Chapter 64 : Singing my heart out

3K 84 3
                                    

This chapter is dedicated to angelicaglossy who's always flooding my notif. because of her votes! Greatly appreciated indeed! Thanks sweety! Enjoy this chappy! 😙

Shannon's POV:

Nagising akong mukha pa din ni Zion ang nabungaran ko. This time, alam kong tulog talaga sya. Samantalang ako? di ko alam kung ilang oras lang naitulog ko kakaisip at kakatimbang sa nararamdaman ko towards this gorgeous man beside me. Malaya kong pinagsasawa ang mga mata ko sa kanya ngayon. Yes, I'm indeed sure that I'm falling in love with this man again. O baka mas tama ngang sabihin na I am STILL in love with this man. Narealize ko din kaseng di naman talaga nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Inakala ko lang siguro na nawala thru the help of Luke. Realizing this feeling of mine, i know that this is a big trouble. Oo, ang daming ginagawa at pinaparamdam saken ni Zion, pero I still dont have the assurance that he still loves me. Isa pa, di ko kailangan ng assurance, di naman na ako umaasa pang matutumbasab niya ang pagmamahal na nararamdaman ko for him. Tapos na ako sa stage na umaasa. Im matured enough to take care of my own feelings. Kahit masakir saken.

Ang dami ko ng hindi alam sa kanya ngayon. Is he still a gangster? How bout his cycle of friends? Ni hindi ko nga alam kung ano ba status nya ngayon, kung  committed ba sya to someone or not. Hindi porke walang nakikita ang mga mata ko, magco-conclude agad akong single sya. I'm decided. I will keep this feeling to myself only. I know that things will only become complicated pag nag-confess pa ako sa kanya. And isa pa, natatakot ako, baka mas worse pa yung mangyari kesa sa nangyari noon. Isa lang naman kahihinatnan nito eh, I will end up hurting myself more. I will just enjoy the remaining of my two weeks with him, then after that, I will do my best para mawala na tong feelings ko sa kanya at makalimutan sya. Just this once, pagbibigyan ko sarili ko with him. Napangiti ako ng mapait habang hinahaplos ko yung mukha nya.

Maingat akong tumayo at pumunta sa mini kitchen ng kwarto niya. Di na ako nag-abalang magpalit pa, Im still wearing his shirt na bahagya lang lumagpas sa bewang ko. It feels so good wearing his shirt kase, feeling ko yakap yakap ako ni Zion, plus his scent is invading my nose. I'm loving it.

I cooked eggs and ham for his breakfast. Yun lang din naman kase available sa ref nia dito. Di na ako nag-abala pang lumabas para kumuha ng food, mamaya nyan makita pako nila Aling Ising na galing sa kwarto niya eh. Nakakahiya. 

I am nearly done cooking ng bigla kong naramdaman ang pagyakap saken ni Zion from behind. Napangiti ako. Still the same Zion. Ang hilig niya talaga mangyakap lalo na kapag nagluluto ako. Butterflies in my stomache are starting to ramble again. Napaigtad pa ako ng naramdaman kong ipinatong niya ang ulo nya sa balikat ko saka marahang hinalikan ako sa leeg. 

" Good morning, Sweety. You're such a lovely view in my kitchen. Hmm.. " He said in a very husky voice habang walang sawang inaamoy yung leeg ko. Napapapikit na talaga ako coz its giving me different sensations. Siya lang. Siya lang talaga tanging lalaking nakakaganito saken. Humarap na ako sa kanya para matigil na din sya sa paghalik sa leeg ko. I had this feeling kase na di ko na kakayanin pag nagpatuloy pa sya.

" Good morning din. Have your breakfast first, I'm done cooking. " Akmang lalagpasan ko na sana sya ng bigla niya ulit akong hapitin pabalik.

" Ikaw ang gusto kong breakfast." he said while looking at me intently. Kinurot ko nga sa tagiliran. 

" Umayos ka Zion ah. Pinagbigyan na kita kagabi. " He smiled naughtily at what I said. Then I blushed, realizing that what I said might gave a double meaning. Inirapan ko na lang sya para matago ang hiya ko. Muli niya akong hinapit at saka ako hinalikan sa labi ko ng mabilisan. Di ako makareact agad sa gulat ko, kaya nanatili akong nakatitig sa kanya, samantalang sya, nakangiti pa din sakin na tila nakakaloko. 

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon