Chapter 26 : Evil Thoughts

3.1K 63 1
                                    

>>> picture of Trisha Velasco on top.

Trisha Velasco's POV:

Dinig na dinig ko lahat ng naging paguusap nila Zion at ni Daddy. Lingid sa kaalaman ni Daddy, sinundan ko sya dito sa Stamford Academy kung saan sya kasalukuyan nagtuturo. I am about to knock in his office's door  nang maramdaman kong may paparating. I was so shock nang makilala ko kung sino, si Zion. Miss na miss ko na sya. Mahigit isang taon ko din syang hindi nakita. Balak ko naman talagang magpakita sa kanya ulit, pero di pa ngayon. Masyado pa daw maaga sabe ni Daddy. Magtiwala lang daw ako sa mga plano niya. Pumayag ako na gawin niya kahit anong gusto niya basta mapasaakin lang si Zion. Gustong gusto kong tumakbo sa kanya ngayon at yakapin sya. Gustong gusto kong hilingin sa kanya na tanggapin niya akong muli sa buhay niya. Kung sana ganung kadali ang lahat. Kung sana tulad pa din ng dati ang lahat.

Nagtago ako sa mga halaman malapit sa bukas na bintana ng office ni Daddy kung saan kitang kita at dinig na dinig ko ang lahat ng pangyayari sa loob. Nakita kong tinutukan ni Zion ng baril si daddy. Aaminin kong nagulat ako dahil di ko alam na marunong sya gumamit ng baril o mas tamang sabihin nagdududa ako kung kaya niya nga bang gumamit ng baril. He's the gentlest man I've ever known. Mas nag alala ako sa kalagayan niya, dahil di niya alam kung ano kayang gawin ni Daddy. My dad is the most dangerous yet the most loving man for me. I know that he's just doing these things to protect me. He loves me that much that he is willing to give everything I want. Hiniling ko si Zion sa kanya. Nung una di sya pumayag, dahil ang plano niya daw talaga ay ang patayin si Zion. Naintindihan ko kung bakit ganun katindi ang galit niya. He almost lost me. I almost... Hayy. I dont want to remember the worst time of my life. Napapayag ko lang sya dahil nangako akong last chance na to. Na sa oras na masaktan ako ulit, di ko na sya pipigilan pa sa kahit anuman gusto niyang gawin. As if I'm going to let that happen. This time, I am pretty sure that  everything will fall according to my plans. I will do whatever it takes to get him back. Naniniwala akong mahal niya pa din ako.

Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa kanila. May nabanggit si Daddy na pangalan ng babae. If I'm not mistaken Shannon is the name. Sinabe din ni Daddy na sya daw ang pinakamahalaga sa buhay ni Zion ngayon kahit na itinanggi naman ito ng huli. Pero mas naniniwala ako kay daddy. Bakit? Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Zion kahit anong pilit niyang gawing kalmado ang mukha niya. Ganun ko sya kakilala. Nagsimulang bumangon ang galit sa dibdib ko. Sino yung Shannon na yun? Ganun niya ba ako kabilis ipinagpalit agad? At bakit di ito nabanggit ni Daddy saken! Pwes, ako mismo gagawa ng paraan para alamin kung ano talaga namamagitan sa kanila ni Zion. At kung sya na nga ang bagong babae sa buhay ni Zion, pakasaya na sya, dahil di ko hahayaan na magtagal yun. Gagawin ko lahat, bumalik lang saken si Zion. Even if it means getting that Shannon out of the picture, sa kahit ano mang paraan. Call me selfish, but I dont share what's mine. And Zion is mine! Only mine!

Nakita kong lumabas na ng office si Daddy. Dali dali ko syang sinundan. Mahirap ba baka makita ako ni Zion.

" Daddy... "

" Alam kong kanina ka pa nakamasid samin. I told you not to come here. Matigas pa rin talaga ulo mo Trisha. "

Niyakap ko na lang si daddy mula sa likod. Konting lambing ko lang dito at di rin ako nito matitiis.

" Hayyy. Kailan ba kita natiis na bata ka. Tara na at umuwi. This is my last day in this school. Im done here. "

" Daddy, gusto ko mag aral dito. " deretso kong sabi sa kanya.

" Alam ko naman hihilingin mo yan eh. From now on, sige gawin mo ang gusto mo, dahil yun ang usapan naten. Just dont forget that this is your last chance.  " seryoso niyang sabe.

I gave her my sweetest smile and my warmest hug.

" thanks daddy! The best ka talaga! Dont worry di ako papalpak. Kaya ko na sarili ko. Di nako tulad ng dati. "

" whatever you say Trisha. Basta tuloy pa din mga plano ko. Walang makakapigil sakin, kahit na ikaw pa. "

" hayy, ok dad. Just do your promise too. Na hindi mo na sya papatayin pag napatunayan ko sayong mahal pa rin namin isat-isa. "

" ok. Mark my word. Lets go home. Tomorrow will be your first day here. I will arrange everything. "

Napangiti na lang ako. Bilib talaga ako sa connections and manipulations ni Dad. Nagagawa niyang posible ang imposible. Kahit na nagtatampo ako sa kanya dahil di niya agad sinabe saken yung about sa Shannon na yun. Hinayaan ko na lang sya. I've already decided. Kikilos din ako on my own.

Andrew Velasco's POV :

Im on my way home with Trisha. Dinala ko na lahat ng gamit ko. Tutal balak ko naman talaga na umalis na eskwelahang yun matapos kong magawa ang mga dapat kong gawin dun. Everything is moving smooth according to my plan. Napangisi ako.

Si Trisha? Hinahayaan ko lang sya. Alam ko naman sa huli ako at ako din ang masusunod. She's the only one I have. Di ako papayag na pati sya mawala saken. I am willing to give everything she wants. I have my own ways para mapaikot yung Zion na yun sa mga kamay ko. I won't let her hurt my Trisha again. Kaya ngayon sige, icoconsider ko muna ang buhayin sya ngayon, pero tulad nga ng sinabe ko sa kanya kanina, isang maling galaw lang, kayang kaya ko silang ipapatay lahat.

Hanggang ngayon, sariwa pa din lahat sa akin lahat ng atrasong ginawa niya lalong lalo na sa anak ko.. Kung dumating man ang panahon na magkatotoo man ang sinabe ni Trisha at mapatunayan na mahal pa talaga sya ng Zion na yun, baka sakaling pag isipan ko pang buhayin sya. Di ko rin naman maaatim na magkasira kami ng anak ko. 

Sa ngayon, mas pipiliin kong magmasid muna at mag abang ng mga mangyayari. Tutuparin ko ang pangako ko sa anak ko. I will give her one last chance. Tutal, alam ko naman na hindi ko din naman sya mapipigilan. alam kong gagawa at gagawa sya ng  paraan upang makuha ang gusto nya. I smiled with the thought, manang mana talaga sya saken, mag-ama nga kame.

Sigurado naman akong anuman ang mangyari, nakahanda ako. They dont know what I'm capable of. Even si Trisha, matagal bago niya tuluyang naabsorb lahat ng katotohanan tungkol sa akin. Hanggang sa nakasanayan na lang niya lahat ng illegal transactions I am involve. I am so thankful na mas pinili niyang unawain ang sarili niyang ama kaysa kamuhian. Sobrang takot ko talaga ng mga panahong yun sa pag aakalang ang nag-iisang anak ko ay di ako matatanggap. Ang tagal na panahon kong itinago sa kanya ang lahat. Kung alam ko lang, eh di sana dati pa ko nagkalakas ng loob ng sabihin ang lahat.

Aaminin ko din sobrang pagseselos ko sa pagmamahal na ibinibigay ni Trisha sa Zion na yun. Kung ako lang talaga masusunod, at kung di ko na iisipin pa ang kaligayahan ng anak ko, matagal na sanang burado sa mundong to ang lalaking yun.

Subukan mo lang MULING magkamali Zion Lee Stamford. Sisiguraduhin kong di lang buhay mo mabubura, pati buhay na lahat ng mahal mo sa buhay isasama ko sa hukay.

__________________________________________________________________________________

Author's Note :)

Masyado mang seryoso tong chapter na to, sana naappreciate niyo pa din kahit puro kontrabida ang may POV's dito. hehehe. Sobrang halaga ng character ng mag-amang ito. Antabayanan ang mga susunod na kabanata.

Just keep on reading my dear sweeties!! :)

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon