Shannon's POV :
Malapit na ako sa main exit ng airport pero bakit parang di ko padin makita sila Mommy and Daddy? Di ko tuloy mapigilang mapasimangot. Ineexpect ko talaga sila ang susundo saken eh. Miss na miss ko pa naman sila. Sila pa tong sobra akong pinagmadali maayos ang flight ko. tapos sila naman tong wala. Busy na naman siguro sa trabaho. Hayy. Bakit nga ba nag-expect pa ko.
Wala din naman akong friends na pwede kong iexpect na sasalubong saken dito. Nawalan na ako ng contact sa kanila sa loob ng anim na taong nawala ako dito. As per Luke, nagpipilit pa din sila Kylie and Charlotte na makausap man lang ako, may contact kase sila kay Luke eh, pero ako na din mismo ang umayaw. Lahat ng balita sa kanila pilit kong iniwasan. Alam kong somehow updated si Luke sa mga pangyayari sa kanila dito, pero mas pinili niya igalang ang desisyon ko. I suddenly miss him again.
Decided na kong sumakay na lang ng cab ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagflash sa screen ang name ni Mommy. Sinagot ko naman ito agad.
" Shannon, anak, where are you right now? "
" Mom, andito na ko sa exit and I'm actually waiting for a cab na. Di niyo man lang kase ako sinundo. Tampo na ko. " Hinaluan ko pa ng tila nagtatampo kong boses para mas convincing.
" No, anak. Stay there.. We're actually on our way. We're caught up in the traffic. May ilang main roads kase na isinara dahil may big celebrity daw na dadaan dito. Di naman namen to ineexpect ni daddy mo eh. Wait for us anak ah. Malapit na kame. "
Bigla naman ako nakaramdam ng excitement dahil sila pala mismo ang susundo saken.
" Talaga Mommy?! Alright. I'll wait for you here, then derecho na tayo dinner dun sa favorite resto naten ah. Let's catch up. Namiss ko talaga kayo. "
" Alright Sweety. Sandali nalang to. "
Kumalabog ang dibdib ko ng narinig kong tinawag akong Sweety ni Mommy. Isang tao pa lang tumawag saken na ganun. Zion. Napailing ako agad. I immediately vanished that thought of mine. Hindi porke nasa Pinas na naman ako eh sya na naman maalala ko. Masaya na ako kay Luke ngayon, period.
Naglalakad na ako papuntang waiting area ng bigla ako nakarinig ng nakakabinging mga tilian ng kababaihan na tila ang tiyagang naghihintay di kalayuan ng exit area. Di ko maiwasan mapatingin sa kanila dahil agaw atensyon naman talaga sila. Karamihan sa kanila ay mga kabataan, pero meron ding mga adult na. Sila pa nga yung may hawak na banner. Binasa ko yung nakalagay sa banner nila na tadtad ng Heart na designs.
♥♥♥ Welcome back Idol Lee Ford! ♥♥♥
♥♥♥ We love you Fafa Lee! ♥♥♥
♥♥♥ We are you're number one fan Idol Lee! ♥♥♥
Oo ganyan talaga nila tinadtad ng heart yung mga banners nila.
Lee Ford? Sino yun? Ah baka sikat na celebrity dito ngayon sa Pinas. Baka yun din yung sinasabe nila Mommy na celebrity na darating. Napasimangot na naman tuloy ako. Jusmiyo naman. Kailangan isasara pa talaga ang daan pag dadaan yung Lee Ford na yun? Tsk. Di ko pa man kilala yun parang ayoko na sa kanya.
Napatingin ulit ako dun sa mga fan girls dahil biglang lumakas ang tilian nila at halos nagkakagulo na sila. Sigaw sila ng sigaw ng Lee! Nakita kong may lalaking naka black leather jacket and shades na papalabas ng airport. Di ko gaano makita mukha niya dahil may mga bodyguards and security na pinapalibutan sya. Actually nahihirapan sila makalabas dahil dinumog na talaga sya. Pilit ko tinitingnan yung mukha niya pero di ko talaga halos makita. Ayoko naman lumapit pa dahil baka maipit lang ako nung mga fan girls niya. Mabilis ding nakasakay yung Lee Ford sa sasakyan niya. Grabe naman yun. Di man lang tinapunan ng tingin fans niya. Ni konting smile wala man lang binigay. Tss. Dapat dun walang umiidolo eh.
BINABASA MO ANG
That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016
Teen FictionShannon is a typical pretty rich girl who has everything in her life, except for one thing - LOVE LIFE. Well, for her, di naman sya nagmamadali. Isa pa she doesn't want to rush things. Kung darating, darating. She believes in true love. She doesnt w...
