Chapter 21 : A Secret Deal

4.1K 89 3
                                    

Charlotte's POV :

Monday na Monday pero heto pa din ako sa kama ko at nakahiga. I have a fever. Maybe dahil to sa pagkakabasa ko sa ulan kahapon.

Kahapon...

Kahapon...

Kahapon...

Hayyy. Yan na naman naiisip ko na naman yung Leonard na yun. Bakit ba kase sa dinami dami ng maghahatid sakin siya pa eh. May karapatan na daw syang maghatid saken. Alam niyo ba kung bakit? Argh! Naiirita lang ako pag naisip ko yung nangyari kahapon nung time na hinatid niya ako. Weh Charlotte? naiirita nga ba ako? Wahhhh! Ang gulo na naman ng feelings ko!

Flashback...

" Oh paano ba yan Cha? Kame na daw bahala maghatid sa inyo bilin ni Boss. Syempre si Hunter, matic na yun, si Kylie ihahatid niya. Sila Trace at Trav naman may aasikasuhin pa. So ako nang bahala sa iyo." Sabe ni Leonard while smiling. Andito kame ngayon sa carpark ng club nila Trace. Bigla niya kase ako hinila dito pagkaalis na pagkaalis nila Zion at Shannon. Dinig ko pa nga pang-aasar nila Trace at Travis eh. Di na tuloy ako nakapag-paalam kay Sissy Kylie.

" Alam mo Leonard, you dont have to kung ang iniisip mo lang eh dahil sa inutos ni Zion yun sa inyo. I can go home all by myself. " tinalikuran ko sya pagkasabe nun. haynaku. Bakit ba kase kailangan niya pa sabihin na dahil sa inutos lang ni Zion. Oo na. Nadidisappoint ako! Hmpf!

" Kahit hindi yun iutos ni Zion. I will still insist na ako maghatid sayo. Whether you like it or not. " naramdaman ko ang biglang pagseryoso niya kaya napatingin ako sa kanya bigla.

" And what made you think na papayag ako? Wala ka rin magagawa kung ayaw ko magpahatid sayo. "

" Well, lets just say na may karapatan na ako. "

Anong karapatan pinagsasabe nitong Leonard na to?

" Oh? Ang bilis mo naman makalimot? Di ba dineclare mo kanina na boyfriend moko? Di ko pa nga lang nasasabe sayo na pumapayag ako. Moment kase yun nila Kylie and Hunter kanina e. Kaya we are officially lovers na din from this day on. " the heck?! Nababaliw na yata tong si Leonard eh!

" Hell no!! Di ba napaliwanag na namen na wala lang kame choice nun! Saka nag apologize na naman kame ah! " naiinis kong sabe! Gusto niya pa yata maging parang kina Hunter at Kylie ang situation namen eh.

" I know what you're thinking. Di ko ginagaya si Hunter. Us is a different case. "

" Different? Anong pagkakaiba nun? Eh obvious naman ganun din gusto mo mangyari Leonard! "

" Be my girlfriend Cha. For one month. After nun. Titigilan na kita. Di na kita guguluhin pa. "

" What for leonard? Why are you doing this? " Oh God. Di niyo lang alam kung ganu kabilis na tibok ng puso ko. Gusto ko na magfreak out! Here he comes again. Entering my life.

" I have my reasons. Malalaman mo din in time but not now. You can take advantage of our situation. I can protect you from that guy. I assure you that. Naramdaman ko kanina fear mo sa lalaking yun. Im observing your uneasiness kanina kahit pa sabihin nateng na kina Kylie at Hunter ang center of attention kanina. Besides, i know that guys. They belong to a gang. Not just an ordinary gang. A powerful gang. Alam kong namukhaan din yun ni Hunter. Di lang niya siguro agad naalala. "

Nakaramdam naman ako ng takot bigla sa sinabi ni Leonard. Dati pa namin napapansin ni Kylie na parang may kakaiba sa dalawang lalaking yun. Nagugulat kame kase parang alam na alam nila lahat ng kilos namin. Lahat ng tungkol sa buhay namin. Kahit pa nga mga lakad namin ni Kylie eh, alam na alam din nila kase minsan bigla nalang sila sumusulpot kung nasaan man kami. Tulad na nga lang dun sa nangyari sa coffee shop kanina.

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon