Chapter 24 : Missing Him

3.7K 87 1
                                    

Shannon's POV:

Mabilis na lumipas ang 2nd week ko dito sa school. Friday na ngayon. Friday na pero di ko pa din nakikita ang unggoy na yun. 3 days na syang di pumapasok. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng lungkot at pag-aalala. Hayyy. Bakit ba kase hindi sya pumapasok? Nahihiya naman ako magtanong kina Hunter at Leonard. Besides, ayoko ng makaistorbo sa dalawang lovers na yun. Natutuwa nga ako at parang nagkakadevelopan na yung dalawang love team na gusto ko eh. Hehehe. Hatid sundo na kase nila Hunter at Leonard sila Kylie at Cha eh. I just dont know what their real score is. Lagi pa din kase sila nagbabangayan eh. Hahaha. Kung si Travis at Trace naman ang tatanungin niyo, haynako! 3 days na din silang buntot ng buntot saken! Ang kukulit! Titigil lang mga yun pag nakauwi na ko ng bahay eh! Nawiweirduhan nga ako sa dalawang yun. Although makulit pa din sila tulad ng dati, parang may nararamdaman akong kakaiba sa mga kilos nila eh. Tulad kahapon, naglalakad kame papuntang cafeteria, parang timang si Travis na lingon ng lingon sa paligid namen. Parang nakikiramdam? Nung tinanong ko naman sya. May nakita daw sya magandang chikababes sabay tawa lang saken. Ah ewan! And speaking of those two, heto katabi ko sa upuan at kinukulit na naman ako. Andito kame ngayon sa room at naghihintay lang na dumating ang teacher namen sa first subject.

" Hey baby Shan, wag ka na kase mag mall mamaya. Umuwi ka na lang derecho sa bahay. " - Trace

" Eh bakit ba kase Trace? Nakakahiya naman kay Luke." Niyaya kase ako ni Luke mag mall. For the second time na to. Kaya nakakahiya na tumanggi. Nagpaalam na naman ako kina mommy. Pumayag naman sila kase akala nila si Zion kasama ko. I tried to explain na iba kasama ko pero binaba na niya agad phone niya. Parang narinig ko pa nga si mommy na tumili eh. Yung parang kinikilig na ewan? Weirdo talaga yung si mommy minsan. Haha.

" Andito na pala si Boss eh! " mabilis ako napatingin sa direksyon na tinitingnan nila Travis. Si Zion. Siya nga. Pero bakit ganun itsura niya. Ang seryoso ng mukha niya. Hala? Galit pa din kaya sya saken dahil sa nangyari nung Monday? Eh ako nga dapat magalit eh!

Flashback...

(Eto yung time na kumakain si Luke at Shannon sa cafeteria tapos hinila sya ni Zion dahil malelate na daw sila sa first class nila. )

" Teka nga Zion! Bitawan mo kamay ko. Nasasaktan na ko sa paghila mo! " tumigil naman sya sa paglalakad at binitawan ang kamay ko.

" Ano bang problema mo?! "

" Just don't go near that f*cking guy again! " sagot niya saken.

" Bakit ba kase ganyan ka kay Luke? Wala naman ginagawa masama yung tao eh. " kainis kase eh. Problema ba niya?!

" Just do it. I dont have to say everything Shannon." Seryoso niya pa ding sabi.

" No. Luke is my friend. Wala naman sya ginagawang masama saken eh. "

" Hihintayin mo pa bang may mangyaring masama bago ka sumunod? Tss. " pagkasabi nun ay tinalikuran na niya ako at nauna na pumasok sa room.

Ano bang masama pinagsasabe nun si Zion? May topak na naman yun. Minsan talaga hindi ko sya magets eh! Scratch that pala, madalas pala hindi ko sya magets! Naku ah! Nagiinit ulo ko. Napaka-unreasonable naman kase nya! Saka sino ba sya para diktahan sa kung sino man gusto ko maging kaibigan at sa kung ano gusto ko gawin.

Pumasok na din ako sa room. Pagkaupo ko sa tabi niya di niya ko tinitingnan at halatang badtrip ang mukha niya. Sya pa talaga may gana mabadtrip ah.

" Hoy Zion, ano ba kase problema mo kay Luke Pendelton? Try mo kaya iexplain baka sakaling maintindihan ko baluktot mong reason! " nakita ko sa gilid na mata ko na tumingin samen si Kylie. Wala na kong pakialam kung naririnig man ng iba. Basta naiinis ako.
Hindi naman ako sinagot ni Zion. Buong maghapon ng klase namen wala
kaming imikan. Pagkatapos ng klase tumayo siya agad at umalis. Nagpaalam naman saken si Hunter at sumunod na din kay Zion, may meeting daw sila. Yan na naman yung meeting na di ko din maintindihan kung bakit may paganun ganun pa sila. Ewan ko kung bakit wala yung T-boys. Si Leonard naman daw nag ditch ng klase. Si Cha naman absent due to fever, nagtext kase sya saken kanina eh.

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon