>> beautiful Shan on top.
Someone's POV :
Zion arrived at Shannon's house at exactly 7pm while looking oh so hot and definitely handsome in his black suit. He preferred to be in full black attire while Shannon will be wearing a cream colored gown. Hindi niya pa nga lang nakikita kung anong design ng dress ni Shannon. Kasalukuyan syang naghihintay sa salas kausap ang ama ni Shannon ng makarinig sya ng tunog ng takong na sapatos na tila bumababa sa hagdan.
Automatically his head tilted on Shannon's direction na nasa dulo na ng hagdan at nakangiting nakatingin sa kanya. He thinks his jaw literally dropped at the sight of her looking so gorgeous in her tube styled cream gown na hapit na hapit sa katawan niya. Her hair beautifully styled in a curly way. Natigil lamang sya pagiisip ng tumikhim ang ama ni Shannon.
" Stop drooling over my daughter Mr. Stamford " tila nagbibirong sabi ng ama ni Shannon.
That's the only time Zion got back to his senses at nagsimulang lumapit kay Shannon. Hinawakan niya ang kamay nito at saka hinalikan causing her to blush.
" beautiful... " Zion complimented Shannon while looking directly into her eyes. Tila wala ng pakialam ang lalaki kung nasa paligid man ang magulang nito. Bakit pa? Eh sya nga mismo hindi maintindihan ang mabilis na kabog ng dibdib niya na palagi niyang nararamdaman whenever Shannon is near him. And tonight, he's very sure that one thing is certain sa lahat ng nararamdaman niya, he can't afford to lose Shannon.
Isang matamis na ngiti lamang ang isinagot ng dalaga kay Zion. Pagtapos nilang magpaalam sa kanyang magulang, ay agad din silang bumyahe papunta sa venue ng party lulan ng sasakyang dala ni Zion.
Zion's POV :
Shit! Bakit ba parang napipipi ako ngayon? Kanina pa kame nasa byahe pero ni di ko alam pano ko sya kakausapin. She's too beautiful tonight. Having her this near makes me in heat. I should compose myself. Dammit!
"Hindi ka ba nilalamig Shan? Yung suot mo kase eh, medyo ano eh.. "
" medyo ano? Pangit ba yung suot ko? Hindi ba bagay? You shoul--"
" I told you its beautiful. YOU ARE SO BEAUTIFUL tonight Shan. Actually, you always are.. " i cant help myself but to compliment her. I saw her smiled genuinely. mas lalo tuloy sya gumanda sa paningin ko. Potek talaga. Niluwagan ko tuloy yung tie ng suit ko. Pakiramdam ko di ako makahinga eh.
" thanks Zion. Ikaw din kaya! Ang gwapo mo tonight! I love your hair! Bagay sayo. " napangiti din ako. My hair is fixed stylishly. Walang nakasabagal na buhok sa mukha ko ngayon.
" yeah, i know. Lagi naman diba? " she just rolled her eyes. I just continued driving while half smiling.
Pagdating namin sa venue, camera flashes agad ang sumalubong samin dahilan para mapasimangot ako. Shannon pinched my nose while chuckling.
" hey. Ayusin mo nga yang mukha mo. Sayang naman yang porma mo at gwapo mong mukha kung nakabusangot naman. " hinila niya ko papalapit sa kanya. I get stunned to her nearness. Inayos niya lang pala yung necktie ko. Di ko na naman mapigilan pagmasdan yung maganda niyang mukha. I raised her chin up for her to look straightly in my eyes.
" Can i kiss you Shan? " nakita kong nanlaki yung mga mata niya.
" Zion! Anu ka ba?! Tigil tigilan mo ko ng kakaganyan mo ah! Namumuro ka na saken. " saway niya saken na may kasama pang kurot sa gilid ko. Di ko napigilang tumawa. Napakadali niya talagang asarin.
" alright, alright. Pagbibigyan kita ngayon. Pero ito lang tatandaan mo. " bahagya akong tumigil at hinapit ko sya papunta saken. Leaving our face an inch closer. I dont even care about those f*cking cameras. " i wont let this night end nang di kita nahahalikan. So just be ready. " there she goes again. Blushing. At di alam kung ano dapat sabihin. Pinitik ko sya sa noo causing her to shout an "ouch".
" get back to your senses sweety. Pumasok na tayo. I can see my gang and your friends are waiting for us already." Nilapitan ko sya at binulungan sa tenga. " in fact, kanina pa sila nakatingin saten kaya kitang kita nila how you drool over me." Napatingin sya bigla saken with a red face. Sabay hampas sa balikat ko.
Napatawa ako ng malakas habang iiling iling. Hinawakan ko sya sa bewang at iginiya na papasok sa venue. Di pa man din kami nakakalapit mg husto sa table nila Hunter ng biglang may tumawag saken na unknown number. Bigla akong kinutuban ng di maganda. Sinagot ko ang tawag. Pinakinggan ko lang ang tuloy tuloy na pagsasalita ng nasa kabilang linya. Naniningkit ang mga mata ko pagkatapos ng tawag. Napakuyom ako ng kamao. Hinanap ng mata ko si Trisha. Then i saw her sitting all alone in a table while looking at me intently. Her lips formed a small smile indicating as if she achieved something. Mabigat man sa loob ko. Binitawan ko si Shannon. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko. Walang lingon iniwanan ko sya sa gitna ng venue as i slowly made my way to Trisha. She stand in front of me the moment i reached her place at walang sabi sabing kinabig ako sa leeg at hinalikan sa labi. I heard everyone's reaction especially Shannon's loud gasp. Inilayo ko si Trisha at mabigat sa loob na tiningnan ko si Shannon. I saw her shocked face and how her body is trembling. Then i saw Luke Pendelton made his way to her and hugged her at saka inalalayang makaupo. Tinapunan niya ko ng masamang tingin na sinalubong ko naman. My anger is raging like fire. Isa lang sisiguraduhin ko. SOMEBODY WILL HAVE TO PAY FOR THIS.
----------------------------------------------
Author's Note :
Dont be mad at Zion plsssssss! everything happens for a reason! Hehehe.. Kapit lang tayo mga sweeties. Ill make sure na maganda ang next chapter! :)
Keep reading! Lovelots!
BINABASA MO ANG
That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016
Roman pour AdolescentsShannon is a typical pretty rich girl who has everything in her life, except for one thing - LOVE LIFE. Well, for her, di naman sya nagmamadali. Isa pa she doesn't want to rush things. Kung darating, darating. She believes in true love. She doesnt w...