Chapter 67 : Lindsey Love Asuncion

3K 63 5
                                        

Shannon's POV :

Ayoko pa sanang bumaba matapos kong malaman na nandito yung Lindsey Asuncion na yun pero mapilit talaga si Zion na samahan ko sya para daw maipakilala nya din daw ako dito. Magkahawak kamay pa kameng humarap dito. Her face seems irritated at the sight of our intertwined hands pero agad din nya yung pinalitan ng matamis na ngiti ng hinarap na nya si Zion. Ni hindi nya ako tinitingnan. This Lindsey is on a bitch mode. That Im sure of. Its very obvious that she really likes Zion. The way she ignores me and give me fake smiles tells it all. I dont need to confirm it. Her face and acts are enough proofs. And because of that, I hate her already.

Bakit ba lahat ng babaing nali-link kay Zion , magaganda nga pero masama ang ugali?

" By the way Love, this is Shannon. Shannon, she's Lindsey Love." sa haba haba ng kamustahan nilang dalawa ngayon lang ako naalala ipakilala ni Zion. Palibhasa, masyado sya occupied sa babaeng to. She gave me her sweetest fake smile then she extends her hands to me. Inabot ko naman yun saka binigyan sya ng totoong ngiti. Im not like her. Di ko papatulan mga bitchy acts niya. Wag niya lang sosobrahan. She wont like it when I get mad.

" Oh hi Shannon dear. Its nice to meet you. I believe your Zion's close friend? " di ko mapigilang mapataas ang kilay ko sa tanong niyang yun. She's confirming my relationship with Zion. She wanna know if I'm a threat.

Nagkunwari akong nag-ayos ng buhok ko pero yung kamay kong hawak ni Zion ang ginamit ko. Napatingin naman sya dun at kitang kita ko ang pagkairita sa maganda nyang mukha. Yes, aminado ako. This Lindsey is beyond the word beautiful. She looks like a top model dahil sa suot nyang body hugging red dress na tinernuhan pa ng black pumps. Hubog na hubog ang katawan niya with that kind of dress. Kaya lang parang over dress naman sya eh dito lang naman punta nya sa bahay nila Zion. Obvious na obvious naman sya masyado. Trying hard sa pagpapaganda. Naiinis kase ako sa ganun, yung mga babaing maganda naman talaga, pero OA parin magpaganda. Tsk. Why am I thinking this way? di ako insecure ah, alam ko namang mas maganda pa din ang simpleng beauty ko compared to her. Char!

" Well, I'm his... I'm his.. Assistant. " Ugh. di ako confident sa sagot ko. Bwiset naman kase tong si Zion ihaharap harap ako sa babaing to na magka-holding hands kame, tapos di man lang ako ipakilala na kahit man lang special someone!

" Oh, Assistant. " bigay diin niya pa salitang assistant habang nakangiti na tila nang-uuyam. Nagsisimula na ako mairita kaya napahigpit kapit ko sa kamay ni Zion. Kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sya sa akin. For sure ramdam niyang may tension na between me and this bitch.

" Yes Love, that's right, she's my assistant.. " sabi ni Zion while confirming what I am to him at ayoko man aminin pero nasasaktan ako na ganun niya lang ako pinakilala lalo na ng makita ko yung successful bitchy smile ng babaeng to.

Eh ano pa bang ineexpect mo Shannon Mae? Ipakilala ka as his girlfriend?! Ni hindi nga malinaw kung ano kayo!

" Oh well, pwede bang i-assist mo na din ako hanggat nandito ako? Wala kase yung assistant ko eh. Don't worry I'll pay you. I'll even double the amount Zion is giving you. " And that's it! that's too foul! Masyado yata naging mababa tingin nya saken porke nalaman niyang assistant ako ni Zion. Baka di nya alam sino kaharap nya. Baka gusto niyang ihampas ko sa kanya lahat ng mamahaling sasakyang meron kame. Akala niya siguro kung sino lang akong mahirap na nag-apply ng trabaho as an assistant! Sasagutin ko na sana sya pero inunahan na ako magsalita ni Zion.

" You don't have the right to say that to her, Lindsey. " seryosong saway ni Zion sa kanya.

" And why not? She's just your assistant. "

" Yeah, fvck right, she's just my assistant and she's also my girlfriend. " napasinghap ako sa gulat dahil sa sinabi ni Zion. Nanlalaki yung mga mata kong napatingin sa kanya. Yung mga kamay ko mas lalong napahigpit ang kapit sa kanya. Oh my God. Did I heard it right? G-Girlfriend?!

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon