Chapter 47 : T-Boys VS Amazonas Part 2

2.6K 51 3
                                    

Travis' POV :

Anak ng teteng naman talaga oh! Bakit ba kahit saan pumunta tong babaeng to, laging may gulo?! At ang matinde pa neto, lage ako nadadamay! Tulad ngayon, kahit di pa man nangyayari, Trace and I can smell the incoming danger! Shit! Ang sarap sarap ng inom namen dito ni Trace, biglang darating dito yung amazonang mag-bestfriend na yun wearing those sexy but classy outfits with their damn pretty faces! Potek. Aren't they aware that they can be an easy target lalo na at sa ganitong lugar pa. I dont even know paano sila nakapasok dito considering that they are minors. Well, kame din naman ni Trace pero given na ang fact na si Trace ang may-ari nito so access is not a problem. Napakuyom ako ng kamao lalo na ng tiningnan kong maigi si Megan. She's getting herself drunk. I dont know what's her problem but I'm certain na meron. Isa pa, wala sa itsura nilang dalawa na mahilig silang pumunta sa mga bar tulad nito. Nilingon ko si Trace with a serious face.

" looks like we're gonna have a long night pre "

" Hell yeah Trav. I think you're damn right. " seryoso ding sagot saken ni Trace habang pinapatunog niya pa mga buto ng daliri niya. I know that look. Excited ang mokong. Takaw gulo din tong isang to eh. Tss.

" What the hell are they doing here? Alam mo ba pre, kanina ko pa gusto basagin mukha ng bartender mo. kanina pa walang tigil ang bigay ng hard drinks kay Megan. I know what he's up to. " tila nag igting pa panga ko sa galit at inis na nararamdaman ko.

" Easy pre. Mamaya asikasuhin ko yang si Vince. Maloko lang yan pero no harm yan, I assure you. "

" t*ngna pre! no harm? eh kung di ba naman gago yang Vince na yan, halata naman di marunong uminom yung dalawa, sana di na niya binibigyan. "

" whoa! relax lang pre. i got your point. and i know you're just jealous. Paano kase kanina pa nginingitian ni Megan si Vince. Tss. Pre, malala ka na. di pala type ah? " pucha. lakas talaga manggatong netong si Trace eh. Kung di ko lang kaibigan to nasampolan ko na to kanina pa.

" Ulul! kilala mo ko pag type ko ang babae. At yang Megan na yan, hell yeah she's beautiful, but she's not my type. "

" Ok pre, sabe mo eh! eh di ok lang pala na pormahan ni Vince yan? di mo pala type eh. "

" Namo Trace! "

" Dami mo kase alam gago! Torpe! "

I just raised my middle finger to him. Kung makatawag saken ng torpe, kala mo naman sya hindi. Eh obvious na obvious naman na he's into that Chloe, too. Kung makatitig dun sa isa kulang na lang matunaw eh. Kung ako gago. Gago din sya. times two pa!

I just diverted my focus to the two girls. I am certain may gulong mangyayari base na rin sa observation ko sa mga galaw ng tao sa paligid. Tss. Subukan niyo lang.

Megan's POV :

Anu ba naman tong si Chloe! I really dont know paano niya ko napapayag na sumama dito. Actually, first time namen makapasok sa ganitong klaseng lugar. Mabuti na lang at medyo disente ang dating ng lugar na ito. Sana nga lang. Dahil sa totoo lang, kanina pa ko kinakabahan dito. Di talaga ako sanay na tinitingnan ng lalaki na para bang may malisya. Nag-iinit agad dugo ko eh!

Eto naman kaseng babaitang Chloe na to, mag-inom daw kami para daw makalimutan namen problema namen. I and Chloe are childhood friends. Magkaibigan ang mga magulang namen noon pa man kaya lumaki kameng halos magkasama na sa araw araw na buhay namen. Magkapitbahay lang din kase kame sa iisang subdivision.

Wanna know what our problem is? Well, kanina lang kase, sa lunch date ng family namen, inanounce lang naman ng mga parents namen na ipagkakasundo at ipakakasal daw kame dun sa dalawang anak ng isang business partners nila once we reached the age of 20. You cant imagine how shocked we are. Mula nang mamulat kame ni Chloe about love, pinangarap namen na kung kame maiinlove. sa taong mahal namen. Tapos, ganito?! Arranged marriage! At ang masaklap pa nito, just for the sake of business! Alam naman nameng di maganda ang lagay ng company ng parents namen eh (iisa lang kase company ng parents namen ni Chloe, partners kumbaga) pero di naman yata sapat na dahilan yun para pati happiness namen at chance na mainlove eh madamay. Naiiyak ako sa totoo lang, at natatakot. We know our parents, we love them but sometimes we hate them for making us do things we dont wanna do. They have their ways para mapapayag kame. Di na namin narinig pa mga kondisyon nila dahil nag walk out kame agad kanina. And here we are, drinking like there's no tomorrow is this goddamn bar.

That Gangster Is My First Kiss Snatcher! (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon