Chylie Jerah Chiu POV
I'm happy yet not that complete
I'm away but not that far
I'm still missing those guys
Like the old days
When we're still togetherNabasa ko mula sa hawak kong libro na gawa ng favorite author ko na si Charcal.
(Soon po ang mga poems ko ^^)Nasa byahe parin kami hanggang ngayon at nawiwili ako sa kaka-reply kay Not Forever.
Lahat ng katanungan ko kagabi ay nasagot na niya except his name. Yes...he's a guy. And a professional one,that's what he told me.
Ayaw din niyang mag-usap kami and I don't know his reasons. Just a call. Pero kahit na anong pilit ko ay ayaw din niya.
Actually, by plane sana kami pero nakiusap ako na by land nalang kung pwede para naman ma-enjoy ko while on a trip. Ma-enjoy ko ang sarili ko sa pagtingin sa bawat madaanan naming spots. Hehe!
Mom and Dad are sleeping beside me. Like duh!? Ang sweet parin nila dahil magka-hawak kamay sila habang nakaupo na parehong nakapikit. Gusto ko sana sa tabi ng driver but Mommy didn't allow me to sit there.
Madaling araw kami bumyahe kanina at ngayon nga ay maliwanag na. Mahamog sa labas based on those fogs that I saw.
We're here already na sa Tacloban. And Daddy decided na dito na daw kami kakain ng lunch.
We entered to a classy restaurant.
We ate seafoods and barbaric recipes which I missed the most. Kinilaw na puso ng saging, kinilaw na octopus, ginataang tilapia,kasili, at iba pa.
Ghad! Kakaiba parin talaga ang mga pagkain sa probinsya. Sobrang nabusog ako. Ganun din sila Mom and Dad at pati na din ang kasama naming driver.
Not forever:
Where are you now? Please be safe ^^Me:
Katatapos lang kumain dito Tacloban. We're heading to our hometown already. Eat your lunch now. Be safe too. I'll just text you pagkadating namin sa house nila Daddy."Anak pansin ko lang, kanina kapa yata busy dyan sa phone mo? Ipakilala mo naman ng makilala din namin kung sino ang nagpapasaya sa unica iha namin." Si Mommy kaya naman agad kong inilagay sa bag ang cellphone ko.
"Asa naman Mommy, hindi niyo nga alam kung sino yon e. Haha!" Pambabalewala ko.
"Tsk! Tsk! Halatang mag-ina nga kayo. Magdedeny na nga lang palpak pa."iiling-iling na saad ni Daddy.
Kinurot siya ni Mommy sa tagiliran kaya naman napailing nalang din ako.
40 minutes more then makakarating na kami sa Ulpotan, Jaro Leyte. Yay! I missed our family house. I missed them all! Habang palapit na kami ay lalo akong nae-excite.
Nasa may kanto palang kami ay hinarang na kami agad ng mga barkada ni Daddy.
"Kumusta na pari! Maupay kay umulpot kana!" That's Tito Gerald. They speak Waray. Waraynon kasi ang Daddy ko. Marunong din akong mag-waray kaso nga lang ay hindi ako nasanay kaya ngayon ay hirap na akong magsalita ng salita nila Daddy. (translation: Kumusta na pare! Mabuti ay dumating kana!"). Ilang taon na ako at ilang taon na silang hindi nagkakasama pero parang wala paring pinagbago sa samahan nila.
Sa pagkakaalam ko ay Mechanical Engineer siya. Kasama niya sila Tito Eson, Tito George, Tito Jackson, Tito Dodong, Tito Lorence, Tito Elmer at Tito Jojo. Mga professionals silang lahat. At may kanya-kanya na ding pamilya. Kakilala ko din lahat ng mga anak nila at kasama din sila sa mga na-miss ko.
Ng matapos makipag-kumustahan ni Daddy ay dumiretso na kami sa family house nila Daddy.
Sabi ni Mommy ay parang reunion daw dito dahil dadating din daw ang dalawang kapatid na babae ni Daddy. Sila Tita Tine at Tita Kris.
Pagkababa palang namin ng sasakyan ay nakaabang na agad si Lola Brenda na Mama ni Daddy. Parehong humalik si Daddy at Mommy sa pisngi ni Lola habang ako naman ay niyakap ni Lola. Patay na ang Papa ni Daddy kaya puro mga katulong nalang din ang kasama ni Lola dito sa family house.
"Buti naman at naisipan niyong bumakasyon naman dito. Dalagita palang noon itong si Chy ng huli niyong punta dito. Ngayon mas matangkad na siya sayo Joanne." Saad ni Lola ng nandito na kaming lahat sa sala. Nagpapahinga habang nagkakamustahan.
"Kaya nga po Ma. Busy din po kasi kami sa kanya-kanya naming mga trabaho. Lalo na po si Charlon. Napapadalas ang pag-attend ng mga conference sa abroad. Sila Ate Tin at Kris Ma? Kelan po ang uwi nila dito?" Si Mommy.
"Mamayang gabi siguro ay nandito na din sila. Oh? Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko na ba kayo ng makakain?" Si Lola ulit.
Tagalog ang pagsasalita ni Lola kasi tulad ko ay hindi din nasanay si Mommy ng waray.
"Wag na Ma. Kumain na kami kanina sa Tacloban. Labas nalang muna ako." Si Daddy ang sumagot at agad na pumanhik sa taas para siguro magpalit muna ng damit. For sure pupuntahan niya mga barkada niya.
Ganon din sana ang balak ko. Bibisita agad sa mga kababata ko pero mamayang hapon nalang siguro dahil kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko lalo na't wala akong tulig sa buong byahe kanina.
"Aysus! Siguradong pupunta na naman yang asawa mo sa mga barkada niya. Oh siya, pahinga nalang muna kayo dahil tiyak kong pagod kayo sa byahe ninyo. Mamayang gabi na tayo magkwentuhan para kumpleto." Saad din ni Lola kaya nagkanya-kanya na kaming panhik sa mga kwarto namin.
Yes, may kanya-kanya kaming kwarto dito. Pina-renovate din kasi dati ito ni Daddy para nga daw kapag may okasyong ganito ay meron parin kaming kanya-kanyang kwarto.
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko. Haaay! Ang lambot at ang sarap ng hangin na nagmumula sa nakabukas kong bintana. Para tuloy gusto ko ng matulog.
Inilabas ko ang cellphone ko at hindi nga ako nagakakamali dahil ang dami na namang txt ni Not Forever. Tch.
Tinatanong lang naman kung nakarating daw ba kami ng maayos. Kung pagod daw ako ay magpahinga agad.
Hay! Why so sweet of this guy?
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
Non-FictionBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...