Chapter 39 : A night to remember ( part 3 )

3.2K 67 0
                                    

Itong mga POV na mababasa niyo dito ay before and during the acquaintance party. Bigyan naten ng moment ang ibang mga character sa parteh parteh na yan! :)

Kylie's POV :

Kasalukuyan kaming lulan ni Cha ng sasakyan ko na syang maghahatid samin sa venue ng party. Maybe you're all wondering bakit kame ang magkasama? Well, yung magagaling lang naman naming mga boyfriend, tinawagan kame na di na daw kami masusundo dahil may mahalaga pa daw silang aasikasuhin! Susunod nalang daw sila sa party. Kaya heto, naisipan nalang namin magsabay ni Cha at damayan ang pagkabadtrip ng isat-isa. Ang ganda ganda ng suot namen pero yung mukha namen di maipinta! Im wearing a royal blue gown na hapit sa katawan ko at may mahabang slit sa gilid showcasing may long left leg. My hair just curled in its natural form habang nakalugay while Cha is a balloon type pink and white combination gown. She really looks like a princess. Actually, pwede sya manalo queen of the night dahil sa ayos niyang yan.

Pagdating namin sa venue, di na kami nagulat ng all eyes on us ang peg ng mga tao dito. Nakita pa nga namin ang pagtataka sa mukha nila dahil siguro sa dumating kami without our dates. Uh-oh! This is not so good. Nakikita namin unti unti lumalapit yung mga dati naming suitors! For sure kukulitin na naman kami ng mga yan na maging date nila!

" Cha, feeling ko mas madadagdagan pa badtrip naten ngayon. Kainis! "

" oo nga kyle eh. Bwiset naman kase mga date naten! Heto nga iniiwasan naten mangyari eh, tapos dito din pala bagsak naten. Nakakapagod pa naman mang reject! " inis na inis na sagot ni sissy saken.

Hinanap ng mata ko sila Hunter, pero ni hindi ko talaga sila mahagilap. Unti unti na kami napalibutan ng mga bwiset at makukulit na lalaki kaya lalong nawala yung chance ko na hagilapin pa sila.

" get off me! Sabi ng ayoko nga eh! " napalingon ako kay Cha dahil sa sigaw niya. Nakita kong nakahawak na sa braso niya yung isang guy at halatang pinipilit sya. I am about to help her ng bigla ring may humawak sa braso ko. Seriously? Nasaan ba mga supposedly guards dito!

" Kylie, ako na lang ang date mo. Wala ka naman kadate ngayon eh. Bagay na bagay tayo ngayon oh. Im on my blue suit din. Ganda mo lalo ngayon ah. Sexy pa. Sarap sa mata ng legs mo! Wooh! " i dont even know this guy! Ang alam ko lang ang manyak niya! Im starting to feel nervous lalo pa't akma niyang hahawakan yung nakalantad kong legs when suddenly narinig ko ang boses ng magaling kong boyfriend.

" subukan mo lang idantay yang kamay mo sa girlfriend ko, sisiguraduhin kong di na makikilala yang mukha mo bukas. " there i saw him with Leonard na ang sama na din ng tingin sa lalaking nakahawak kay Cha. Tila nabuhusan ng malamig na tubig yung mga lalaki at mabilis ding nagsikaripas ng takbo paalis. Naramdaman ko ang paghapit ni Hunter sa bewang ko palapit sa kanya. Di na ko nakapalag. Pero ang sama pa din ng tingin ko sa kanya. Naiinis pa din ako. Hindi naman sya nagsasalita, sinasalubong niya lang masasama kong tingin sa kanya. Nagulat pa nga ako ng bigla niya ako hilahin sa may dance floor at nakihalo sa mga couple na nagsasayaw doon. Hinanap ng mata ko sila Cha, nakita kong nasa dance floor na din sila di kalayuan samin.

" Eyes on me, Gee. " he said commandingly. Bwiset lang diba? Naiinis man, tiningnan ko pa din sya sa mata. Mas lalo niya kong hinapit papunta sa kanya. My arms circling on his shoulders and his hands almost embracing my waist. Nagsisimula na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Shocks.

" wag mo kong matingnan tingnan ng ganyan Hunter ah. Naiinis pa din ako sayo. Di moko sinundo. "

" Sorry na Gee. Something came up na kinailangan namin agad ayusin ni Leonard because it involves you and Charlottes' safety. Those f*cking stalkers of yours, nakita namin sila sa labas ng bahay mo. Alam nila magkasama kayo ni Cha. Mukhang inaabangan nila kayo. They just noticed our presence kaya bigla nila pinaharurot sasakyan nila. Sinundan namin sila pero agad din sila nakalayo. " ang haba ng inexplain ni Hunter pero naintindihan ko naman lahat. Nabuhay na naman ang takot sa dibdib ko. At napansin naman yun ni Hunter.

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon