17

185 11 0
                                    

Aeron Angeles POV

Phew! Akala ko kabisado na niya ang boses ko. Ayoko talaga sanang magsalita kanina pero natakot akong baka totohanin niyang di na siya magpaparamdam sa akin.

Napapangiti na naman akong mag-isa ngayon while lying on my bed. Hindi ako makapaniwala na nagkakaganito ako na parang ulol ng dahil lang sa babae. I can't resist her.

Iba ang pinapakita niya sa akin sa kausap ko kanina. Ang daldal niya at yung feeling na sobrang sarap niyang kausap.

"Anak! Breakfast is ready!" Dinig kong tawag sakin ni Mommy kaya naman bumangon na ako at dumiretso sa banyo dito sa kwarto ko upang maghilamos.

Ng matapat ako sa salamin ay napatitig ako sa mukha ko. Nagulat ako ng nakita ko ang mukha ko sa salamin na nakangiti. Tsk! Iba na yata ang tama ko.

"Iho! Uhmmm. What a handsome smile of that. Ngayon lang yata ulit kita nakitang nakangiti ng ganito ka-aga. Something goodnews?" Bungad sa akin ni Mommy sa hapag-kainan.

"Haha! Nothing Mom..it's just that I'm excited to go to work today." Pagsisinungaling ko.

"Okay..hayyy! Siguro kung buhay pa siya, sigurado akong aasarin kana naman non. Eat na anak at mamaya pa ako. Sasabay nalang ako sa Daddy mo mamaya. May pinuntahan lang siyang client. Pauwi na din yun for sure." Halata na naman ang lungkot sa boses niya. Ako man ay bigla ding nawala ang ngiti ko ng maalala ko din siya. At nadagdagan pa yon ng mabanggit ni Mommy si Daddy. Hindi naman kasi ako kagaya ni Mommy na nagbubulag-bulagan sa katotohanan dahil matanda na ako para hindi malaman ang ginagawang kawalang-hiyaan ng aking ama.

My Dad was having an affair to somebody else. Nakakapagtimpi lang ako dahil inaalala ko si Mommy. Alam kong alam niya pero dahil importante ang buong pamilya sakanya ay mas pinili na lamang mag-bulag bulagan.

Nilalamon na naman ako ng galit kaya binilisan ko nalang kumain at nagbihis na agad.

Pagdating ko sa opisina ay isa pa itong si Zeon na makulit.

"Pare alam mo ba kung nasaan si Chylie? I can't even reach her phone." Yan ang kanina pang paulit ulit niyang tinatanong.

"Pare..how many times do I have to answer your question? I don't know where she Is. At kung nagkataon namang alam ko, why should I tell you?" Asar na sagot ko sakanya. Because I have so many works to do but he keeps on disturbing me.

"And you pare? Akala ko ba gusto mo siya? Why are you acting like you don't have any care for her?" Napangisi nalang ako sa tanong niya at tinalikuran na siya dahil madami pa akong ginagawa.

Kung alam mo lang. Iba ako dumiskarte..tch!

Lunch break na nung tinignan ko ang cellphone ko. At eto na naman yung pakiramdam na siya lang ang nakakatanggal sa lahat ng stress at pagod ko sa katawan.

My Forever Jerah:
Hey! Goodmorning! Don't forget to eat your meal. Call me again later at night. I miss your voice. Lol! XD

Matagal ko munang tinitigan ang mensahe niya bago ko nireplyan, malaki yata ang epekto ng pag-uusap namin kagabi dahil heto na siya't medyo sweet na.

Me:
Yes my forever. You too. Don't skip your meal. Don't worry I will call. And I miss you too. Sorry, medyo busy ako ngayon, madami kaming nirarush.

Wala pang ilang minuto ay agad na naman siyang nag-reply. Kung alam ko lang na maging ganito pala ang epekto ng pag-uusap namin ay dapat pala, tinawagan ko na siya noon pa.

My forever Jerah:
Aw. Okay! Just focus. Papasyalan ko din maghapon mga kababata ko. Take care not forever. Don't stress yourself so much.

Yun lang pero sobrang napapalutang na naman ako sa pag-iimagine sa maamong mukha niya.

Madami ding doubts sa isipan ko noong nagpasya akong ganito makipag-lapit sakanya. Like, baka kapag malaman niyang ako lang pala ay baka kamuhian at ipagtulakan niya ako palayo sakanya. Siguro nga ay naduduwag ako. Kaya hanggang ganito nalang muna ako. Gusto kong, through this way, kahit papano ay makilala niya kung ano ako.

Chylie Jerah Chiu POV

"Aguuuuuy! Hino yan bi!? Syota nimu?" Ang ingay talaga ni Tresita. Anak siya ni Tito George at Tita Vangie.

"Wag ka mag-waray Tresita. Dina yan nakakaintindi si Chylie. Sino nga ba yan? Ang tagal mong di man lang nagbabakasyon dito. Akala ko nakalimutan mo na kami." Si Clarick, anak naman nila Tito Gerald at Tita Geraldine. Dati pa yan may gusto sa akin kaya kung maka-tampo at mag-alala ay laging may hugot. Haha!

"After college kasi ay nagpumilit akong magpatayo agad ng business. Nagtayo ako ng sariling botique ko. Kaya yon? Medyo busy. Pati din sila Mommy at Daddy kaya di kami maka-kuha-kuha ng tyempo para makapag-bakasyon dito." Explain ko naman. Nandito kaming lahat sa bahay nila Tito Eson.

"Hindi kapa nasanay dyan kay Rick. Haha! Miss ka lang niyan. Dipa yan nakaka-move on simula nung umalis kayo dito." Sabat naman ni Danvill na anak nga nila Tito Eson at Tita Marcita.

"Ano palang mga pinag-kakaabalahan nyo? What I mean is..anong mga trabaho nyo? Tagal na pala talagang diko kayo nakasama. Mga highschool pa tayo nung huli ko kayong nakita." Pag-iiba ko ng usapan dahil tiyak ako na sa tuksuhan na naman mapupunta ang pinagsasabi ni Dandan.

"Hahaha!? Kami? Tambay oh?" Pamimilosopo na naman ni Dandan kaya iniirapan ko siya.


"Sus! Ako sa munisipyo lang. Yang si Dandan Engr.na din sa centro. Tapos si Clarick Engr.na din sa PLDT." Sagot ni Tresita.

"Tignan mo nga naman! Asensado din pala kayong lahat e! Madami na bang nagbago dito? Ipasyal nyo naman ako." Lambing ko sakanila.


"Sus. Si Clarick nalang isama mo Chy. May pupuntahan kami mamaya ni Dandan e." Hila ni Tresita sa braso ni Dandan.


"Anong pupun-..." si Dandan pero tinakpan ni Tresita ang bunganga niya habang hila-hila siya ni Tresita palayo sa amin ni Clarick.

Naguguluhan akong napatingin kay Clarick pero nagkibit-balikat lang ito.

Mga siraulo talaga mga yon. Basta ba naman kaming iwan dito sa bahay nila Danvill. At si Danvill pa talaga ang umalis. Diba dapat kami nalang muna sana? Hahay!


Kaya naman no choice na ako nung yayain ako ni Clarick para mamasyal. Na-miss ko din ang bayan namin.

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon