Final Chapter : That Gangster is my First Kiss Snatcher!

4.4K 94 12
                                    

Shannon's POV :

What happened?

Last time I remember I'm in the hospital.

Yes.. Hospital...

I fainted because of that smell..

I'm with Luke..

Damn! Its Luke!!!

Napamulat ako ng mata ko agad-agad nung maalala ko kung ano ang huling nangyari saken. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong maiyak because suddenly, i feel betrayed. How can Luke do such thing?! At sakin pa talaga? I know he loves me, but I never thought na aabot sa ganito.

Iginala ko ang paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko. Nasa isang maayos at magandang kwarto ako ngayon. In fact, this looks like a hotel or resort room. Im not sure. Pinakiramdaman ko din ang sarili ko. Bukod sa napansin kong nag-iba ang damit ko, nakasuot na kase ako ng lilac colored maxi dress, eh wala naman na akong maramdamang kakaiba sa katawan ko.

Shocks! Did he.... undress me?!

No. I still believe in his high respect for me. I dont know pero sa kabila ng ginawang pagpapatulog sakin ni Luke at paglalagay sa akin sa ganitong sitwasyon, there is still a part of me saying that I can still trust him. That he is still the same Luke I knew. Siguro kase masyado lang mahirap in my part na paniwalaan lahat ng nangyaring to dahil sa lalim ng pinagsamahan namin.

But why am I here? Parang ang layo kase netong lugar na pinagdalahan sakin kumpara sa mga napapanood kong kidnapping hideout eh. Madalas kase diba lumang bodega... abandoned building.. pero yung sakin luxurious room?! Ano bang balak niya saken? Ayoko mang kabahan pero yun ang nararamdaman ko ngayon. I feel so helpless here.

Zion... Where are you? I badly need you now...

Damn. Sya na naman unang pumasok sa isip ko. Seems like everytime I'm in danger sya una kong naiisip.

Because for me, Zion is my savior. Siya lang talaga.

Mas lumakas ang kaba ko nung naramdaman ko ang unti-unting pagbukas ng pinto. Napakapit ako agad sa unan na nasa tabi ko at mabilis ko itong itinakip sa aking katawan na para bang kaya nitong maprotektahan ako sa kung anumang masamang mangyayari.

Inaasahan ko na mukha ni Luke ang bubungad saken pero hindi ganun ang nangyari. Instead I saw a man wearing black all over his body. May nakabalot ding itim sa buong mukha nito. Pati mga kamay neto ay may black gloves. Leaving only his eyes visible to me. Yes. I know that he's a he. Halata naman sa built ng katawan niya. Sino to? Tauhan ba sya ni Luke?

Hinihintay ko itong magsalita pero nananatili parin itong tahimik. Yung kaba ko sobrang lakas na.

"Who are you?! Anong kailangan mo sa akin?! Tauhan ka ba ni Luke ha?! Pakawalan nyo ako dito! " I blurted out hysterically.

Hindi naman ito sumagot bagkus mas lalo pa itong lumalapit sakin.

Oh my gosh! Is he gonna kill me now? No! Tragic na nga love story ko, pati ba naman pagkamatay ko magiging tragic din?!

"W-Wag kang lalapit! Im telling you, pag sinaktan moko, l-lagot ka s-sa asawa ko! He will kill you! "

Tila natigilan naman ito sa paglapit sa akin dahil sa sinabi ko. Sinamantala ko yun para tumayo para man lang makatakbo ako sa kanya kung sakali mang may masama syang balak sa akin. I will fight for my life no matter what happens!

We are still staring at each others eyes at walang gumagalaw. Bakit sya natigilan? Natakot ba sya sa sinabi ko? Effective ba yung pananakot ko? Then I should continue threatening him. Gagawin ko lahat para lang makaligtas ako dito. Kahit wala naman talaga akong asawa!

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon