Chylie Jerah Chiu POV
Nasa dancefloor na silang lahat kaya ako nalang ang naiwan dito sa table namin.
I just can't feel this night. I'm not in the mood to enjoy. Wala din si Jessy dahil wala kasi siyang hilig sa bar hopping.
Ramdam ko na kanina pa may nakatingin sa akin.
Kaya naman nagpalinga-linga ako. And there.....
He's giving me that smile again.
It's Aeron.
I gave him a fake smile. And I didn't expect na palapit na siya ngayon sa akin.
"Hey! We meet again. Are you alone?" Aeron na nakatayo sa harapan ko.
"No...I'm with my friends. And you? C'mon seat." Ako.
Umupo naman sa may tapat ko.
"I'm with a friend also. Want to meet him?"
"Sure!"
At sinenyasan niya ang kasama niya.
Hindi pa siya gaanong nakakalapit sa akin ay pansin ko ng hunk siya.
I gave him my sweetest smile.
He's kinda my type. And maybe....next victim? Harhar! ^____^
"Pare...this is Chylie Jerah...and this is my friend Zeon." Pagpapakilala niya sa amin sa isa't-isa.
"Hi!" Ako at inilahad ang kamay ko sakanya. Wala na kay Aeron ang atensyon ko dahil nasa kasama na niya.
And he is responding to my smile. Kaya naman parang ayaw kong palampasin ang gabing ito na hindi magiging kami.
Inabot naman niya ang kamay ko at bahagya pa iyong pinisil. Kung kanina ay wala ako sa mood mag-enjoy. Ngayon naman ay parang ayoko ng matapos ang gabing ito.
Umupo kami at hindi ko talaga inaalis ang tingin ko sakanya habang sinisimsim ang iniinom kong brandy na inorder ni Aeron.
Tahimik lang din si Aeron dahil hindi ko siya naririnig na umiimik.
Kumuha ako ng tissue at isinulat doon ang number ko then I gave it to Zeon.
Mukhang na-gets naman niya ang ginawa ko and he put the tissue on his pocket.
Ng ibinaling ko ang tingin ko kay Aeron ay halatang tipsy na siya dahil gaya ko kanina ay parang tinatamad siyang nanunuod sa mga nagsasayaw sa dancefloor.
After a minute ay dumating na ang mga barkada ko. At halatang puro tamado na din sila.
Ipinakilala ko sila kina Aeron at Zeon.
And there....feeling close na ang lahat sa isa't-isa. That's what we have in common. Mga feeling close kaming lahat.
"Wag ka pa-obvious bruh. Halos lamunin na siya ng mga mata mo. Haha!" Bulong sakin ni Dyna.
I just ignored what she said.
"If you'll excuse us...mauna na kami sainyo. Gusto ko na matulog. Nice to meet you all." Tayo ni Aeron at tuluyan na nga silang nagpaalam.
Hindi din nagtagal bago nakaalis ang dalawa ay lumabas na din kami ng bar.
At syempre hindi maku-kumpleto ang gabi namin kung hindi kami tatambay somewhere.
Isang sasakyan lang ang dala namin ang ang ginamit nga namin ay ang sasakyan ko. Dahil sa mga itsura nila ngayon ay hindi na nila kaya pang mag-drive.
We ate balot and chicharon na tinitinda ng mga nagtitinda sa mga kalye-kalye.
We laugh....we teased each other then umuwi na.
While driving pauwi sa hotel na tinutuluyan ni Dyna ay nagsisimula na naman si Shana sa dating gawain niya.
"Shit!! Hold on! Hold on! Ghad! Please Shana don't puke inside my car!" Ako na natatarantang tinigil ang sasakyan at agad kong binuksan ang pintuang katabi niya.
"Hahahahahahaha! So what we get drunk! So what we smoke weed! We were young and wild and free! Hahahahahahaha! Go Shanaaaa! Puke till dawn!" Duet pa ng dalawa. Tssss!
Doon kami natagalan sa pagsusuka ni Shana. Tyaka nalang kami umuwi ng makatulog siya dahil siguro sa pagsusuka niya.
Ng makarating kami sa hotel ay bagsak na bagsak na sina Joy at Shana while Dyna was crying hard!
Nasapo ko nalang ang ulo dahil sa mga inaasta nila. Ghad! Eto ang mga problema sakanila kapag nalalasing. Kanya-kanyang drama.
"Hey...hey..Dyna what's wrong?" Alo ko sakanya na patuloy parin sa pag-iyak habang nakahiga sa sofa. At ang dalawa naman ay himbing na himbing na sa pagtulog.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako umuwi dito sa Pinas!? Because of that damn shit wedding!! Shit! He ran away Chy...iniwan niya ako mismo sa loob ng simbahan and you know what he told to everyone!?" Siya na patuloy parin sa pag-iyak. Hinahayaan ko lang naman siyang magkwento. "What totally broke my heart was that....he told me...to everyone that he just can't marry me because of that damn shit!....he-.....he love somebody else!!!" Pagpapatuloy niya. "He promised me to love me eternally! He promised me to never leave me no matter what happen!" At tuluyan na siyang humagulgol. "But what happened to his promises!!?? Ng dahil lang sa ibang babae....iniwan niya ako sa mismong wedding day namin! Sana....sana hindi na niya pinaabot pa na tumuntong ako sa simbahan dahil sa sobrang sakit! Bakit ba may mga taong hindi kayang gawin ang mga pangako nila!!!"dagdag pa niya na napasigaw na.
"Maybe...he's not yet the right one for you. Just-...just...I-I don't know also what to say. But...I'm just here bruh. I will help you get over the pain. We'll try...do anything just to fix your heart." Yakap ko sakanya. That's why I really really hate boys! They are all damn shits! Kaya dapat lang sakanila na paglaruan din!
"Yeah! You're right bruh. He's just a man. But fvck! It still hurts like hell!" Iyak parin niya habang mahigpit din niyang ginantihan ang yakap ko sakanya. "I love you bruh...I know I can do this. Hindi mo naman ako iiwan diba? That's why mas ginusto kong umuwi dito na makasama kayo."
"Don't worry...everything will be fine." Ako.
Agad din naman siyang natulog at tumabi sa dalawa.
While me ay pumunta muna sa terrace at nagsindi ng sigarilyo habang pilit na nire-refresh ang utak ko.
Mga walang kwenta talaga ang mga lalaki. Wala na silang ibang alam kung hindi ang manakit at magpaasa ng mga babae!
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
Non-FictionBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...