Chapter 1

19 3 0
                                    

Mia's POV

Vigan, my home for 17 years now...

"Mia!" nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ng ang aking lola na si Maria

"Lola, kayo po pala ano pong kailangan niyo?" tanong ko agad Kay Lola

"Apo, ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na pagkamulat pagkamulat ng iyong mga mata ay wag mong kakalimutan magpasalamat sa taas sa panibagong araw na ibinigay sa iyo!" ang gandang umagahan na naman ang ibinungad sa akin lola

"Lola, I know, masama bang tumingin muna sa kawalan bago magpasalamat?" aking sambit Kay Lola

"Apo, ikaw ay labing pitong taon gulang na pero sadyang may pagkamatabil ang iyong dila apo.." sambit sa akin ni lola

Nilapitan ko si Lola at sinuyo...

"Lola naman, di na kayo nasanay sa free spirited nyong apo na kahit matabil ang dila ay mabait at magalang naman!" pagsusuyo ko Kay Lola, sana gumana

"Hay naku bata ka talaga, ikaw ay mag-ayos na at tayo ay mag umagahan na at susunduin pa natin ang iyong mga magulang sa paliparan, sila ay parating ngayon para magbakasyon at para na rin sa nalalapit na pista dito sa atin bayan" sambit ni lola, darating na ang mas mahigpit pa sa lola ko, ang kanyang anak na sobrang relihiyosa na kahit matagal na sila ni tatay sa America ay di pa rin nawala sa kanya ang tradisyon ng pamilya

"Mia, mag-ayos na!" nagbalik ako sa katinuan ng tawagin ako muli ni Lola

"Opo la, Eto na po!" agad agad akong mag-ayos ng sarili, hay!

Matapos namin mag-umagahan...

"Mia! bilisan mo na, bata ka talaga!!" sigaw ni lola mula sa labas, dahil nandyan na ang sasakyang inarkila ni lola para sa kanyang loving daughter

"Andyan na po la!!" sinarado ko na ang pinto ng aming bahay at dali daling sumakay sa van

Habang nasa biyahe papuntang airport...

"Lola, bakit po ba kayo dasal ng dasal po dyan?" takang tanong ko Kay Lola dahil hawak hawak nya ang rosary nya sa buong biyahe namin

"Nagdadasal ako para sa maayos na paglapag ng eroplanong sakay si Mila at Carlos, ng nanay at tatay mo!" sambit ni Lola sa akin

"Lola, sigurado naman po akong maayos na maglaland ang eroplano sakay sila tatay eh!" pagsisiguro kong sabi kay lola

"Kung ako ba ay sinasamahan mong magdasal kaya magsiguro siguro ka pang nalalaman bata ka!" sermon sa akin ni Lola

"Lola! chilax!" pagpapakalma ko Kay Lola

Di na ako pinakinggan ni Lola at nagpatuloy na sya sa pagrorosaryo...

Makalipas ang ilang Oras na biyahe...

Narito na kami sa naghihintay sa Arrival Area ng airport when...

"Nay Maria! Mia!" here comes the religious mother of mine and my father of course

Lumapit si nay Mila Kay Lola at niyakap ito ng mahigpit, kasunod nya si tatay na tulak tulak ang push cart na puro maleta nila..

"Namiss po kita Nay!" sambit ni nay Mila kay Lola

"Ako rin anak ko! Labing isang taon na nakakalipas, mabuti naman at nagkaroon kayo ng oras para magbakasyon at tamang tama malapit na ang pista ng bayan!" masayang sambit ni lola sa kanyang bunsong anak, dalawa silang magkapatid, si tito Michael ay nasa Canada naman, kuya ni nanay Mila, at tama kayo ng narinig anim na taon gulang palang ako nung lumipad pa-Amerika ang mga magulang ko, iniwan ako kay lola ng ganong age hay life nga naman

Habang busy magkumustahan ang mag ina, nilapitan ako ni tatay Carlos..

"Mia?" tawag sa akin ni tatay

"Po?" tawag pansin ko kay tatay

"Dalagang dalaga ka na anak, para kailan lang ng 6th birthday ka ngayon dalaga ka na at sakto mag 18th birthday ka na next month!" masayang sambit ni tatay dahil mahaba haba ang stay nila dito sa Pinas dahil nga mag 18th birthday na ako kailangan nilang bumawi raw for me..

"Thanks po sa compliment tay! Dati hanggang video call lang po tayo ngayon magkasama na po tayo!" tanging sambit ko Kay tatay Carlos sabay ngiti ng tipid

Natapos na ang kumustahan nila Lola at ng anak at tumingin si Nay Mila sa akin...

"Mia, kumusta ka na anak? Dalaga ka na talaga at later on ganap ka ng legal age!" sambit sa akin ni nanay Mila, mabiro nga!

"So nay pwede na akong magboyfriend kung ganun? Tutal College na naman po ako!" biro ko Kay nanay, biglang nag Iba ang awra ni nay Mila

"Hindi anak!" seryoso na Sabi ni nanay sa akin, sinasabi ko na nga ba!

"Bakit ba ayaw mong magkaboyfriend ang anak mo Mila? Dalaga na naman siya" sambit ni Tay Carlos

"Carlos, kahit kailan ka talaga kunsintidor ka talaga sa lahat ng sinasabi ng anak mo kaya ganyan yan, ayaw sumunod sa mga paraan makakabuti sa kanya!" ayun nagtatalo na silang dalawa ng umawat si Lola

"Mila, Carlos mabuti ay umuwi na tayo sa bahay at bang makapagpahinga kayo!" sambit ni Lola at tahimik na silang mag-asawa na sumakay ng van

Naging tahimik ang buong biyahe namin dahil LQ ang parents ko kagagawan ko kasi, ang bait mo talaga Mia Brielle

In Front  of our house...

Ibinababa na ni Tay Carlos ang mga maleta nila ni Nay Mila at iniakyat na sa taas..

Kausap ulit ni Lola si Nay Mila, syempre ako ay may pagkadakilang chismosa ay nakinig sa usapan ng matatanda...

"Mila, umatake na naman ang pagkamasungit mo anak, wag ganyan! Labing siyam na taon na kayong magkasama ni Carlos ay sinusungitan mo pa rin siya!" this time si nanay Mila naman ang binibigyan ng leksyon ni Lola

"Nay! Yan si Carlos naman kasi, Panay ang sunod sa gusto ng anak nyang yan, kaya lumaking ganyan yan si Mia eh dahil sunod lahat ng gusto sa ama, ni di nga ata marunong magdasal yang batang yan gaya ng turan nyo sa amin ni Kuya Michael nung kami ay ganyang edad" sambit naman ni Nay Mila Kay Lola

"Tinuruan ko naman yan batang yan anak, sadyang may pagkapilya ang anak mong yan!" sumbong naman ni Lola hay naku!

"Nay! Baka kinukunsinti mo rin yan si Mia sa mga asal nyang yan!" sambit ni Nay Mila

"Lagi kong sinasabihan yan si Mia na nasa tradisyon natin mga Katoliko ang maging magalang, mabait, masunurin at higit sa lahat sinabihan ko rin siya na hindi pa siya maaaring magkanobyo hanggang di siya nakakatapos ng pag-aaral" ito na nga bang sinasabi ko eh, lola naman!

"Mabuti naman kung ganon nay ang tinuruan nyo sa batang yan!" sambit ni nay Mila

"Halika na sa taas at nang makapagpananghalian na tayo tiyak Kong gutom na ang anak mo at si Carlos" papaakyat na sila Lola at kumaripas na ako ng takbo sa kwarto ko at sinarado ang pinto

Napahiga na lang ako sa kama at tumingin sa kisame...

"Religious Tradition, sadyang buong buhay ko ay susunod na lamang ako sa nakaugalian nilang gawin, walang kalayaan" aking sambit sa aking isipan

====================================

Chapter 2 is up next.....

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now