ni boss. Potek naman! Mag-aala-una na ng madaling araw! Ni hindi pa nga kame nakakapagbihis oh magmula ng manggaling kami sa party. Wala naman kame magawa dahil si boss ang may gusto. Urgent and important daw ang meeting na to. Ni ayaw niya nga ipagpabukas eh! Langya. Kumpleto na kami nila Hunter, Trav and Leonard dito at si boss na lang kulang. Malamang nagpapalit lang yun damit sa kwarto niya. Tsk. Buti pa sya. Napahikab na naman ako.

" Taena mo Trace. Dahan dahan sa paghikab aba. Lakas mo makahawa eh." Banat ni Leonard.

" oo nga pre. Saka konting liit naman ng bunganga mo. Pota kasya na barko sa laki ng buka mo eh! " gatong pa ni Hunter.

" ang lakas niyo mang-gago ah! Palibhasa kayo buhay na buhay ang dugo niyo hanggang ngayon dahil naka-iskor kayo sa mga syota niyo!" Balik alaska ko. Nakita kong namula ang mga gago. Binato nga namin ni Trav ng mga sofa pillows.

" ang bading niyong tingnan mga gago! Hahaha! " isa pa tong malakas bumanat si Travis eh.

" mga ulul! Palibhasa wala kayong mga lovelife! " binato naman ako ni Hunter ng vase na nasa tabi niya.

" aray gago! Vase talaga Hunter? Hayop ka pag nabasag to at ako napag initan ni boss yari ka saken. "

" ayos lang yun pre. Susunod naman mababasag bungo mo eh kaya di ako nag aalala. " - hunter

"Pffft. Bwahahahaha! " sabay sabay na tawa ng tatlong ugok. Ako na naman napagkaisahan ang potek.

" anyway ano bang agenda ng meeting ngayon? " - leonard

" taena lakas mo maka agenda lover boy ah?! Formal meeting lang pre? " - trav

" gago! Death meeting to kase kakatxt lang saken ni boss. Pagmi-meetingan daw naten pano ka liligwakin. May kasalanan ka yata kay boss. Kabahan ka na ulul! " - Leonard

Tiningnan namen mukha ni Travis. Ang epic ang pota! Tinablan ata sa pambabasag ni Leonard.

" pfftt! Bwahahahaha! Para kang pusang di matae dyan Trav! Ang panget mo potek ka! " di ko mapigilang tawa kay Trav. Pinagbabato naman niya kame ng unan. Ang gulo na tuloy ng sala ni boss. Lakas din makawala ng antok ng mga hayop na to e.

" CLEAN THOSE MESS IN TEN F*CKING SECONDS OR ELSE " napatuwid kame lahat ng nakita namen si boss naglalakad papunta samen. Mabilis pa sa sampung segundong inayos namen mga nagulong gamit. Taena mahal ko pa buhay ko. Mahirap na. Mukha pa namang mainit ulo ni Zion. Nagkatinginan kame apat. Taena ang epic na naman ng mukha nilang tatlo. Parang lahat sila natataeng ewan. Di ko na naman mapigilang mapatawa.

" pfftt.. Hahahaha! Ang eepic ng mga natataeng mga mukha niyo mga gago! " di ko mapigilang pang-aalaska sa kanila. Di naman sila tumawa. Nakita ko lang mapang asar na ngiti nila saken. Takte. Nakatutok pala sa gwapo kong mukha baril ni boss.

" DO YOU FIND ME F*CKING FUNNY  ASHFORD? " *kasa ng baril*

Napalunok ako. Taena kase pati pagtawa hirap pigilan dahil sa pagmumukha netong tatlong gagong to e.

" yo boss! Zup? Ano bang aten ngayon? Game na game na kame oh! " biglang iba ko ng usapan. Potek. Sana naman palagpasin na ko ni boss. Nakahinga naman ako ng maluwag na inalis na niya yung baril sa gwapo kong mukha.

" Pinatawag ko kayong lahat da---" pinutol ni Trav ang dapat na sasabihin ni boss.

" pfft... Lakas mo maka jose manalo boss ah! Try mopa tumuntong sa hagdan pa-- "

Woohh! Taena! Eto hinihintay ko e. Bobo kase talaga minsan din tong si Travis eh. Sya pinakamadalas bumadtrip kay Zion. Hahaha! Gusto ko videohan ng biglang tinutok ni boss sa alaga niya yung baril niya e. Basag itlog mo ngayon gago ka!

" ah-eh boss! Sorry na.joke joke lang naman yun eh. He-he-he. " pustahan tayo natae na talaga yan sa kaba. Pati pagtawa niya epic eh! Putol putol!

" bwahahaha! " di na namin napigilang tawang lahat. Kahit si Zion eh. Napapailing na lang habang nangingiti. Ang epic naman kase talaga ng mukha ni Travis.

" anyway boss. Anu bang atin ngayon at di na kinaya pang ipagpabukas to? " seryosong tanong ni Leonard. Di bagay ang potek.

" as i've said, pinatawag ko kayo because i want you all to help me on something. " seryoso pero di makatingin na sabi samen ni boss. Bakit parang nahihiya sya?

" spill it boss! Anything for you. " banat ni Hunter.

" ang bakla mo pakinggan ulul! " alaska ko kay Hunter. Lakas maka-anything for you potek.

" ENOUGH FOR THOSE NONSENSE IDIOTS! LISTEN CAREFULLY. I WILL ONLY SAY THIS ONCE. DONT MAKE ME F*CKING REPEAT THIS MORONS IF YOU STILL WANT THOSE PRECIOUS BALLS OF YOURS. YAN ANG UNA KO PAPASABUGIN IM WARNING YOU.. " - zion

Dinig na dinig paglunok namin apat. Potek! Ang hirap talaga biruin ni boss minsan eh. Di na kame nagsalita at naghintay na lang ng sasabihin niya. Sino ba naman gustong mawalan ng preciouse balls diba?! Kayo na lang uyy!

.......

.......

.......

Mga ilang segundo na din nakakalipas bago nagsalita si boss. Tengene! Lakas maka suspense eh! Ano ba kase to potek?!

" I WANT YOU ALL TO HELP ME BY GIVING ME SOME F*CKING ADVICES ON HOW TO COURT A GIRL. " di makatingin na sabe samin ni Zion. Potek namumula ba sya?

OW-KEEY. Spell silence. Kami yun. Pero sabay sabay din kaming iisa lang ang reaksyon!

" pffftt.. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! " as in isang malakas na tawanan.

" Dammit! F*ck you all morons! " asar talong sabi ni Boss sabay kasa ng baril niya at walang gatol na pinaputukan kame sa paa. Natatawa pa din kame habang iniiwasan mga pagpapaputok niya. Takte nakakabuo na kame ng dance steps dito ah.

" taena Zion! Kala ko naman kung anong problema pinakaba mo kaming hayop ka! Hahahaha! " di mapigilang tawa ni Hunter. Sa mga ganitong pagkakataon nagiging komportable magbasagan sa isat-isa. Kahit si Zion pa yan. Nagdirty finger lang naman si boss kay Hunter.

" boss yun lang pala eh. E kahit sa text kayang kaya kita bigyan ng advice eh. Ikaw ah, popormahan mo na pala si baby Shan! Anyare na sa mga damoves mo?! " banat ko kay Zion. Minsan lang mabanatan yan eh. Lubus lubusin ko na.

" She wants me to court her but i dont know how will i f*cking do that! Tang*ina, Kahit kay Trisha nun di ako nanligaw! "  - Zion.

" easy lang pre. We will help you. Para saan pa at may mga kaibigan kang habulin ng mga chicks." - Travis

" oo Trav. Habulin ka talaga ng chicks. Literal na chicks gago! Di na nga chicks e. Inahing manok na! " - Hunter

" at least ako inahin. E ikaw? Tandang na humahabol sayo ulul! " - Bawing asar ni Trav.

" So nasaan yang pinagmamalaki niyong advices? I dont f*cking care if abutin man tayo dito hanggang umaga. hanggat wala akong nagugustuhang suggestion niyo walang matutulog. Might as well start spilling right now assholes. " seryosong banat naman ni Zion.

Potek. Mukhang mapapalaban utak namin ngayon ah. Kung kailan naman pagod ako at inaantok saka naisipan ni boss magpaganito. Pagod pa naman ako at medyo masakit katawan dahil napaaway kame ni Trav kanina gawa ng may tinulungan kaming dalawang babae. Napangiti ako with the thought. Saka ko na ikukwento sa inyo. Unahin muna namen tong si bossing at ako'y antok na antok na.

Hayy buhay parang life. Tsk.

----------------------------------------------

Author's Note :)

Pasensya na sa mga curses ah! Yun talaga character nila eh. I hope you enjoyed this chapter.

Votes and comments are highly appreciated. :)

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon