6

256 15 0
                                    

Shana Ly Chiu POV

I know....I have lots of mistakes. I know I'm not that kind...And I also know that I'm not a good cousin for her.

Pinapatay ako lagi ng inggit ko sakanya. Lahat siya ang importante...lahat siya ang may pinakamagandang ugali ultimo na pati sa Tatay ko na hindi ko ka-close ay nagagawa niyang ituring na parang tunay niyang ama to the point na yung magiging bonding sana namin ng Daddy ko ay nagagawa nila.

Lahat siya ang paborito to be exact. And I hate it! Masyado siyang mapapel.

I even cursed her na sana ay mawala nalang siya para ako naman ang mapansin nila. See? How bad I am.?

I hate her. I hate her a lot!

"Oh ano Shana!? Kelan ba kayo magbabago ng pinsan mo? Tigil tigilan niyo na nga yang away niyo! Magpinsan kayo for pete's sake!" Si Dyna. Kararating lang namin dito sa hotel na tinutuluyan niya." Napakabait ng pinsan mo kaya. Hindi gaya sayo. Napaka-rebelde mo masyado. Magbago kana bruh." Dagdag pa niya.

Eto na naman. Naiirita na naman ako. Dahil ikinukumpara na naman ako sakanya. At ako na naman ang mas masama.

"Pwede ba? Tigilan niyo ako. We're okay now! Okay!" Irap ko sakanila habang busy sa phone ko.

"Tssss. Ewan ko talaga sayo." Siya at binuksan ang mga pinamili naming pagkain kanina.

"Hahay! Saan ba tayo mamaya? Sure ka ba gusto mo mag-bar e kararating mo lang?" Si Joy.

"Huh!? Parang hindi niyo naman ako kilala. Of course! Mag-ba-bar tayo dahil brokenhearted ako!" Deklara niya. Napailing nalang ako.

"Na naman!? My ghad bruh!" Si Joy.

About my love life. I'm waiting for someone at doon ako pinapakialaman ni Chylie. Gusto niyang tigilan ko na daw pagpapakatanga ng dahil lang sa lalake.

Pati kasi don nagmamagaling siya eh! Ano ba namang alam niya e hindi pa naman siya nai-inlove. She just love to play around! Ayaw niya mag-stick sa iisang guy. At gusto niya tumulad kami sakanya. Is that fair!? Tsss!

Dahil sa wala kaming magawa ay natulog sina Joy at Dyna. While me ay busy parin sa kaka-txt sakanya.

He's my ex-boyfriend. And frankly speaking? Naghahabol parin ako sakanya hanggang ngayon. Mahal na mahal ko kasi siya. And determinado akong kami parin ang magkakatuluyan hanggang sa huli.

The reason why we broke up? At kung bakit ako naghahabol sakanya?

Dakila siyang playboy. Habang kami ay may mga iba pa siya. Hindi lang kami dalawa sa buhay niya kung hindi tatlo o apat . At ang pinakamasakit doon ay ang malalaman kong ako pala ang pang-apat. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sakanya, at dahil na din sa obsession ko sakanya ay kinaya ko lahat yon. Tiniis ko lahat lahat!

Until napagod din ako. But my purpose there was for him to realize na ako ang mahal niya. Because I gave him everything! Yes...EVERYTHING. I gave him my virginity at doon noon sobrang nagalit sa akin si Chylie. Sinugod pa niya noon ang ex-boyfriend ko. Pero wala e....wala siyang ginawa. Mukhang mas sumaya pa siya nung nakipag-break ako sakanya.

But there's this feeling na I can't let him go. Ayoko siyang tanggalin sa sistema ko at puso ko. Hindi siya mapantayan ng kahit na sino. Kaya kahit para na akong gagang naghihintay sakanya ay wala na akong pakialam. Dahil mahal na mahal ko siya at hihintayin ko ang araw na ma-rerealize niyang ako talaga ang mahal niya at babalik siya sa akin at magiging kami hanggang sa huli.

At walang pakialam ang iba kung yon ang gusto kong gawin sa buhay ko.




At the bar...

"Wooooooooh! Let's dance! Tara na!" Sigaw ni Dyna habang papunta na sa dancefloor. Kasama niya si Joy.

" sige lang!! Inom na muna kami." Sigaw ko din.

Kami na naman ang naiwan dito sa table namin. Pagtingin ko sakanya ay panay lagok siya sa iniinom niyang brandy.

Aminado akong mas malakas siya uminom sakin. Kasi kapag ako, pag lasing na, sumusuka ako. Pero siya? Ewan ko kung anong sikmura meron siya dahil never ko pa siyang napatumba.

"You don't want to dance?" Tanong niya sakin. Habang parang tinatamad siya na pinapanuod ang mga nagsasayaw sa wild music.

"Later." Tipid na sagot ko.

"You know what Shana? I don't really understand you! Why are you always like that to me? Bakit ba parang sobrang sama ko sayo?" Here we go again. She's always like that. Perfectionsit nga siya e. Gusto niyang nasa ayos lahat. At pati ako ay pino-problema niya.

"You also know what? Stop that nonsense. Will you? We're here to welcome Dyna. And as you can see the crowd, we're here to enjoy this night. Wala naman ng problema diba? We're okay now. Kanina pa nga e.! C'mon couz! Move on! We don't have any problem." Sigaw ko sakanya habang nakangiti. But deep inside I want to shout at her and tell her everything! But I just can't dahil hindi kami pareho.




Joy Kintona POV

Shit! This is life!! Loud music! And wild people around you! Pakiramdam ko ay parang malayang malaya ako ngayong gabi.

Seriously speaking!? I'M TIRED OF EVERYTHING! I'M VERY TIRED BEING HURT EMOTIONALLY AND PHYSICALLY!

Their cousin Liam, was a sadist. Everytime na nagagalit siya...or may something akong nagawa na maliit na pagkakamali, napapagbuhatan niya ako ng kamay.

Despite of what he's doing to me....mahal na mahal ko parin siya.

Desperada? Me?


YES!



Ilang beses na siyang nangakong magbabago na. I'm giving him all the chances that he want. Pero hindi pa niya nagagawa.

Though, I trust him. Na kaya pa niyang magbago at yung pagmamahal niya para sa akin ang pinanghahawakan ko.

Laging sinasabi sakin ni Chylie na..."you know what!? Kahit pinsan ko pa yan, ako na nagsasabi sayo na hiwalayan mo na. Come to think of it! Hindi pa kayo mag-asawa pero napapagbuhatan kana niya ng kamay! Bakit ba kasi pinagpipilitan mo pa sarili mo eh ikaw na nga lang tong sobrang nasasaktan!?" Yan ang madalas na sinasabi niya sakin kapag tumatakbo ako sakanya na umiyak.

Masakit marinig...dahil iyon ang totoo. But what can I do? Kahit yata pagod na ang isip at katawan ko ay ayaw parin sumuko ng puso ko.

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon