16

206 13 0
                                    

Chylie Jerah Chiu POV

Hindi na natuloy ang balak kong pumasyal sa mga kababata ko dahil naging dire-diretso na ang tulog ko. Sabi nga ni Mommy ay excited pa man daw ang mga pinsan ko na ipasyal ako. Pero sinabihan daw sila ni Daddy na hayaan na muna akong magpahinga dahil napagod ako sa byahe.

Kaya eto ako ngayon, alas tres palang ng madaling araw ay gising na ako at kakapasok lang nila Mommy at Daddy sa kwarto nila dahil katatapos lang nila mag-usap usap ng mga Tita ko at mga asawa nila. Tulig na din ang mga pinsan ko kaya wala talaga. Wala akong kasama na tutunganga magdamag. Ayoko na din naman na kasing matulog ulit dahil ayaw na akong dalawin ng antok.

Siguro kung nabubuhay pa siya? For sure first time niya dito at super mag-eenjoy sana siya dito. Pero wala e. Hahay!

Unti-unti ko ng natatanggap ang pagkawala niya. Hindi na gaya ng dati na kapag naalala ko siya ay agad na nagsisipaglaglagan ang mga luha ko.

Huminga ako ng malalim at nahiga upang tumunganga lang sa kisame. Hanggang sa namalayan kong nagvibrate ang phone ko.

Pagkatingin ko akala ko si Not forever. Si Erika pala. Hahay! Bakit oo ba inaabangan ang txt niya. Tch!

Erika:
Hi! Goodmorning. Kmusta ka dyan? Take care always. Kakagaling ko lang kasi sa reunion ng family namin kaya naisipan kitang itxt. Hope ur ok. Goodmornyt! ×0×0×0

Napangiti naman ako sa mensahe niya sa akin. Kahit na hindi pa kami ganon katagal na magkakilala ay para bang super close na namin sa isa't-isa. Gaya lang sakanya noon. Hay! :(

Hindi ko nalang siya ni-replyan dahil gaya nga ng sabi niya ay galing siya sa party. For sure ay matutulog na siya. Ayoko naman na siyang istorbohin dahil kahit papano ay nahihiya parin naman ako sakanya.

Tumayo ako at kinuha sa closet ang robe ko tyaka lumabas sa terrace dito sa kwarto ko.

Umupo ako sa upuang nandon at pumikit saglit. Ang sarap talaga ng preskong hangin. Mga tilaok ng manok at mga huni ng insekto ang mga naririnig ko.

Madami na ding pinagbago ang baryong to. Dati ay hindi pa sementado ang mga daan papasok sa mga bara-barangay pero ngayon, halos lahat ay sementado na.

Busy ako sa pagbalik-tanaw ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Kaya naman pumasok ako ulit upang tignan kung sino pa ang gising na yon sa ganitong oras.

Pag-open ko palang ay napapailing na napapangiti na ako. Sino pa nga ba? E di si Not Forever.

Not forever:
Hi! I just wanna check on you. Buong gabi ka kasing walang paramdam. And kagigising ko lang kaya naman ng makita kong wala ka paring txt ay tinext na kita. Maybe you're tired. Take a complete rest My forever.

Shetness overload na this. Ang korny ng lalaking to. Siguro madaming babae ba ang napaiyak nito. Masyadong mabulaklak ang isip at bunganga niya. Hindi na ako magtataka kung nakailang babae na siya sa buhay niya.

Ilang minuto muna akong nag-isip kung rereplyan ko ba siya o hindi. Hanggang sa huli ay diko namalayan na nireplyan ko na pala siya. Tsk! This man!, he's making me crazy like hell! Kating-kati na akong makilala kung sino talaga siya.

To: Not Forever
Hi! Just read your txt and I'm sorry. Tulog ako buong gabi at kagigising ko lang din. Just so you know, I'm very very okay. Don't worry too much about me. I'm with my family kaya there's no reason para hindi ako maging okay. Can I call?

Tanong ko. Para kahit boses lang niya ang malaman ko diba?

Napadilat ako ng nag-reply siya ng "okay, call me now F" tch! Ano yun? Fvck? Hahaha! Psh! Forever pala! -_-

Agad-agad kong idinial ang number niya. Naka-dalawang ring muna bago niya ito sinagot.

"Hello?" Mahinahong bati ko sakanya. Pero wala akong narinig na sagot. Sobrang tahimik ng background niya. "Hello? Andyan ka ba? Bakit dika sumasagot?" Mahinahong saad ko parin sakanya.

Ngunit wala akong nakuhang sagot. Papatayin ko na dapat ng may marecieve akong message mula sakanya.

Not forever:
Just talk. I told you before, i'm not allowed to talk.

Napataas ang isang kilay ko. At bumuntong hininga.

"So? Ako lang ang magsasalita ganon? Grabe. Pipi ka ba or what? Ano bang problema mo at ayaw mo magsalita? Better kung itigil na natin to! Para na akong tanga e! Wag kana magpaparamdam kahit kelan!" Papatayin ko na dapat ulit pero.

"Wait! You win! Matampuhin ka naman forever." Pigil niya sakin sa kabilang linya.

At ako? Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo! Ghad! Nakakapanindig balahibo ang boses niya. Sobrang gwapo! ^_^

"Ma-magsasalita ka din naman pala e. Don't worry wala naman akong balak kilalanin ka." Medyo mataray ng sagot ko sakanya para naman hindi mahalatang kinikilig ako sa boses nya.

"Yeah..good to hear that. Why are you still awake? Dapat nagpapahinga ka para mabawi mo yung pagod mo sa byahe niyo kanina." Concern pala talaga siya. Hihi!

"Actually natulog nga ako buong gabi. So, nabawi ko na. E ikaw? Bakit ang aga mong nagising?" Usisa ko sakanya.

Can't believe it! Kung mag-usap kami para bang close na close na kami! Normal pa ba to?

"Sinabi ko naman diba? Worried lang ako kasi wala kang reply kahit isa sakin kagabi forever." Ayan na naman e! Bakit kasi forever chuchu!

Habang patagal ng patagal ang pag-uusap namin ay lalong gumagaan ang pakiramdam ko sakanya. Kung makatawa at makapag-share na nga ako sakanya ay para bang ang tagal na naming magkakilala. ^_^

I don't know. But this was new to me. Ngayon palang ako naging ganito ka-komportable sa isang lalaki. Is this love? Or not yet?

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon