Shana Ly Chiu POV
Ang bigat ng ulo ko.
Kaya naman pagkabangon ko palang ay dumiretso na agad ako sa banyo.
Umupo ako sa inodoro at sinindihan ang aking sigarilyo.
While puffing, hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw sa nakaraan.
"Please Vin. Kaya ko pa namang magtiis eh. Wag mo lang talaga akong iwan. I'm begging. Please don't do this." Pagmamakaawa ko sakanya dahil gusto na niyang makipag-hiwalay sa akin.
"Gulung-gulo na ako Shana. Hindi ko din pwedeng iwan si Lai. Please wag mo na tong gawing mahirap para sa akin. Just let me go." Matigas na saad niya and it hits me big time. Lai was his first love na dahilan ng pagiging playboy niya dahil niloko siya nung una.
Ano bang mali sa akin? Mahal ko siya...sobra pa. At kaya kong gawin lahat para sakanya. Bakit ako pa ang kailangang iwan niya?
"Hi-hindi mo ba ako mahal? Please stay Vin..please I love you so much. " hindi ko na iniintindi ang pagmamakaawa ko dahil sa kagustuhan kong manatili siya sa akin.
"Hi-hindi. I-I'm sorry kung pinaasa kita. " siya at tuluyan na akong napabitaw sakanya. At tuluyan na din niya akong tinalikuran.
Hindi daw niya ako mahal.
Ang laki kong tanga.
Sobrang gaga ko.
Dumaan pa ang mga araw at tuluyan na akong nawalan ng balita sakanya.
Para na akong mababaliw.
Wala ako halos sa sarili ko araw-araw dahil tanging siya lang ang iniisip ko.
Kung bakit ganon nalang niya ako kabilis iwanan. Kung bakit ganon nalang kadali sakanya ang sabihan akong hindi na niya mahal para siya ay makalaya lamang.
Mahal ko siya. Minahal ko siya.
At minamahal ko parin siya hanggang ngayon na muli kaming nagkita.
Pagkatapos kong maligo ay wala sa isip ko kung saan ako pupunta.
Basta ayaw kong magkulong dito sa kwarto dahil baka tuluyan lang akong mabaliw.
Niyaya ko si Chylie at iba pa ngunit may kanya-kanya silang rason. Pero kahit hindi nila sabihin ay gusto lamang nila akong mapag-isa para makapag-isip ako ng maayos para sa sarili ko.
Sa huli ay sa mall din ang bagsak ko.
Nagmo-malling akong mag-isa.
Hanggang sa mapadpad ako sa roof top.
It's prohibited here but I did all my best para lang mapaki-usapan si manong na makaakyat ako dito.
This place..sobrang napaka-unforgettable sa akin.
Dito nangyari ang mga masasayang alaala namin. As in dito lang nangyari yon.
Sinalubong ako ng sobrang lakas na hangin. Kaya naman napapikit ako. At kusang bumalik ulit ang nakaraan...
"Paano mo napaki-usapan yung bantay na makaakyat tayo dito?" Natatawang tanong ko sakanya dahil sa pagkaka-alam ko ay bawal ang mga unauthorized people dito.
"Syempre kung gusto palaging may paraan hon." Siya at niyakap ako.
"Bakit naman kasi dito pa hon. Pwede naman na sana tayong mag-check in." Ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/42795983-288-k586643.jpg)
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
Non-FictionBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...