2

650 23 4
                                    

DayDreamer90Chylie Jerah Chiu POV

I'm Chylie Jerah Chiu. 23 years of age and an only child of Mr.and Mrs.Charlon and Joanne Chiu.

Nabibilang lang ang mga kaibigan ko.

You can consider me as a playgirl? Kasi walang tumatagal sakin sa kadahilanang hindi ako nagseseryoso.

Like what I've said earlier, I have a happy-go-lucky life.

You can also consider that...I'm not a good daughter to my parents. I don't follow their rules and I love disobeying them ALWAYS.

The reasons??

MANY!.

"Hi bae! You know what? Miss na miss na kita ng sobra-sobra. Nag-away na naman kami ni Mommy kanina. As usual...same reasons nung nandito kapa." Pagku-kwento ko."you're so madaya kasi eh. Nang-iiwan ka. Bakit ka ba sumuko agad ha? Akala ko pa naman pareho tayong palaban. Pero hindi naman pala." Nagsisimula ng pumapatak mga luha. I am always like this. Emotional kapag kinakausap ko siya."sana nandito kapa. Alam mo namang ikaw lang ang talagang nakakakilala sa totoong ako e. Alam mo lahat sa akin e. Mga kahinaan ko at lahat ng gusto at ayaw ko. Bae...please stay with me always. Make me feel like you're just here right by my side." Diko mapigilan ang iyak ko. Sobrang nami-miss ko na siya. Sakanya ko lang kasi pinagkakatiwala lahat-lahat. Lahat ng sikreto at lahat ng mga problema at sama ng loob ko. " I'll visit you again next time. May lakad pa kasi ako. I miss you again and again and i love you so much. You know that. I have to go." Yun lang at pinupunasan ko ang luha ko habang papalabas.

Busy ako sa pamumunas ng luha ko ng bigla akong may nakabanggang tao. Ang shet! Ang tigas ng katawan. Ano siya!? Bakal!?

Then ng tignan ko siya. Naka-kunot ang noo niya sakin.

"What!? Hindi ka hihingi ng sorry?" Pasuplada kong tanong sakanya.

"Ah-ah....so-sorry! Masyado lang akong nawiling pagmasdan ang mukha mo." Paumanhing sagot naman niya.

Tinalikuran ko nalang siya basta because I don't like what he's saying. Anong akala niya sakin? Mabobola niya!?

Ng marating ko na ang kotss ko ay tinawag ulit niya ang atensyon ko.

"MISS YOU'RE VERY BEAUTIFUL!" Sigaw pa niya. Tsk! Nakakairita!

Hindi ko nalang pinansin.


______________
Nag-drive ako. On the way to my shop. Actually, ginagawa ko nalang tambayan kung minsan. Specially sa mga ganitong sitwasyon na nag-aaway kami ng Mommy ko. Mas gugustuhin ko pang tumambay sa shop ko kesa magmukmok lang sa bahay na si Mommy ang kasama.

My parents are both into business. Matagal na akong nililigawan ni Daddy na turuan sa mga pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kompanya namin pero ang lagi kong rason ay may sariling business na ako. And my Mom, stays at home. Pumapasok lang siya sa kompanya kapag kailangang kailangan siya ni Daddy doon.

"Erika..kumusta? Anong mga stocks ang ubos na? " tanong ko habang umuupo sa chair ko.

"Yung mga bracelets made by beeds ma'am. Gustung-gusto po iyon ng mga kabataan. And also those vintage earrings po." Sagot naman niya.

"Uhmn..good.You know naman na what to do diba? Estimate mo kung ilan ang kukunin mo." Ako at tinalikuran na siya. At sakto namang tumambad sakin ang picture naming dalawa.

Patok na patok talaga ang naisip mong business bae. Don't worry. Ako ang bahala. Lalo ko pang palalaguhin to.

I smiled weakly. Naiisip ko na naman siya.



Bzzzzzzzzt...bzzzzzzzzt....bzzzzzt


"Yes? Where are you bruh?" Si Jessy ang nasa kabilang linya.


I heard her sniffs.

"Hey! Bruh! What happened?? Are you crying?" Worried na tanong ko. Masyado akong naaalarma.


"Pl-please come over bruh. I-I need you." Sagot naman niya. At lalo lang akong kinabahan para sakanya.

"Yes...wait for me there. I'm coming!" Ako at ibinaba na agad ang tawag.

Ininstruct'an ko lang mga taga-bantay ko bago ako umalis sa shop.


Pero bago ako tuluyang pumunta sa condo ni Jess...nag-take out muna ako ng makakain namin because for sure hindi pa nakakakain dahil na naman sa kung anong problemang dinadala niya.


___________
"What? Spill it! What's the matter? Why are you crying like that!?" Natutulirong tanong ko sakanya.

Dahil pagkadating na pagkadating ko ay nakamukmok lang siya sa kwarto niya habang iyak parin ng iyak.


"Hindi lang ako ang nililigawan niya...I-I saw him a while ago...with someone and they are very sweet to each other.Ni-Niloko niya ako bruh!" Palahaw na iyak niya. Shit! Sabi ko na nga ba e! Inlove na naman siya.

"Fvck!? And now you're crying like that just because of that guy! Jess naman! Ano ba kasing sabi ko sayo hah!? All this time pala? You're not listening to me??" Galit talaga na tanong ko sakanya.

"What can I do Chy?! It just happened. Nahulog ako sakanya. Sa mga pinapakita niyang sweetness. Sa mga pangako niya sakin! Malapit ko na nga siyang sagutin e kung hindi ko lang siya nakita kanina na may kasamang iba! Chy!! I-I love him so much!" Halos lumuhod na siya sa harapan ko and I hate it! Para na siyang desperada na ewan! At dahil na naman sa mga king inang lalaki na yan!


"One more i love him from you then I'll punch you! You love him? Then the question is...mahal ka ba niya? Niloko kana nga e! Kita na ng dalawang mata mo!? Diba!? Tapos mahal mo parin?! Are you fvcking insane!? Gaga ka!" Turo ko sakanya at napayuko lang siya habang umiiyak. Ugh! Nakakainis ang ganitong scenario dahil ang daming bumabalik sa isipan ko!"I told you! Stop that love love love stupidity! See? Kung anong nangyayari sayo ngayon? Daig mo pa ang siraulo sa kadesperadahan mo ng dahil lang sa lalake. I told you! Lolokohin ka lang nila...papaniwalain at paaasahin sa wala. And I even told you that don't trust any guy! Sasaktan ka lang nila gaya ng ginawa sayo ngayon ng nyetang lalaki na yon! Cheer up will you!? Maganda ka at madaming lalaki dyan. Ayusin mo na sarili mo ng makakain na tayo. Sunod ka nalang sa kusina." Dagdag ko pa at lumabas na sa kwarto niya dahil ayoko ng patagalin pa ang pag-uusap naming yon patungkol sa problema niya.

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon