Chapter 61 : My Savior

3K 72 1
                                    

Shannon's POV :

Ugh! Boredom is killing me! Pangatlong araw ko na dito sa bahay ni Zion sa Pampanga, pero feeling ko forever na akong nandito dahil sa bagal ng takbo ng oras! Wala naman kase akong magawa eh! Kung sana may maayos na signal dito, e di kahit sana net browsing may pinagkakaabalahan ako. Tsk. Yung unggoy naman na Zion na yun, di ko na nakita simula nung huling pag-uusap namin kagabi hanggang ngayong oras na to. I wonder where he is. Alas onse na nang umaga oh! Ni hindi ko nga sya nakitang nag-agahan eh. Aaminin ko, a part of me is worried about him. Ni wala man lang kaseng paalam, bigla na lang syang nawawala. I even asked Aling Ising, kahit hiyang hiya pa ako humarap sa kanya dahil feeling ko nakita nya ang ginawang paghalik at pagyakap saken ni Zion kahapon. Shets. My face turned red again at the thought. Ni hindi nga ako nakatulog na maayos kagabi. Sino ba naman kase makakatulog after ng ganung sitwasyon diba?! Sabihin ba naman ng ex mo he can't control his urge to kiss me whenever I'm around.

Why Zion? Do you still feel something for me? Do you still love me?

Ayoko mang i-entertain yang mga questions na yan sa utak ko pero di ko padin mapigilang mag-isip eh! Ugh! This is so wrong! Move on na ako eh. Luke has a special place in my heart now. Tama. Di ko na dapat ini-stress sarili ko sa mga ganitong isipin.

After lunch, di pa din dumadating si Zion, di ko na talaga kaya boredom ko kaya naisipan kong mag-gala gala muna sa kabuuan ng hacienda. Bahala na kung saan ako mapadpad. Madali namang magtanong eh. Umalis pa din ako kahit ayaw akong payagan ni Aling Ising. Buti na lang di gaanong mainit ngayon. Tamang tama sa binabalak kong pamamasyal. Nasa labas na ako ng saka ko lang maalala ang suot ko. Sleeveless floral dress. Hmm.. pwede na siguro to. Safe naman lahat ng areas ng body ko. hehe. Di ko lang matago ang kaputian ko talaga. haha. Well, natural na yan saken, wala na magagawa.

Nadaanan ko ang mga medyo may katandaan ng mga babae na namimitas ng mga hinog ng kamatis. Nakakainggit. Parang ang sarap ng ginagawa nila.

" Magandang tanghali ho. Tanong ko lang ho sana san ho ba magandang mamasyal dito sa hacienda?' magalang kong tanong sa kanila na sinuklian naman nila ng matamis na ngiti.

" Hindi ba ikaw ineng ang kasintahan ng aming senyorito? Aba't mag-isa ka yata? " Namula naman ako agad sa sinabi ni manang. Bakit ba nila iniisip lahat yun?!

" Ah-eh, hindi --- "

" Haynako ineng, huling huli namin ang malalagkit na tingin sayo ni Senyorito. Napakaswerte mo iha, dahil sadyang napakabait ng batang iyon. Responsable at gwapo pa! Naku eh kung ako nga lang eh bata bata, siguradong isa ko sa mahuhumaling sa kanya. " Nagtawanan naman ang lahat dahil dun. Di ko na din napigilang mapangiti.

" O sya iha, kumanan ka lang sa banda roon, konting lakad lang at matutunton mo ang ipinagmamalaking talon ng haciendang ito. Sinisiguro ko sayong magugustuhan mo yun. "

" Salamat ho sa inyo. Una na ho ako. Magandang araw po. " Ngumiti nalang din sila saken pagkatapos kong magpaalam. Sinunod ko yung sinasabi ng matanda at di nagtagal eh narating ko din naman ito.

" Oh God! Ang ganda nga! " di ko napigilang paghanga sa ganda ng view na nakikita ko ngayon. The water is so fresh and inviting! Kaya di na ako nagdalawang isip pa na hubarin ang suot ko para makapaligo sa malamig na tubig ng falls. Buti nalang may black cycling shorts ako. Hinayaan ko nalang yung black strapless bra ko. tutal naman mukha din siyang bikini top.

" This place is a paradise. Bakit ba di man lang ako dinadala ni Zion dito? O kahit man lang sana ituro niya saken mga tourist spot dito, kahit ako na lang mag-isa ang pupunta. " I said to myself habang nakapikit at nagfofloating. Im savoring the moment and the water. I really love swimming as well as the bikinis. Too bad di ko magagawa yun dito. Kase naman alam niyo na kung bakit. Masyadong strict ang amo ko pagdating sa mga sinusuot ko. Speaking of him, nasaan na kaya yung isang yun?

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon