Chapter 25 : Still stuck in the Past

3.4K 76 1
                                    

Zion's POV :

Naglalakad ako ngayon pababa galing ng rooftop. Kinailangan ko na munang iwan si Shannon dahil may mahalaga pa kong dapat gawin. Si Shannon. Sh*t. Di ko napigilan ang sarili kong yakapin sya kanina. I really missed her. Damn much. Then she responds to my kisses. Damn her for doing that. Mas lalo akong nahirapan. Naramdaman kong somehow she feels something for me too. Mas lalo akong natakot. Tatlong araw akong wala pero tatlong araw ding sya lang laman ng isip ko. What the hell is happening to me? Am i f*cking in love? Again? No. I dont think im still capable of loving. Maybe i am just fond of her because she can make me smile. Yeah. Matagal tagal na din mula ng huli akong ngumiti ng totoo. Sa mahigit isang taon, mas pinili kong maging bato. Sa mahigit isang taon, mas pinili kong wag na magmahal at magpapasok ng kahit na sinong babae sa buhay ko. Ulit. Here comes that memory again. Si Trisha. And now that she's back, i dont know what's the first thing to do if ever our paths crossed again. Napakuyom na naman ako ng kamao ko. F*CK. im still stuck in the past. I know that i will never be able to face my future unless i settled everything i need to settle. I cant let this f*cking feeling that is starting to grow for Shannon. Alam kong makakahadlang lang to. And worst, there might be a chance na madamay sya. I wont let that happen again. Even if it means risking my own happiness. Tss. Why does life has to be this f*cking unfair to me?

Maybe you're all wondering ano nangyari saken ng three days? Nagmukmok. Yes, i think that's the right term. Nung nalaman kong Trisha is back. Parang bigla na naman nag flashback na naman saken lahat ng masasakit na pangyayari.

Ang pagkamatay ng nag-iisa kong kapatid na si Zyrene...

Ang pagkakasira namin ng relasyon namin ng magaling kong ama...

Ang pagkakahiwalay namin ng pinakamamahal kong babae. NOON. Si Trisha.

Ang pagbabago ng simple at tahimik kong buhay...

Now that she's back. Alam kong di rin magtatagal magkikita din kame. Not because i believe its destined, but because i know na si Trisha mismo ang gagawa ng paraan. Sh*t. I smell trouble and DANGER.

* Big sigh *

Damn. I hate thinking too much but i cant help it. Pinagpatuloy ko na lang paglalakad ko patungong hideout. I need my gun. May kailangan lang akong asikasuhin. ON MY OWN. Kahit yung apat na ugok walang alam. I am always like this. Kumikilos ng mag isa, walang nakakaalam. Hanggat kaya ko ayokong may madadamay.

After I got all the things i need, i immediately went to the office of that F*CKING teacher. My sources handed me the infos i asked them to gather, and guess what, isa lang ang naging lead. That Andrew Velasco guy. Nalaman kong sya yung lalaking pumasok sa room project namin sa Cayabu. He is also the owner of the Black mazda na kamuntik ng bumangga kay Shannon. Damn that Velasco! I will kill him for what he did to Shannon. Pucha. Pati mga walang kamalay malay idadamay niya! F*ck Him!

Wanna ask me how did i manage to know all these? As ive said, i have my resources. Im not just the guy who leads a small gang consisting of four members under me. Marami pa akong taong hawak underground. Mga taong mas halang pa kaluluwa samin. How did i have them? You dont know what hell ive been through makuha ko lang trust and loyalty nila. I had to defeat them. One by one. At ganito ang naging set up namin, di ko man sila palaging nakakasama, naka stand by lang sila, naghihintay ng anumang iutos ko. Walang nakakaalam na ganito kalawak ang manipulation ko. Kami lang nila Hunter, leonard, trace and travis- in short, ang black hawk gang lang. This is our deepest secret. Those underground people are our back up just in case dumating ang araw na mas kailngan namin ng malakas na grupo. So far, di pa naman dumadating sa ganung point. I can still manage everything. I established my reputation well especially in the underground arena. Para saan pa at well trained kaming apat. Di lang kame basta malakas. Malakas na malakas. Kahit gaganun ganun yung apat na kumag na yun, di niyo alam kaya nilang gawin. We can even kill whoever we want, whenever we want, wherever we want. But we decided not to become someone who just uses his skill and power to kill. We still value life. Napag usapan naming di kami papatay unless the situation forces us to.

Pucha. Ang daldal na naman ng utak ko. Ang bading na naman. Tss.

Nung makarating ako sa office ni Velasco, nadatnan ko syang nakayuko sa table niya. Pagkasara ko ng pinto, tiningnan niya ako. Nagtitigan kame ng masama.

" So you finally knew? " nakangising tanong ng gago saken.

" What do you want ASSHOLE. "

" i want your LIFE. " derechahang sagot niya.

" too bad for you jerk. I want yours too." Tinutukan ko sya ng baril.

" hahaha. Sige subukan mo. At di mo na makikitang buhay yung Shannon na yun. "

Natigilan ako. I dialed Shannon's number. Out of reach. F*ck.

" what do you mean? " kalmado kong tanong kahit na kanina ko pa gusto kalabitin tong baril ko at iputok sa bungo ng gag*ng to. Pucha. Nag aalala ko kay Shannon.

" hahaha! Acting calm huh Stamford? You should be begging in front of me right at this moment. "

" i don't believe you. Kakahiwalay lang namin kanina. She seems fine. Wag mo kong gaguhin. "

" isang tawag ko lang. Kayang kaya syang patayin ng mga taong nakamasid sa kanya. "

Doon na ko kinabahan. Naalala ko yung inireport ni Trace kahapon. May nararamdaman daw syang may mga taong nakamasid sa kanila. Pinabantayan ko kase sa kanila si Shannon nung 3 days akong absent. Kaya kahit paano napalagay loob ko kahit di niya ko kasama.

Ngayon alam ko ng tama ang hinala ni Trace. T*ngna tong gagung to. Sigurista.

" what's with Shannon? You cant use her against me. Against us. She means nothing to me. "

" ako ang wag mong ginagago Stamford. Obviously, yung babaeng yun ang pinakamahalaga sayo ngayon. And who says siya lang? Even that two friends of her. Idadamay ko dito. Hindi lang ikaw ang may atraso saken. "

" atraso? I dont even know who the hell are you. "

" hindi moko tututukan ng baril ngayon kung di moko kilala. Ako, kilalang kilala kita. Lahat ng ginawa mo alam na alam ko. Maybe you dont know me personally dahil di naman tayo nabigyan ng chance mapakilala sa isat isa nung kayo pa ng anak kong si Trisha. Ok sige, i will still introduce myself. I am Andrew Velasco, trisha's father. It is not so nice meeting you mr. Stamford. " he smirked and extended his hand to me.

Tinitigan ko lang ang kamay nya. Tumawa na naman sya ng malakas. Iniisip ko kung nababaliw na sya.

" so much for the introduction velasco. Ang dami mong satsat. What do you want? "

" its not for you to know. Its for you to suffer. I will spare your life this time. Masyado pang maaga para paglamayan ka. At isa pa ayokong magalit si Trisha sakin. Just want to warn you, one wrong move and you're all dead. "

Nilagpasan niya lang ako at lumabas na. Kung iniisip niyong natatakot ako, kaya wala akong ginawa, nagkakamali kayo. Hinayaan ko lang sya magsalita to gather informations. At isa pa, i can feel na di lang sya nag iisa. May naramdaman akong apat na tao pang nakapaligid sa amin. Napansin ko na yun pagpasok ko pa lang dito. Pakiramdam ko planado niyang lahat ito. Sinadya niya talagang malaman ko ang totoo niyang pagkatao. Masyadong naging madali ang pagkakakuha ng mga infos sa kanya. Dun pa lang duda na ako. But what the hell does he want from me? Bakit ganun kalaki galit nya sa akin? Kung tutuusin, sila pa nga may atraso sa akin. Napakalaking atraso.

I need to find out what's happening. FAST. I cant even stand the thought i might lose Shannon. Subukan lang nila. Ako mismo papatay sa kanila.

----------------------------------------------

Author's note :)

Sorry sweeties natagalan update ko ah! Medyo naging busy lang this past few days. Alam kong ang seryoso mg chapter na ito, well ganun talaga buhay hindi laging masaya! Hahahaha. Ang lalim lang ng whogoat! :)

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon