A/n: InsaneWitch this chapter dedicated to you again. Again and again, thank you so much for making my book covers! ☺☺Chylie Jerah Chiu POV
Kung last week ay kasal ng pinsan namin. Ngayon naman ay kasal ni Jessy.
Paniguradong hanggang reception ay pupunta na ako dahil okay naman na si Shana.
Kaibigan daw pala kasi ng asawa ng pinsan namin si Kervin na ex-boyfriend ni Shana. Kaya nagtagpo ulit ang landas nila. Ang liit talaga ng mundo no? Kung bakit, yung gusto mong iwasan ay sila pa yung nakikita natin sa di inaasahang lugar at panahon.
At ngayon nga ay isinama ko si Aeron para ipakilala sakanila.
Si Shana at Dyna ay natatandaan nila siya dahil noong welcome party ni Dyna sa bar ay saktong nandon din si Aeron at Zeon.
Pero si Joy ay pilit parin niyang ina-alala.
Mukhang okay naman ang lahat sakanya.
Magaling din siyang makisama. Dahil sobrang kukulit ng mga bruha at nakiki-sabay din naman siya.
"Pasensya kana sa mga kaibigan ko. Ngayon lang kasi sila naka-kita ng totoong tao." Hingi ko ng despensa sakanya.
"Ayos lang. Masaya naman silang kausap."
"Sus! Totoong tao daw. Ang sabihin mo, ngayon ka lang may ipinakilalang gwapo sa amin!" Si Dyna na sinang-ayunan pa talaga ng iba.
At hindi na nila ako tinigilan ng kakakantyaw.
Hindi naman naka-ligtas sa akin si Shana. Tila malalim ang iniisip nito. At kahit hindi nya yon sabihin ay mukhang nahuhulaan ko kung sino.
Talaga ngang mahal pa niya ito. Pilit man niya iyong labanan pero alam kong mananaig pa rin sa huli ang pagmamahal niya kay Kervin. Ayoko lang ulit mangialam dahil baka sabihan na naman niya akong pinangungunahan ko na naman ang buhay pag-ibig niya at baka mas malala pa ay sabihin na naman niyang kino-kontrol ko ang buhay niya.
"May iniisip ka ba?" Bulong sa akin ni Aeron at nanindig ang balahibo ko sa ginawa niyang iyon.
"Ah-..wala. pasensya kana talaga sa mga kaibigan ko. Nature na nila ang maging ganyan sa mga bagong kakilala nila. Lalo na't alam nilang nanliligaw ka sa akin. Asahan mong, everytime na makikita mo sila ay may mga ganitong mangyayari." Paliwanag ko sakanya.
Nginitian lang niya ako. At saka ibinalik ulit sakanila ang tingin niya.
Ako naman ay napatitig sa mukha niya.
Parang may kamukha siya pero hindi ko lang matandaan kung sino.
Ang sarap pagmasdan ng mga totoong ngiti niya. Dahil litaw na litaw ang mga ngipin niya.
Night wedding ang kanilang kasal kaya naman alas syete na ng makarating kami dito sa reception.
May sayawan at kantahan.
At syempre ay hindi mawawala ang inuman.
Nahati kaming lahat.
Dito sa table namin ay kasama ko si Aeron at sila Shana at Dyna.
Sila Joy at Ericka naman ay sa kabilang table.
Panay na ang inom nitong dalawa. Lalo na itong si Shana. Kaya naman napapailing nalang ako dahil mukhang alam ko na naman ang mangyayari mamaya.

BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
No FicciónBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...