Chapter 57 : Reconciliation

2.5K 59 5
                                    

Shannon's POV :

Nakababa ng lahat lahat sila Hunter pero heto pdin ako at nananatiling nakasubsob sa dibdib ni Zion. Sobrang nahihiya talaga ako sa sitwasyong nadatnan nila samin. Imagine, six years akong di nagpakita sa kanila tapos sa ganitong way kami magkakatagpo tagpo ulit.

" Enjoying my scent? " narinig ko na naman yung boses niyang mapang inis. Marahas akong napatingala wearing my angry face only to find him  na nakatungo saken habang nakangisi. Mas lalo akong naiinis eh. Wala na akong pakialam this time kung gaano niya sinasadya na mas lalong maging malapit yung mga mukha namin, basta di ko sya uurungan this time dahil inis na inis na ako. I know this is just his way of teasing me. Kung ako naaasar ako sa sitwasyon, sya naman obviously tuwang tuwa.

" ano namang i-eenjoy ko sa scent ng katawan mong amoy alak? " ang loko mas lalong ngumisi. Bwiset! Joke lang naman yung amoy alak sya. Kahit ano naman kase yata gawin netong unggoy na to mabango pa din sya.

" ewan ko sayo Zion. Feelingero ka talaga. Dyan ka na nga. " lumayo na lang ako sa kanya at nag decide na magkukulong na lang muna ako sa kwarto hanggang makaalis sila Hunter at ang iba pa. Di pa man din ako nakakalayo, naramdaman ko yung kamay niya sa bewang kong hinapit niya papalapit sa kanya. Here I am again trapped in his arms and also to his deep gaze over me.

" and where do you think you're going? Magkukulong sa kwarto at iiwas na naman sa kanila? "  napapalunok ako sa bawat salita nya. Shit. Ganito ba talaga sya kakomportable na ganito sya kalapit saken makipagusap? Kase ako hindi talaga! Ang dali dali ko pa naman magblush. At feeling ko ganun na nga nangyayari sakin ngayun. Di ko alam bakit pagdating sa kanya nagkakaganito ako. Sa ibang guys naman hindi, not even with Luke.

" bakit ba kase sila nandito? Did you plan all of these? "

" masanay ka na sa mga yan. Ganyan talaga sila, bigla bigla na lang sumusulpot dito lalo na pag matagal na nila ako di nakikita at nakakasama. I never planned all of these. " nadidistract na talaga ako sa face niyang sobrang lapit kaya kumalas na ko sa kanya.

" fix yourself fast. Haharapin mo sila. For sure miss na miss ka na ng mga yun. Alam kong alam mo yan. I wont take no for an answer. " tumaas talaga kilay ko sa huling statement niya. Oo nga pala. Wala akong choice kase sya ang boss ko ngayon. Inirapan ko nlang sya at padabog na naglakad palabas ng kwarto niya.

" Shannon." Tawag niya saken bago pa ko tuluyang makalabas.

" What?! " mataray kong sagot sa kanya.

" Don't wear shorts or skirts. "

" Pati ba naman isusuot ko Zion?! " i cant believe him! Pati ba naman yun pakikialaman pa!

" just do what i said. "

" eh paano kung ayoko? "

" then ako mismo magbibihis sayo." He said in a serious tone. I instantly blushed at what he said. And i know that he's not joking.

" i really can't believe you Zion! Argh! " tinalikuran ko na sya at nagmadaling lumabas sa kwarto nya.

Pagkatapos ko magbihis ng black leggings and loose white top, bumaba din kame agad. Nakaupo silang lahat at naghihintay sa sala. Ni hindi ko sila matitigan isa-isa dahil naiilang pa din ako. Aaminin ko, a part of me has this guilt dahil bigla bigla ko na lang sila iniwan. Oo may mali silang nagawa dahil di nila agad sinabi noon saken ang sitwasyon, pero narealize kong kahit ako naman nasa sitwasyon nila baka mahirapan din ako dahil parehas nila kaming kaibigan ni Zion. Nakaramdam din ako ng pagsisisi dahil tuluyan ako lumayo sa kanila pero yung desisyon kong iwanan si Zion, di ko kailanman pinagsisihan yun. Tama lang na di ko hinayaan masaktan pa ang sarili ko noon. 

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon