Sweeties, i dont know what happened pero kulang yung napublished kong chapter 62. So here is the whole version of the chapter.
Shannon's POV :
" You can now put me down Zion. " pang ilang pilit ko na din to kay Zion na ibaba ako kase malapit na naman kami sa bahay niya eh. Pinangatawanan niya talaga yung pagbubuhat saken. Na-appreciate ko naman na concern lang sya saken, pero ayoko naman kase makita pa kame nila Aling Ising na buhat buhat nya ako. Baka mas lalong kung ano isipin nun samin dalawa eh.
" I said don't argue with me anymore. Ano ba hindi mo maintindihan dun Shan? " kainis! Dinadaan na naman ako sa kasungitan nya!
" I just dont want them to see us like this." Di makatinging sagot ko naman sa kanya. Kanina pa ko ganito makipag-usap sa kanya. Eh kase naman, ang lapit lapit nya saken. Kaya nga kanina pa din ako nagpipilit na ibaba nya ako eh.
" So what if they see us like this? Wala naman malisya to. I just helped you coz hindi ok ang right leg mo. Is there anything wrong with that?" Masungit niya pa ding sagot saken. Di nalang ako kumibo. Alam ko namang di talaga papatalo tong lalaking to eh. Oo nga samin dalawa walang malisya pero hindi ganun yung maaaring maging way of thinking ng mga makakakita samen. Gosh! Dinaig pa namen mag jowa sa sobrang lapit namen sa isat-isa eh. Hiyang hiya nga ako dun sa grupo ng mga matatanda na nadaanan namin ulit kanina. Kala mo mga teenager na nagtitilian samen!
" Zion anak, anong nangyare kay Shannon? " di ko na namalayan nakarating na pala kame sa pinto nila at nag aalalang mukha agad ni Aling Ising ang sumalubong samen. Busy kase ako sa pag-iisip eh.
" She just sprained her right foot Nay Ising. Nothing to worry about. She'll be better soon. " Sagot ni Zion ng di ako tinatapunan ng tingin. Bahala sya. di ako magpapasalamat dahil pinagtakpan niya ako noh.
" Mag-ingat ka na sa susunod iha ah. Carding anak, tumulong ka na nga magbuhat dito kay Shannon at baka kailangan na ng tulong ng senyorito. " Lalapit pa lang sana si Carding samen, yung panganay na anak ni Aling Ising na siguro e kaedaran lang din namen, pero bigla din naman nagsalita si Zion.
" No need. I can manage. I just dont want anyone touching her. Akyat na kame, Nay." Swear, napatitig talaga ako agad-agad sa mukha ni Zion pagkasabi nya nun. Namumula din ako sa sobrang hiya dahil kitang kita ko din yung mga palihim na ngiti ni Aling Ising samen. Ugh! What's wrong with him?! Kailangan sabihin pa yun?! Kaya tuloy kame napagkakamalang magkarelasyon eh!
Pagkahatid nya saken sa kwarto , inilapag niya lang ako sa kama at sinabihan na magbihis na daw ako at magpahinga, tapos lumabas na din sya agad. Tss. Bipolar much pa din talaga yung isang yun. Minsan ang cheesy ng mga binibitawan niyang salita pero madalas masungit! haist! Sinunod ko pa din naman lahat ng mga sinabi niya dahil talagang pagod ako. Feeling ko ang dami na agad nagyari ngayong araw na to. Kaya mas pinili ko magpahinga at matulog na lang para makabawi ako ng lakas ko. Naubos yata energy ko kanina sa pagkawag ng pagkawag nung muntik na ko malunod kanina.
Naalimpungatan ako sa naramdaman kong tila hangin na dumadaan sa mukha ko. Unti unti akong nagmulat ako ng mata para sana malaman kung ano yun only to see Zion's face na nakatunghay saken. As in literal na hininga nya yung nararamdaman ko coz his face is just so near!
" Good evening Sweety.. Time for you to get up. We have to go somewhere. " I'm still stunned. bakit ba kase ang hilig hilig niya manggulat ng ganito?!
" a-ahm, s-saan ba tayo pupunta? What time is it already? " Iwas tingin kong tanong sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng dinistansya niya yung sarili nya saken.
" its 7pm already. Just fix yourself fast. I'll wait for you downstairs. " seryoso niyang sagot saken at saka sya lumabas ng silid. Tingnan mo yung lalaking yun? Ang dami kong tanong, isa lang ang sinagot! Di ko tuloy alam anong damit ba dapat kong isuot kase nga di naman nya sinabe saan kame pupunta eh. Nayayamot akong tumayo para sundin na lang din ang utos nang napakabait kong amo. Mabuti na lamang at ok ok na yung right leg ko. Malaki talaga naitulong ng pagpapahinga ko.
BINABASA MO ANG
That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016
Ficção AdolescenteShannon is a typical pretty rich girl who has everything in her life, except for one thing - LOVE LIFE. Well, for her, di naman sya nagmamadali. Isa pa she doesn't want to rush things. Kung darating, darating. She believes in true love. She doesnt w...