24

185 10 0
                                    

Chylie Jerah Chiu POV

Ng masigurado kong okay na si Shana ay umuwi na din ako.

Habang nagbibyahe ako pauwi ay hindi ko maiwasan ang mag-isip.

Para bang natatakot ako para sa sarili ko dahil sa nangyari kay Shana.

Nasasaktan siya ngayon dahil na naman sa lalaki.

Akala ko kaya ko ng sumubok. Pumayag pa nga akong magpaligaw na kay Not Forever.

Pero bakit ngayon parang naduduwag na naman ako?

Bakit parang gusto ko ng umurong?

Paano kung ganon din ang mamgyari sa akin?

Paano kung lolokohin at sasaktan lang din ako?

Pinapanghinaan na naman ako ng loob.

Ng makarating ako sa bahay ay agad kong idinial ang number ni Not Forever.

"Hello My Forever. How was your day? Siguro napaka-ganda mo kanina sa kasal ng pinsan mo." Siya ng masagot niya ang tawag ko.

Ako naman ay napangiti ng mapait.

He's very kind and sweet. Yet, i'm still afraid of things.

"Pu-pwede bang huwag na nating ituloy? What I am referring into was the court thing? Wag mo ng ituloy." Ako at saka bumuntong hininga dahil para talaga akong nanghihina.

"But...but why? Bakit kana umaayaw? Nagsisimula palang tayo. Nagsisimula palang akong patunyan kung gaano kita ka-gusto." Siya.

"Exactly. Kung gaano mo ako ka-gusto. Like palang yan and not love yet! Just stop."

"Nagsisimula ang love sa like. Ang love, pina-process yan. That's the reason why I am courting you because I like you and I have also this other feeling na unknown parin sa akin at gusto kong malaman kung ano to. Kung love ba o ano. Kaya nga natin kinikilala ang isa't-isa diba?" Siya na desperado ang tinig niya.

"But my cousin is crying right now because of that love! Dahil sa lalaki, dahil niloko at pinaasa siya tapos ngayon ay binabalikan niya kung kelan unti-unti na siyang kinakalimutan ng pinsan ko! Sinaktan siya! For God's sake! " sigaw ko.

"Pero hindi ikaw ang pinsan mo at lalong hindi ako ang lalaking nanloko sa pinsan mo. Sobrang laki ng pinag-kaiba natin sakanila. At iba ang issue nila sa issue natin. Again, I am telling you. Not all people are the same. Not all guys are the same! You know what? Ayaw ko pa sanang gawin to. Pero tingin ko, ay kailangan ko ng gawin para matigil yang pagdududa mo sa akin." Siya at medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

"What do you mean?"

'' Let's meet." At talaga namang nagulat ako.

Pero ano bang nakakagulat?

Bakit ako nagulat sa sinabi niya?

Magkikita daw kami?

Bakit parang naduduwag naman ako ngayong makita siya?

Parang ayaw ko....

"Okay! Where!?" At iba na naman ang lumabas sa bunganga ko.

Sinabi niya ang place at pagkatapos non ay pinatay ko ang tawag.

Huminga ako ng malalim sabay dikit ang cellphone ko sa dibdib ko.

Ano ba naman tong mga nangyayari. All were unexpected!

At gulung-gulo akoooo!

Aeron Angeles POV

"Anak, why are you look like frustrated?" Si Mommy dahil kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto at sala.

"I don't know what to wear. I don't know if what suits me well."

"Bakit? Saan ba ang lakad mo? May date ka ba anak?" Siya at tumango ako.

Bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit at tyaka tumawa ng malakas.

"Salamat naman anak at nagsisimula ka ulit. Alam kong natakot ka din sa nangyari kay kuya mo noon. Alam kong nalungkot ka din tulad ko. Pero tama tong gngwa mo anak. You deserve to be happy. " siya at ako naman ay natuwa din. Dahil akala ko ay hindi pa siya nakaka-move on sa nangyari noon kay kuya. Everytime na naaalala niya ay lagi siyang umiiyak. Pero ngayon nga ay hindi ko na nakikitang ganon ang gngwa niya.

Siya na ang nagkusang pumunta sa closet ko at siya na din ang pumili ng damit na susuotin ko.

"Thanks Ma." Yakap ko sakanya.

"Anytime son. You should also invite her here. Para naman makilala namin siya ng Daddy mo. " siya at tumango na lamang ako.

Natagalan ako sa pagbibihis. Because I want this to be perfect.

Ng palabas na sana ako ng bahay ay sakto namang pababa si Daddy sa sasakyan niya.

"Son, can we talk?" Siya na titig na titig sa akin.

At medyo nag-iinit na naman ang ulo ko.

Baka nanggaling na naman siya sa babae niya bago siya umuwi dito sa amin ni Mommy.

"Not now. May lakad ako." Ako na hindi tumitingin sakanya.

"Mabilis lang to anak. We really need to talk." Giit niya kaya naaasar akong tumingin sakanya.

Nauna akonsa veranda at kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong sumunod siya sa akin.

"What?"

"Look son, I am sorry." Siya na ipinagtaka ko. Ngayon ko lang yata narinig ang salitang yon na galing sakanya.

"I know that you know everything about what I am doing. And I am very guilty for that. I want to stop all my shits because I realized, masyado ko ng nasasaktan ng palihim ang Mommy mo." Sabi niya at ako naman ay gusto ko na siyang sugurin at bugbugin dahil sa mga pinagsasabi niya.

Isang taon na sila ng kerida nya at ngayon lang siya natauhan sa kabulastugang ginagawa niya.

"So, you think that Mommy is that dumb para hindi alam yang kabulastugan mo?? Both of us knows everything about you! Hindi kami tanga at hindi kami bulag para hindi malaman yang mga gawain mo!" Nag-ngingitngit na saad ko sakanya! Habang siya ay parang nagugulat sa mga sinasabi ko.

"Sorry anak. Sana ay hindi pa huli para makabawi ako sainyo ng Mommy mo. At sana, kung nasaan man ang kuya mo ngayon ay mapatawad din niya ako." Naluluhang saad niya at talaga namang hinahaplos niya ang puso ko.

So I ran towards him and tightly hugged him.

"Not yet too late Dad. Everybody deserves a chance. Huwag mo nalang sasayangin ang pagkakataon ito." Ako at hinarap ko siya."ipagpatuloy natin ang usaping ito mamaya Dad, may ka-meet lang akong importanteng tao."

"I know son. Dahil hindi ka ganyan poporma kung hindi nga importanteng tao ang ka-meet mo. Iuwi mo next time ng makilatis ko din ang taste mo." Siya na dahilan ng tawa naming dalawa.

I missed my Dad also. What I mean was our bonding before nung hindi pa siya nagloko.

On the way na ako sa restaurant na meeting place namin.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko.

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon