Chapter 60 : The After 6-long-years KISS!

3.1K 67 2
                                    

Shannon's POV :

Hanggang ngayon andito padin ako sa kwarto ko simula ng inihatid ako ni Zion dito pagkadating namin galing shoot. Yung nalaman ko about kay Janelle, di na nadagdagan yun dahil di nako kinausap ni Zion after niyang i-confirm na kapatid niya si Janelle. Haist! Maloloka nako kakaisip kung paano ba nangyari yun! Di ko naman matawagan sila Sissies or kahit sino sa gang dahil walang signal dito! Kahit nga si Luke di ko na nakausap. Lagot ako dun. Hayyy. I kinda miss him. Especially at time like this na confused ako.

Hindi din mawala sa isip ko yung katangahan ko kanina. Imagine?! I almost let myself na mahalikan niya kanina! Ni hindi man lang ako gumawa ng paraan para pigilan sya. Eh anong magagawa ko, I'm in shocked, hindi sa nadala ako sa sitwasyon, I just dont know how and what to react!

Haisssst! Maloloka akong kakaisip talaga dito! Naisipan kong bumaba para magtimpla na lang ng juice sa kusina. Malapit na pala mag-dinner. Tutulong nga ako kina Aling Ising magluto. Tutal naman yun naman talaga trabaho ko dito eh. Nadatnan kong nagluluto si Aling Ising ng Adobo. Request daw kase ni Zion. Sisimulan niya pa lang iluto dahil kakatapos lang daw niya magluto ng Sinigang.

" ako na hong magluluto ng adobo Aling Ising. Medyo namiss ko din ho kase lutuin yan. Isa pa trabaho ko ho yun kay Zion."

" Trabaho ba kamo iha? Akala ko eh nobya ka ng Senyorito? " i blushed at what she said.

" bakit niyo naman ho naisip yon? Ni hindi niyo nga ho kami nakikitang sweet eh. "

" alam mo iha, kilalang kilala ko yang batang yan dahil halos saken na lumaki ang magkapatid na yan. Nagkawalay lang kame ng maghighschool ang mga yan. At nakikita ko sa mga mata nyang si senyorito na mahalaga ka sa kanya. Maniwala ka saken iha. Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng itinuntong niya dito?" Ako pa lang? Kahit si Trisha di niya ba dinala dito? Pero syempre pinigilan ko sarili kong itanong yun.baka mamaya niyan sabihin ni Aling Ising na interesado ako sa Senyorito Zion nila.

" kayo talaga Aling Ising. Wag ho kayo mag isip ng ganyan. Im just here as his assistant. Sige na po. Magpahinga na kayo doon. Ako nang bahala dito. Sasarapan ko po promise!"

" Sayang naman pala iha eh bagay na bagay pa naman kayo ni Zion ko. Oh sya sige maiwan na kita. Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong ha? Salamat iha. " i just smiled at her. Namiss ko tuloy ang lola kong matagal nang yumao elementary days palang namin ni kuya.

Im in the middle of my cooking ng bigla kong naramdaman presence ni Zion sa likod ko. Inaamoy nya yung niluluto ko from my back. Nararamdaman ko yung katawan niyang nakadikit sa likod. Tila nanigas tuloy ako sa kinatatayuan ko. Di pa din kase ako nakakaget over sa nangyari kanina! Parang ayoko muna sya harapin. Sabagay mas ok na yung ganito sya, dati kase bigla bigla na lang yang mangyayakap habang nagluluto ako.

" hmm, ang bango niyan ah. Kaya pala wala ka sa kwarto mo ikaw ang nagluto dito. You dont have to do that really, pag nandun lang tayo sa bahay ko in Manila. Andito naman kase sila Nay Ising. " buti naman at dumistansya na sya. Pumwesto sya sa gilid ko, maybe to have a better view of what im cooking.

" no, its my work. I still insist on doing this. Isa pa wala naman akong ginagawa. " sagot ko ng hindi ko pa din sya tinitingnan. Busy kase ako sa pagtikhim eh kung tama na ang timpla. Napasimangot naman ako kase di ko makuha yung gusto kong timpla. Maalat kase ako magtimpla ng adobo eh. Di ko kase sure kung ano ba preferred nyang timpla sa ulam na to.

" matagal pa ba yan? Im starving. " sinamaan ko lang sya ng tingin. Ayoko kase minamadali ako pag nagluluto.

" di ko kase sure kung tama na ba yung alat nito para sa taste mo." Masungit kong sabi sa kanya habang tinikman ko ulit yung timpla ko.

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon