Chapter 59 : Janelle

2.8K 52 4
                                    

Shannon's POV :

Hanggang ngayon napapaisip pa din ako sa usapang nangyare samin ni Zion kanina. Ayoko man isipin pero parang paulit-ulit ko lang naririnig sa utak ko yung mga sinabe nya.

I am still the same Zion you knew...

I am still the same Zion you knew...

I am still the same Zion you knew...

Walang nagbago Shan, wala...

Walang nagbago Shan, wala...

Walang nagbago Shan, wala...

Wahhhhhh! I should stop overthinking. This is so not healthy for me anymore. Bakit ba kase parang ang tagal matapos ng 2 weeks. Haist!

" Are you okay? I think you're spacing out.. " napapitlag pa ako sa biglang pagtatanong ni Zion saken. Andito nga pala kame sa sasakyan niya ngayon heading towards the shoot venue.

" Of course not. Paano mo naman nasabe yan?" Nakita ko syang ngumisi bago sumagot. Bwiset to. Pinagtatawanan niya ba ako?!

" Its because I've been asking you the same question for I think 10 times already. Im asking if nagugutom ka ba? " Toinks. Balewala pala palusot ko kase kanina pa pala sya mukhang tanga tanong ng tanong saken tapos ako naman tong si gaga di sumasagot. Nag-iisip pa ako ng magandang palusot ng magsalita ulit sya. Buti na lang. Saved by the bell.

" We're here. You'll just assist me everytime Im having a break or kung may kailangan akong stuff na kailangan kuhain agad. You will also be in charged of my schedule. Si Janelle magbibigay sayo later, I'll introduce you to her. "

" Janelle? Who is she? " napataas kilay ko ng makarinig ako ng name ng babae coming from his own mouth. Sasagot na sana siya saken ng biglang may marinig kaming sumigaw na boses ng babae.

" Oppa! " nakita ko naman nilingon ni Zion yung pinanggalingan ng boses. And there I saw a very beautiful lady slowly walking towards us. She's in a very beautiful summer dress, wearing a pretty smile while her eyes is all on Zion. Nagulat ako ng bigla niya niyakap si Zion ng mahigpit na tinugunan naman ni Zion ng buong buo.

" I miss you Oppa! One week din tayo di nagkita ah. You're too busy! " She pinched Zion's nose dahilan para matawa ang huli. Tingnan mo tong lalaking to?! Pag ako gumagawa nun sa kanya asar na asar pero pag itong babaing to, nakasmile pa sya?! I cleared my throat, baka kase nakakalimutan niyang may tao sa harap nila eh, super lambingan sila dyan.

" Who is she? " takang tanong nung Janelle.

" She's Shannon. She will assist me for two weeks. Shan, this is Janelle, my -- "

" His manager. Hi Shannon, nice to meet you! Im Janelle. " di na natuloy ni Zion sasabihin niya dahil sumingit agad tong babaeng to. Inabot ko naman yung kamay niya at sinuklian ang ngiti nya saken. I never thought she is this nice, kanina kase parang bratinella ang dating niya eh.

" Hello Janelle, nice to meet you too. Ikaw pala ang manager niya, di ko akalain ganito kabata at kaganda ang manager netong si Zion. " di ko maiwasang mabigyang diin yung "kabata" at "kaganda". I saw Zion looked at me with confused eyes. Nagulat siguro sa tone ng voice ko.

" Hahaha. Yes im younger than my Oppa. but Im smarter, diba oppa?! " ikinawit niya pa yung braso niya kay Zion na nakapagpataas ulit ng kilay ko. Ano bang nangyayari sayo Shannon Mae?! ay ewan! siguro naiinis ako kase kinuha kuha pakong assistant netong Zion na to eh mukhang kayang kaya naman sya alagaan ng Janelle na to.

" Whatever you say, Janelle. I'll just go kay Direk, I'll leave the two of you for a while. " Tumingin sya saken bago umalis samantalang humalik pa sya sa pisngi ni Janelle bago nagpaalam. Aba't?! May ganun pa?! Siguro kaya di niya masagot saken yung about kay Trisha kase may bago na sya. Sabagay mukhang mas maganda naman tong isang to at mukhang mas mabait pa.

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon