14

187 10 0
                                    

Chylie Jerah Chiu POV

Nag-paalam muna ako kay Erika para sa bakasyon naming magpapamilya at umo-kay naman siya. Gusto ko nga siyang isama kaso ayaw naman kaya hindi ko nalang pinilit.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag-eempake ng mga gamit. Ghad! Ilang years na ba kaming hindi umuwi sa probinsya nila Daddy? Hindi ko na matandaan. Kumusta na kaya mga kababata kong pinsan doon? Sila lola na Mama ni Daddy.

Madami din akong memories doon. Kung dito ay mga seryoso na may pagka-lukaluka mga kaibigan ko maliban lang noon kay Brieyah na halos pareho kami ng ugali. Doon naman ay, naiwan ko ang malokong ugali ko. Doon ako natutong maging tripper at kung anu-ano pa. Kasama ang mga pinsan at mga kaibigan ko doon na halos mga kaedad ko lamang.

Doon kasi kami nag-stay ng matagal. Doon ako ipinanganak at noong magha-high school na ako ay lumipat na kami dito sa Maynila. At dito ko nakilala si Brieyah. Ng dito na kasi kami tumira ay nawalan na din ako ng communications sa mga kaibigan at mga pinsan kong taga doon sa probinsiya.

"Anak..tapos kana ba diyan? Hindi ba sasama sila Shana?" Tanong ni Mommy. Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Hindi ko pa kasi naikwe-kwento sakanya na hindi kami okay ng mga kaibigan ko.

"Tapos na Mommy ...may mga lakad daw sila e. Besides? Para lang naman talaga sating tatlo tong bakasyon na to diba?" Nakangiting saad ko sakanya.

"Oo naman. Pero ang akala ko kasi ay isasama mo sila gaya dati diba?" If I know, hinuhuli na naman ako ni Mommy kung may mga problema ako sa mga kaibigan ko.

"E wala tayong magagawa Mom, may lakad din sila e." Kibit-balikat kong sagot sakanya.

"Okay? Pahinga kana anak. Sabi ng Daddy mo madaling araw daw tayo aalis. Goodnight baby." Siya sabay halik sa noo ko.

Kelan ba niya huling ginawa yon sa akin? Elementary palang yata ako? But it feels good parin naman. Na-miss ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin tuwing bago ako matulog. Hay! Sana tuluy-tuloy na talaga ang pagiging-okay ko with my parents.

After ko ngang maiayos sa gilid ang maleta ko ay nag-half bath muna ako.

Ng hihiga na sana ako ay napansin kong umiilaw ang phone ko. Sinilent ko kasi yon maghapon.

Kahit tinatamad sana ako ay dinampot ko parin yon. At sakto namang tumatawag si Zeon.

"What!?" Supladang sagot ko sa tawag niya. Nakakairita na siya e. Mukhang hindi siya nakakaintindi sa mga pinaparamdam ko sakanya. Baka ang gusto niya ay sabihin ko pa para makuha niya ang gusto kong gawin niya.

"He-hey! Goodevening Chy. Are you avoiding me? You don't even texting back. May nagawa ba akong masama sayo?" Tanong niya. Geeeez!! Demanding na playboy!

"Don't you get it? I don't like a playboy like you! Akala mo hindi kita nakita at hindi ko alam kung gaano ka ka-playboy?! Ghad! Stop texting and calling me everyday! Bye!...oh..one more thing, kindly delete my number on your contact list! Thankyou! " yun lang at hindi ko na siya hinintay pa na sumagot dahil pinatay ko na agad ang tawag. Blinock ko na din ang number niya para hindi na din makatawag pa ulit. Tch!

Ng pipikit na sana ako ay umilaw na naman ang phone ko. A text message from unknown number again.
-__-tch! Kelan din ba titigil to??

Unknown number:
Hello cool girl! :) are tired sa mga activities mo today? Sana hindi ka gaanong napagod. Take care of yourself always cool girl :)

Fvck!? COOL GIRL! Me?? Really?? Tsk! Ano ba namang trip nito?

Me:
Seriously?? Who are you? At ano bang trip mo? Kilala mo ba ako?

Unknown number:
Of course yes baby :) I know you but not that well. And please stop asking me if who I am cause I will never answer that question of yours. Pwede ka namang magreply lang ng parang magkakilala na tayo diba? Wala namang mawawala sayo. Just pretend that you also know me already.

Psh! Napaisip din ako. Sabagay? Pangalan ko lang ang alam niya. Ano nga ba namang mawawala sa akin kung sakyan ko siya diba? Kung sakyan ko ang trip niya. May part tuloy sa akin na excited sa naisip ko.

Me:
Okay! You called me cool girl, then I'll call you NOT FOREVER. :) what ya doin anyway? :)

Not Forever:
Bakit naman Not Forever ang tawag mo sa akin? Eto, thinking about you :)

What was that!? Biglang uminit ang pisngi ko?

Me:
Kasi puro nalang forever ang topic ng mga kaibigan ko. Sila, naniniwala sila sa forever ako, hindi. Kasi lahat tayo mawawala dito sa mundo diba? Kagaya mo? You're Not Forever kasi hindi tayo magiging forever na magka-txt diba?

Not Forever:
Uhm..who knows diba? Pero posible ding oo. Magiging forever katxt mo lang ako. Kasi wala akong balak magpakilala sayo.

Me:
Hindi parin. Pano kung magpalit ako ng digits diba? Kaya you're not forever :) maiba tayo, bakit mo ako tinatawag na cool girl?

Not Forever:
Haha! Okay! Uhmn, because you're cool? Hehe! Noong una kasi kitang nakita, ang cool ng dating mo sa akin e.;)

Shit! Ano siya? Banatero? Ang korny pero iba ang impact sa akin.

Me:
Tch! Haha! E di wow! O sige na Not Forever goodnight na. Maaga akong bibyahe bukas.

Not Forever:
Haha! If I'm your Not Forever, then from now on, you're my Forever <3 Goodnight Forever. Sweetdreams!

Ng mabasa ko ang reply niya sa goodnight ko ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Shit naman to.



Haha! Ni hindi ko man lang natanong kung lalaki o babae ba siya!


Hayaan na nga may bukas pa naman.



Ang weird pala makipagtxt sa hindi mo kilala. Really, kung anong gender or kahit pangalan man lang. Pero kakaiba ang excitement na nararamdaman ko habang katxt siya :) am I happy right now? Maybe the answer was yes? Because of him.
Goodnight :)





A/n:
Sorry sa lame update guys :)
Goodnight

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon