Joy POV
" so, what's the plan mga bruh? Knowing Chy, hindi siya mahilig sa surprises. Baka instead na ma-surprise natin siya ay baka lalo lang siyang magalit satin." Sabi ko sakanila dahil kasalukuyan naming pinag-uusapan ang gagawin naming surpresa para kay Chylie.
"Ano ba naman Joy! Let's just think on the positive side." Irap sakin ni Shana. Hay nako! Bahala talaga kayo dyan.
"So, the plan is....." tinalakay na ni Dyna ang plano. Sumang-ayon na lamang ako. Hayst!
Ng matapos naming pag-usapan ay nagmeryenda kami at saglit na nagkwentuhan. Ang saya dahil bumabalik na ang dating samahan namin. Kulang nalang si Chy para kumpleto na ang barkada.
"Oy bruha. Tumatawag si Liam oh. " siko sakin ni Joyce at ako naman ay agad ko iyong sinagot.
Sinagot ko mismo sa harapan nila at nakikinig din sila sa usapan namin.
Ng matapos ang tawag ay naghihintay sila ng sasabihin ko.
"Kailangan ko ng mauna na muna." Pagpapaalam ko.
"Why? What happened? " si Shana.
"Ewan. Magkikita daw kami e. Balitaan ko nalang kayo bukas." Sabi ko sakanila.
"Hay! Baka away na naman yan. Tawag ka agad samin kung may hindi magandang mangyari na naman. Konting-konti nalang yan sa amin sa pananakit niya sayo." Si Dyna.
"Tsss. Oo na! Bye mga bruh!" Ako at isa-isa ko silang bineso-beso.
At dahil sinundo lang naman ako ni Shana kanina ay nag-commute na ako at dumiretso sa restaurant na sinabi niya sa akin kanina sa tawag.
Pa-kagat na din ang dilim. Kaya wala na akong oras para mag-ayos pa sa sarili ko.
I'm wearing rugged jeans and plain beige shirt. With matching high heels of course.
Ng papasok na ako sa restaurant ay ewan ko kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba.
Oo nga naman, bakit ba hindi ko naisip kung bakit niya gustong makipag-kita? Is this for our official break-up? Tsss!
Tuluyan na ba niya akong iiwan at babalikan ang pinsan kong nanakit sakanya ng sobra?
Yes, una niyang minahal ang pinsan ko. Ako lang naman ang naging saksi sa lahat ng saya at sakit na dinanas niya noon sa pinsan ko. Ako ang dakilang chaperon nila noon. Hanggang sa nagtapat siya sa pinsan ko at binusted siya at ako namang si desperada ay sinalo ko siya to the point na kinasuklaman ako ng pinsan ko. I chose him at hinayaan kong magalit ang pinsan ko sa akin. Dahil wala e, ganon kasi ako ka-tanga pagdating sa pag-ibig.
Una palang naman nong kami, alam kong panakip butas lang ako until parang unti-unti akong naniwala na mahal na rin niya ako. But i'm not expecting too much anyway. I just want him to love me back and that's enough for me.
We became happy, pero panandalian lang yon. Hanggang sa nagiging madalas na ang pag-aaway namin at nasasaktan na niya ako physically. Saksi ang mga barkada ko sa lahat ng yon na dinanas ko. They advised me to break-up with him but I just can't because I love him that much that I can't let him go.
Tiniis ko lahat dahil mahal ko siya at iniintindi ko siya. Hanggang sa naging madalas na madalas at patuloy parin akong kumakapit.
Then, akala ko yun na ang worst sa relationship namin pero hindi pala. Dahil bumalik ang pinsan ko sakanya. Same old days, naging friends ulit sila. Syempre, it hurts so much on my side. I told him and he explained to me na friendship nalang yon at ako na ang mahal niya. Naniwala ako at pinanghawakan ko ang salita niyang yon. Naging madalas ang paglabas-labas nila at hindi ko naiwasang magselos. At iyon ang nagiging rason kung bakit niya ako napapag-buhatan ng kamay. Galit na galit sakanya si Chy. Dahil kay Chy ako laging tumatakbo at nagsusumbong. Ipinagtanggol niya ako sa pinsan niya at sobrang na-appreciate ko yon.
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
Non-FictionBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...