Chapter 18 : Her Other Side

3.8K 86 1
                                    

>>> simple Shannon on top.. :)

Shannon's POV:

Nandito kame ngayon ni Zion sa mall at kasalukuyang kumakain sa Jollibee. Oo Jollibee!! Bakit ba. Eh wala nito sa Canada kaya! Kung makikita niyo lang mukha ni Zion ngayon, sobrang busangot! Hahahaha! Paano kase, ayaw niya dito kumain. Pang bata lang daw to. He preferred a fine dining resto daw. Eh sabe ko gusto ko naman maranasan mga di ko pa nararanasan na pinoy na pinoy ang dating. Gusto ko pa nga try yung mga street foods yung napanood ko sa tv nung isang araw. Mukha kaseng masarap!

" Can you please make your eating f*cking faster! Bakit ba kase ang dami mo inorder?! " he's still annoyed.

" eh bakit ba? Eh sa gutom ako eh! Ang sarap kaya! Yum yum yum! " umorder kase ako ng 2 pcs chicken joy with one rice, isang burger, isang large fries, isang apple pie and large drink. Eh sya? Wala syang inorder. Di daw sya kumakain ng ganun. Gutumin ko kaya to maghapon no?! Hahaha.

" huy Zion, tara na. Nakuha ko na yung pinabalot ko. "

" may pinabalot ka pa?! Ang tindi ng alaga mo sa tyan ah, Shannon! "

" hahaha! Kapal mo ah. Hindi ito para saken noh. Tara may pagbibigyan lang ako." Hinila ko na sya palabas. Huli na ng marealize ko sa kamay ko sya hinawakan.

Zion's POV :

I secretly smiled at the thought that she's holding my hand. Parang lahat ng inis ko kanina pa biglang nawala. Potek. Here comes that unexplainable feeling again. I intertwined our hands. Tumigil sya para lang tingnan yung ginawa ko sa kamay niya. Pucha. Bakit pakiramdam ko nagba-blush ako?! Ang bading ang pucha!

" what!? Bakit tumigil ka?" Kitang kita ko pagbablush niya. Siguro nagulat din sya sa ginawa ko sa kamay namen.

" h-huh? Ahm wala. Tara na nga. " pinilit niya alisin kamay niya saken.

" let me hold your hand. Baka mawala ka pa eh, tatanga tanga ka pa naman. "

" tseh. Ewan ko sayo. Tsansing ka lang eh! "

" tss. Tara na nga! San ba kase tayo pupunta?! " ang dami pa kaseng dada ng babaeng to eh. Hindi na sya sumagot. Tuloy tuloy niya ako hinila palabas ng mall. Nakita kong lumapit sya papunta dun sa dalawang street children na namamalimos sa kalsada. Ibinigay niya yung mga pagkaing pinabalot niya. Napangiti ako. Akalain mo tong maarteng to eh di takot lumapit sa mga batang kalye.

Pagkabigay niya ng food, bumalik na sya saken with a smile on her face.

" tara na Zion. " she said while smiling. F*ck. bakit parang mas lalo syang gumanda?. I was about to answer ng magring phone ko. Trace calling.

" SPEAK."

[ yow boss. I bet nasa date ka din ngayon? With baby Shan ba yan boss ah? ]

" F*CK YOU Trace. I told you not to call her like that. Isa pa. Tatamaan ka na talaga saken. "

" chillax lang boss. Anyway, you need to go here in 141 bar and club. We have an emergency. If you're with Shannon. Bring her boss. We might be needing her. "

" NO. Di ko sya idadamay dito tra- " t*ngnang yun. Binabaan ako ng tawag. Pero knowing Trace. Di yun ganun pag kausap ako. Maybe he just can't disclose any infos to me dahil baka may makarinig sa kanya. Wala din naman akong choice kundi isama talaga si Shannon dahil kargo ko sya ngayong araw na to. Bahala na mamaya. Basta i wont let anything bad happen to her.

" tara na Shan. I have an emergency. You need to come with me. "

" where are we going? "

" Clubbing "

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon