Chapter 8

6 1 0
                                    

Gabriel's POV

A Day before the Town Fiesta...

Busy akong gumawa ng homework ko, since I'm in my second year in College when my mom knocked on the door..

"Pasok po!" sambit ko at pumasok na si Mama

"Pwede ba kitang makausap anak?" tanong ni Mama sabay upo sa may kama ko

"Sige po ma! Ano po ba yun?" itinigil ko muna ang paggawa ng homework

"Pwede ka bang pumasok sa pagiging altar server?" say ni Mama

"Bakit po ma?" tanong ko sa kanya

"Nagkasakit kasi ang pinsan mong si Anton kailangan syang dahil sa pagamutan sa siyudad, sya ang nakaassign sa paghawak ng insenso, so pwede ka ba anak?" tanong ni Mama sa akin

"Sige po ma, kailan po ba ako mag-uumpisa?" sambit ko kay Mama

"Bukas na anak, araw ng pista na bukas" say ni Mama

"Bukas na po pala ang pista, sige po ma" say ko Kay mama

"Anak sigurado ka na ba sa desisyon mo, ni hindi ka pa nakakapag-ensayo?" alanganing tanong ni Mama sa akin

"Nakikita ko naman po si Anton kung paano humawak kapag nagsisimba po ako, kaya kakayanin ko po bukas para sa pista" assurance ko kay mama

"Salamat anak, napakabait mo talagang bata, isang pakiusap ko lang sa iyo ay pumapayag ka na agad" masayang sambit ni Mama

"Para po sa simbahan, gagawin ko po!" say ko kay mama

"Salamat talaga anak!" sambit muli ni Mama sa akin

"Wala po yun ma!" say ko kay Mama

"Paano anak, tapos ka na ba dyan sa ginagawa mo?" tanong ni Mama

"Malapit na po ma matapos po" say ko

"Pagkatapos  mong gawin yan ay matulog ka na ng maaga, maaga ang Misa bukas okay?" say ni Mama sa akin

"Sige po ma, tapusin ko lang po ito then tulog na po ako!" ngiti kong sabi kay mama

"Okay anak" sabay labas ni Mama sa kwarto ko

Araw ng Fiesta....

Maaga akong nagising para maghanda sa misa mamaya para sa kapistahan

"Aga natin anak ah?" si papa pala

"Pa, aga nyo rin pong nagising" say ko kay Papa

"Syempre para makita ko ang unang sabak mo sa pagseserve sa simbahan" say ni Papa sa akin

"Pa naman!" nahihiya kong sabi kay Papa

"Mag-ayos Gab, nakahanda na ang agahan" say ni Papa sa akin

"Sige po pa!" say ko na lang kay Papa at nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos

Matapos naming mag-agahan ay maaga kami pumunta sa simbahan...

"Good Morning po Father" bati ni Mama kay Father

"Magandang Umaga, kayo ho pala ang tiyahin ni Anton?" tanong ni Father kay Mama

"Ako nga po Father" sambit ni Mama

"Nakakalungkot naman po na nagkasakit si Anton at kailangan dalhin sa pagamutan sa Siyudad" malungkot ns sambit ni Father

"Kaya nga po Father, pero wag po kayong mag-alala may hahalili naman po kay Anton" say ni Mama

"Sino ho?" tanong ni Father

"Gabriel, anak halika dito" pinalapit ako ni Mama sa kanya

"Father, si Gabriel po pala, anak ko!" pakilala sa akin ni Mama

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now