Chapter 45 : You got our backs!

2.7K 71 0
                                    

Hunter's POV :

Kumpleto kame ngayon lahat dit sa Black Hawk Gang Hideout. Wala  namang meeting na pinatawag si Boss. Ganito lang talaga kame minsan pag gusto namin tumambay. This place is like our second home.

" Boss, bakit parang ang tamlay mo yata? Basted ka ba kay Baby Shan? " - Trace

Muli na naman akong napasulyap kay Zion. Kanina pa sya ganyan na tila ang lalim ng iniisip. Ni hindi nga sya sumasali sa biruan namen kanina pa eh. Di ko na kailangan manghula kung ano, or mas tama yatang sabihin na kung "Sino" ang dahilan ng pagkakaganyan niya. Only one fvcking name rings a bell here. "TRISHA". Damn.  Napakuyom ako ng kamao. Alam na alam kong gulo lang ang dadalhin ng babaing yun the moment i saw her entering our classroom that day. Sa laki ng atraso niya samin, paano niya nagagawang harapin kami na para bang walang nangyari? Unti unti na naman akong binabalot ng galit at pagkamuhi sa babaeng yun.

Marahil nagtataka kayo kung bakit ganito din katindi galit ko. Dahil lang naman sa isang napakabigat na dahilan. Zyrene Janelle Stamford, Zion's sister, is my girlfriend until that incident happened that took her life. Damn. Napakasakit. Lalo pa't nakita ng sarili kong mata ang pagkawala niya. And what does Trisha has do with this? Because she was the last person na nakita naming kasama ni Zyrene bago sya mahulog sa bangin na yun ng gabing yun. Kitang kita namin kung paano itinulak ni Trisha si Zyrene ng gabing yun. Di na kame nagkaroon ng pagkakataong makausap sya dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari after nun.

Mabilis ang naging pagsasampa ng kaso ng mga magulang ni Zion labang kay Trisha pero naibasura din ng korte dahil daw sa kawalan ng ebidensya. Hindi namin alam paano nangyari yun pero naniniwala akong dahil sa malakas na koneksyon nung gagong tatay ni Trsiha, si Andrew Velasco. After mapawalang bisa, nabalitaan nalang namin nangibang bansa na daw ang mag-ama at di na namin nakita magmula noon.

God knows, ginawa naming lahat nila Zion para makita si Trisha. Gusto rin naman naming marinig ang panig niya. After all, naging kaibigan namin sya at masakit saming tanggapin na kaya niyang gawin ang bagay na yun. Pero saming lima, alam naming lahat na si Zion ang pinaka nasaktan. Kitang kita namin kung gaanon minahal ni Zion si Trisha. Kung paanong ang mundo niya ay umikot na lamang halos sa babaeng mahal niya. At alam din namin kung  gaano naipit si Zion sa sitwasyon noon. Naging dahilan kase ang pangyayaring yun para magalit ang ama niya sa kanya. Ni hindi man lang daw naprotektahan ang kaisa-isa niyang kapatid laban sa babaeng pinili niyang mahalin. Magmula noon, nakita namen ang naging malaking pagbabago kay Boss. He became the most cold hearted man we knew.

Napatiim bagang na lang ako at napailing. Sobrang sakit din saken balikan ang nakaraan. I still miss Zyrene until now. Although, my world has become live again because of Kylie. Thanks to her. I smiled at the thought of her.

" Hoy Hunter? Baliw ka ba? Kanina ka pa namin tinitingnan, iiling ka, bubuntung hininga ka, tapos ngingiti ka? Adik ka ba? ano tinira mo tol? " - Travis

" Gago " - simpleng sagot ko. pero natatawa ako. argh! these jerks!

" Ako pa gago? eh kaw nga tong mukhang ewan. Para kang si Boss eh. " - Travis

Napasulyap tuloy kame agad kay Zion. Tahimik pa ding tila malalim ang iniisip.

" Ano pre? Inom na ba tayo? Tara dun tayo sa bar ni Trace. dami pa chicks dun boss! " - Leonard

" Good boy na yan tanga. kita mong dumidiskarte kay baby Shan eh " - Trace

" We're official. FYI. Jerks. " - seryosong sagot samen ni boss.

" Woohhhh! sa wakas nagsalita din! congrats Zion! " masayang bati ko sa kanya. He deserves Shannon. They actually deserve each other.

" effective pala yung mag-igib ng isang drum ng tubig na galing sa pool no? ang epic talaga nun pre! hahaha! " - Travis

" kaya kayong T-boys pag may gusto kayo ligawan, ganun gawin niyo! Wala pa rin ba kayo till now? Tangna, napaglipasan na kayo ng panahon mga ulul. " - Leonard

" Yabang mo Leonard! Porke may Charlotte, Kylie and Shannon lang kayo. Antayin niyo lang mga gago, iiwan din kayo niyan. Walang forever! " - Trace

" Pakyu ka Trace!  Ang bakla mo taena ka. May walang forever forever ka pa nalalaman. " - Hunter

" Antayin niyo lang, malapit lapit na din kame ni Trace. diba tol? " sabi ni Travis pero kay Trace lang naman nakatingin. Hmm. I smell something fishy sa dalawang to ah. Di ganyan magsalita yan eh. Normally, they are talking about girls in general. Kase for them, lahat ng babae sa paligid nila madaling makuha dahil nagkakandarapa naman daw sa kanila ang mga ito. Well, I can't blame them, these two idiots really got the looks. Kaya nga sila ang Cassanova sa group namin. its not that women dont like us, its just that mas marami lumalapit sa kanila dahil sila ang mas approachable sa grupo. Women are gifts from heaven daw. Kaya bakit naman daw nila susungitan. Tss. Idiots.

" Maiba ko, Boss. Kung ano man yang mga inaalala mo. We're just here. You got our backs. " i gave Zion a reassuring smile while I tapped him on his right shoulder.

" ewwww. ang lakas niyo makabromance! " - Travis.

" namo! " - ako

* kasa ng baril * - Zion

" oooooopps! Sorry na boss! Joke lang! " pinangunahan na ni Travis si Zion. may kasama pang yakap. di tuloy namin mapigilan tumawa. kahit si Zion eh. iiling iling nalang pero nangingiti na din. Minsan talaga yung kagaguhan ni Travis may silbi din eh.

" Eto seryoso na boss, totoo yung sinabe ni Hunter. Andito lang kame para sayo pre alam mo yan. We trust  you more than we trust ourselves. Kaya asahan mo kahit anong pinaplano mo, we're on your side. May ipapagawa ka ba samen? Sabihin mo lang. tutal matagal tagal na din kaming walang aksyon eh. " seryosong sabi ni Leonard habang sumusuntok pa sa ere.

" I JUST WANT YOU TO DO ONE THING FOR ME. "

Parang napalunok pa kame lahat dahil sa kaseryosohan ng tono ni Zion. We really know when he is damn serious.

" PROTECT YOUR GIRLS. FROM THIS DAY ON, KIKILOS NA TAYO. I THINK THIS FVCKING WAR IS ABOUT TO BEGIN. MIGHT AS WELL BE FVCKING READY ."

Napatiim bagang na naman ako. Mukhang may alam na si Zion kung ano na ang ikinikilos ng mga totoo naming kalaban. Naisip ko bigla ang masayang mukha ni Kylie. There's no way in hell that I will let anything bad happen to her. I can't afford to lose the girl who matters the most in my life now.


__________________________________________________________________________________

Author's Note :)

Vote vote vote and comment comment comment plssss!

Loveyou guys! ♥♥♥



That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon