Chapter 11

3 1 0
                                    

Mia's POV

Nakauwi na rin ako sa wakas...

"Apo nandyan ka na pala, pakitulungan mo ako dito sa paglalabas ng mga handa" nilapitan ko agad si lola para tulungan maglabas ng handa para sa pista

"Lola, ang dami po talagang tao kapag pista ng bayan" say ko Kay Lola Maria

"Taon taon yan apo, talagang dinadayo ang ating bayan tuwing pista kaya dapat masanay ka na lalo na at sa simbahan ka nagseserve dahil mas madami nadalo sa simbahan bago mamista!" kwento ni Lola Maria sa akin

Nagulat ako dahil ang dami ng tao sa loob ng bahay namin...

"Ang dami na po pala nating bisita La" say ko Kay Lola

"Pangalawang labas ko na ito ng handa apo, saktong dumating ka at may katulong ako" say ni Lola sa akin

"Saan nga po pala sila Nanay at Tatay?" tanong ko kay Lola

"Si tatay mo nasa kusina nag-iihaw ng isda si Nanay mo nasa kwarto nya nagbihis" sagot ni Lola sa akin

"Ah okay po lola!" say ko na lang po kay Lola

Lumipas ang bawat oras ng araw ng pista, sadyang di napipinaw ang mga tao sa loob ng bahay namin hanggang sa sumapit na ang Gabi, napinaw na ang tao ng may tumawag sa akin mula sa baba...

"Mia!!!!" sumilip ako sa bintana, sila Lei pala kasama si Clarice intrigadera

"Anong ginagawa Nyo dito?" tanong ko sa kanila

"Eto yayayain Kang manuod ng Palma sa Plaza " say ni Luisa

Lumapit si Lola sa akin...

"Sige na apo! Sumama ka na sa mga kaibigan mo, konti na lang naman ang bisita nandyan naman ang nanay at tatay mo para tulungan ako, sige na!" pagpayag ni Lola sa akin

"Salamat po lola!" say ko Kay Lola at nagmadali na akong bumaba para manuod ng Palma sa Plaza sa may tapat lang ng simbahan

Nang makababa na ako, sinalubong ako ng tatlong bruha ay este ng tatlong friends ko...

"Tagal mo girl, nagpaalam ka pa siguro sa lola mo in a traditional way?" si Clarice habang sabay sabay kaming naglalakad papuntang plaza

"Pinayagan na ako ni Lola ng walang kontra okay!" sambit ko sa kanila

"Good for you girl! Payagan ka kaya kapag may nanligaw na sayo?" issue tong si Lei

"Ligaw? Tagal pa nun noh! Tsaka wala pa naman nanliligaw, at di pa ako magpapaligaw!" say ko sa kanila

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa plaza sakto di pa nag-uumpisa ang Palma...

"Dun tayo girls sa magandang spot na Yun para Pag hinabol tayo ng Toro makikipaghabulan tayo!" hila sa amin ni Clarice doon sa may front area malapit sa pagsisindihan ng Palma

"Sure ka girl? Ang hilig mo talaga sa wild, Buti di ka natanggal sa simbahan!" say ni Luisa Kay Clarice

"Behave sa loob, wild sa labas!" say ni Clarice at nagsipagpwestuhan na kami sa front area daming tao rin manonood ng Palma, tradition nga naman!

Ilang minuto ang lumipas, mag-uumpisa na ang Tradisyonal na Palma ng Bayan...

Nakaabang na ang lahat sa pagpapailaw ng Palma, etong mga katabi ko abay abangers to the max ng...

*Boommm* *Pop*

First time kong manuod ng Palma ganto pala ang ganda, nagtatalsikan ang mga pailaw sa paligid at tuwang tuwa ang mga tao sa paligid nasisipagsayawan pa sa tapat ng Pailaw, matapos pailawan ang mga higante ang Toro naman, Sabi nila nanghahabol talaga ito at saktong nasa harap pa namin ito nakatapat, ang mga kasama ko ay ready ng makipaghabulan..

Pinasindihin na nila ang Toro and here goes...

"Kyaaaaahhhhh!!!" nagsitakbuhan na kami dahil hinahabol na kami ng Toro pailaw

"Hahahahah!!! Toro habulin mo ako!" nanunuksong Sabi ni Clarice, loka talaga tong babaeng ito

"Toro here I am!! Come and get me!!" tumakbo na si Lei dahil sya na ang hinahabol ngayon

Naging masaya ang lahat, lahat kami makikipaghabulan sa Toro habang natakbo ng biglang...

*Blags*

"Aray!!" Inda ko dahil parang may nabangga ako napaupo ako sa sahig ng tumingin ako kung sino ito *eyes wide*

"Hi Gabriel!! Tara makipaghabulan tayo sa Toro dali!!" tama kayo ng narinig mula Kay Clarice, si Gabriel nga ang nakabangga ko

"Tulungan na kita!" Inoffer ni Gabriel ang kamay nya to help me, well kaysa mapahiya tinanggap ko ang offer nya

Nang makatayo ako...

"Salamat.." tipid Kong sabi sa kanya

"No problem" say ni Gabriel sa akin, bakit parang ayaw Kong tumingin sa mga mata nya at pilot Kong iniiwas ang tingin ko sa kanya

"Mia right?" tanong nya sa akin, tumango na lang ako nakakahiya!

"Mahilig ka rin palang manuod ng Palma tuwing fiesta?" tanong nya sa akin, kaysa naman magka-stipneck ako kakayuko at pag-iwas ng tingin sa kanya, tumingin na ako sa kanya

"Actually first time kong manuod ng Palma, di kasi ako nalabas ng bahay kapag may ganto" paliwanag ko sa kanya

"Well ako actually madalas nanunuod ng Palma tuwing fiesta maganda kasing pagmasdan ang mga kumikinang na pailaw sa Gabi ng fiesta!" kwento naman nya sa akin..

"Tunay nga napakagandang pagmasdan ng mga pailaw sa Gabi kahit first time ko ang ganda nya pagmasdan!" sambit ko ngunit hindi sa mga pailaw ako nakatingin kung di sa lalaking kausap ko, di mawari di ko natanggal ang tingin sa kanya habang sya ay nakatingin sa mga pailaw na galing sa Palma habang nakangiti, ano bang nangyayari sa akin? Di ko ma-explain ito, tumigil na naman ang mundo ko sa kanya ng biglang---

"Mia!!!! Ayan na ang Toro!!!" sigaw ni Luisa, lumingon ako at tama nga nandyan na ang Toro papalapit ng papalapit sa akin ng biglang hinila ako ni--

"Gabriel" napayakap ako sa kanya dala ng pagkakahila nya sa akin para di ako matamaan ng Toro

Nakatitig muli ako sa kanya at ganun rin sya sa akin, Muling tumigil ang aming mundo na parang kaming dalawa lang ang nandoon sa plaza, wala akong ibang narinig na ingay, tangi ang bisig lang ng bagong altar server ang aking nararamdaman, ang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin na tila ba ay ayaw nya akong pakawalan..

==================================

Chapter 12 is up next....

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now