29

184 12 3
                                    


A/n: This chapter is dedicated to ate Sheyriie- thanks for the friendly approach ate! And hey! Follow her also and get to know her!☺ she's very nice and friendly like me! Enjoy reading po!

Dyna Ponce POV

"What happened? Bakit ngayon lang ata nag-aya ulit tong babaeng to mag-bar? " ako while driving dahil tinext kaming lahat ni Chylie na sundan siya sa bar at treat daw nya.

"Aba! Malay ko dyan. Hindi naman kami nagkakasama lately." Si Shana.

"Ako din no! Kakagaling ko lang sa honeymoon kaya nga nagulat din ako." Si Jessy Joyce.

"Wait, baka naman may LQ sila ni Aeron?" Si Joy.

"LQ agad-agad eh?? Gaga!" Sigaw naming tatlo sakanya. At inirapan naman niya kami.

"Or baka naman sila na? At celebration ang kanyang nais?" Si Jessy naman.

"Isa ka din gaga! E di malamang sa restaurant sana at hindi bar?" Ako.

Nagtaka din ako. Dahil mukhang masama ang kutob ko sa pagyaya nya ngayon sa amin.

Para bang bad news na ewan. Hays!

Ng makarating kami ay agad namin siyang hinanap sa loob ng bar.

At ayun na naman siya sa favorite place niya sa gilid.

"Yow!!! Bakit ang tagal niyo mga bruh!?" Hyper na salubong niya sa amin.

Sa amoy at kilos palang niya ay alam kong kanina pa siya dito. Dahil hindi siya ang tipong madali malasing pwera nalang kung babad na talaga ito sa alak.

Sinenyasan ko ang iba na umupo na sa table. At umorder naman agad si Shana.

Tss. Isa din itong babaeng to e. May balak din maglasing. Magpinsan talaga sila. Tsk! Tsk!

"Hey! Slow down. Kakarating palang namin ay lasing kana?" Si Joy.

"Maglasing din kayo! Maglasing tayooooo!" Sigaw niya na umiiyak.

Ano bang drama niya?

Sinabayan nalang din namin siya sa pag-inom. Pero ako ay kontrolado dahil ayokong malasing.

"Malas ba talaga ako? O sadyang malas?" Si Chy na lasing na lasing na.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Alam niyo ba talaga kung bakit ako concern sainyong lahat!? Hah!?" Turo niya sa amin at umiling naman kami.

At sinimulan niyang magkwento.

Habang nagkukwento ay hilam na ang mukha niya sa luha. At halos hindi na rin maklaro ang sinasabi niya dahil sa sunud-sunod ng kanyang paghikbi.

Napatingin ako kay Shana ng matapos ang kwento niya.

Tinatanong ko kung totoo ba? At sino ang tinutukoy niyang Brieyah??

"I don't know?" Umiiling naman na saad niya.

All this time ay yon pala ang rason niya dahil ayaw niya kaming matulad kay Brieyah. Ayaw niyang matulad kami sakanyang nagpakamatay dahil sa lalaki? Kaya pala noon ay ganon nalang ang galit niyang mainlove kami at masaktan dahil sa mga lalaki??

Hindi ko napigilan ang wag umiyak!😢 Ghad! She's really one of a kind!

"But why didn't you tell us about your reason!? Para ng sa ganon ay naintindihan ka sana namin?" Umiiyak ding tanong ni Jessy.

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon