19

174 11 0
                                    

Shana Ly Chiu POV

Sinungaling nalang sa amin ni Joy ang magsasabing hindi namin siya nami-miss. Kahit pala ganon ang isang tao ay may pinagsamahan parin kayo at hindi maikakailang importante na siya sa buhay mo.

Para kaming tanga ni Joy dito sa kwarto ko dahil kanina pa kami nakatunganga. Madami naman sanang pagkakaabalahan but, we're not in the mood.

Ilang araw ng kaming dalawa lang ang magkasama. And maybe Dyna was right, mali din namang ginaganon ko si Chy dahil ilang beses na niya akong tinulungan kahit na hindi ko hinihingi ang tulong niya.

"Oy bruh! Ano na!! Tae! Nakakabaliw kang kasama. Nakaka-miss talaga si Chy. Siguro kung kasama na naman natin siya e siguradong maiingay na naman tayo ngayon." Sabi ni Joy na para bang nag-iimagine.

Yeah, I know. Si Chy lang naman ang napapansin nila. At si Chy lang ang laging nagpapasaya. What's new? Siguro nga ay kailangan ko nalang tanggapin na mas lamang talaga siya sa akin.

"I don't know. Pinapansin ba ni Dyna mga chat mo? Ako kasi, seen lang e." Nagi-guilty na saad ko sakanya.

"Malay ko dun e hindi ko naman siya china-chat. Haaaaaaay! Kaloka naman ang ganito! Ano na bang nangyayari sa samahan natin? Dahil lang sa lintik na forever na forever na yan ay nagkakaganito tayo. Tsk!" Nababaliw na higa niya sa bed ko.

Kung ako kaya, magiging ganyan din kaya ang reaction niya? Mami-miss din kaya niya ako? Tch!

"Subukan mo ngang tawagan."utos ko.

"Ayoko nga. Ikaw na kasi." Ganting utos niya sakin.

I let out a deep sigh then rolled my eyes. Tyaka ko pinulot ang cellphone ko at dinial ang number ni Dyna.

Naka-tatlong ring muna bago niya sinagot at alam kong sinadya nya yon. -____-

"What!?" -Dyna.

Tsss! Masaket siya sa tenga. Pramis!

"Oy..sorry na bruh. Pwede ba kaming dumalaw dyan ni Joy ngayon na?" Paawa effect ang tono ko baka sakaling tumalab.

"Psh! K fine! Punta na kayo ngayon din dahil may lakad ako mamaya. Wag nyo talaga akong paghihintayn ng matagal dahil lalayas ako dito kahit wala pa kayo.!" Sigaw parin niya sabay bagsak ng telepono kaya nabingi ulit ako.

Sinabihan ko agad si Joy at nagmadali kaming nag-ayos tyaka bumiyahe papunta sa condo ni Dyna.

Laking pasalamat ko nalang at hindi kalayuan ang condo niya kaya naka-iwas kami sa mahabang traffic sa EDSA.

✂-----------------------


"Bruh! Ano ba? Nilayasan na niya tayo. Kanina pa tayo dito e. Parang tangang doorbell ng doorbell." Maktol ni Joy.


Ako man ay naiinis na din pero malakas ang pakiramdam kong nasa loob talaga siya at ayaw lang kaming pagbuksan. Tinatawagan ko siya pero out of coverage area na. Meaning pinatay niya cellphone niya.

Punyetimas! Nakakabanas!

"Nasa loob lang yan. Ayaw tayong pagbuksan." Nauubos ang pasensya kong sagot kay Joy." Dynaaaaaaaaaaaa! Open this door!!!! Ano ba!!!! Pinapunta mo pa kami kung ayaw mo lang din pala kaming pagbuksan!!!!!!!" Nanggigigil na sigaw ko sabay pukpok sa pintuan niya.

Lahat na ng dumadaan ay nakatingin sa amin pero wala akong pakialam dahil nakaka-beastmode na talaga ang babaeng to!


Maya't-maya pa'y bumukas ang pintuan. Pwersahan kong itinulak yon at pumasok ako. Sumunod naman si Joy.


Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon