A week had passed by...
Mia's POV
After one week of thinking and thinking, this will be the day that I will make amends with my mother, it's Saturday morning and we are having breakfast
"Mila di ba may sasabihin ka Kay Mia?" nagulat ako ng sabihin yung ni Tatay Carlos
"Buti naman ang matapos ang Isang Linggo pag-iwas mo sa amin ng tatay mo, you finally have the guts to join us for breakfast, as well as your father said" panimula ni nay Mila
"Babalik na kami ng tatay mo sa US next week --" putol na sabi ni nay Mila sa akin
"And?" parang di ko ata magugustuhan ang kasunod na sasabihin nito
"Isasama ka na namin ng tatay mo, dun mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo ng Psychology, mas advance ang learnings don!" sinasabi ko na nga ba, kaya pala ako natiis di suyuin ng mga to dahil may plano pala behind my back
"What!!? So kaya po pala natiis Nyo akong di kausapin ng buong Isang Linggo dahil pinagplanuhan Nyo na pala lahat ito, paano si Lola sino makakasama nya dito?" reaksyon ko sa sinabi ni Nanay
"Nay Maria will come also with us, sabay sabay na tayong aalis pa-America next week, so better pack your things and say goodbye to your friends dahil matatagalan ang pag-uwi ulit natin dito" she concluded
"Lumaki ako dito ng 18 years tapos ngayon dahil sa pagmamatigas ko eto ang gagawin Nyo sa akin?" sumbat ko sa kanila
"Dahil sa pagmamatigas mong hindi lumayo sa Gabriel na iyun and bago pa malaman ng simbahan ang relasyon Nyo sa isa't isa better be na ikaw na ang ilalayo ko dito, since don I have the chance na masubaybayan ka until you graduated college!" punto ni nanay sa akin
"Talagang mas iniisip Nyo lang ang sarili Nyo kaysa akin, you still never listened!! Wala kaming relasyon ni Gabriel kung yan ang ipinupunto Nyo, magkaibigan lang kami, kaya nay pwede ba? Wag Nyo na ako digtahan sa kung sino ang kakaibiganin ko at tsaka dun sa pag-alis sa pa-America, kayo na lang po ang bumalik, di ako sasama!" I concluded her
"It's already settled na Mia, may visa ka na at ticket, you can never back down!" say sa akin ni Nay Mila
"Talagang ayaw nyo talaga akong maging masaya!" I slam my fist to our table and walk out
Umalis muna ako ng bahay, ito pala ang magiging bunga ng pag-iisip isip ko, ilalayo pala nila ako dito...
Tahimik akong naglalakad lakad sa sidewalk..
"Di talaga nila ako pinapakinggan nila, di talaga nila ako iniintindi!" sambit ko sa sarili ko
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa napadpad ako sa lugar na alam kong tahimik at walang istorbo, umakyat muna ako sa Treehouse at tumambay muna sa may terrace nito habang nakatanaw sa napakapayapang ilog, ang ganda ng sikat ng araw
"Kailan kaya ako magagawang pakinggan nila nanay? Una gusto nila akong lumayo kay Gabriel, ngayon naman ilalayo nila ako dito sa lahat!" say ko na lang ng may biglang nagsalita sa likuran ko
"Baka mapagkamalan kang baliw dyan, mag-isa ka lang dito?" lumingon ako at isang anghel ang bumungad sa akin, ang nakakapagpagaan ng loob ko sa tuwing may problema ako
"Gabriel, ikaw pala? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko kay Gabriel
"Bakit? Masama bang pumunta dito?" sabay upo sa tabi ko
"Hindi naman, bakit ba sa tuwing napapagawi ako dito, kung di kasama kita, bigla lang nasulpot na parang kabute?" say ko sa kanya
"Siguro nakakaramdam ako ng may nangangailangan ng kaibigan kaya pumunta agad ako para damayan sya!" taas kilay na sabi ni Gabriel sa akin, I just smiled
"Talaga ba? May telephaty ka ba at na sense mo na nandito ako?" tanong ko sa kanya
"Ganun siguro pag espesyal, nakakaramdam agad, kaya I'm here, because you are special!" he smiled at me
"Special special ka dyan? Ano special child?" I stared at him and he just chuckled at my expression
"Parang ganun na din! Joke lang, eto naman, special friend naman!" paglilinaw ni Gabriel sa akin
"Oo na! Special na kung special!" I said to him, I gonna missed this kind of conversation we are having, I will surely missed this guy humor and jokes that makes me laught kahit corny sya
Natahimik akong bigla at na-notice nya agad ito..
"Let me guess, family problem again? Di pa rin ba kayo nagkakasundo ng nanay mo?" tanong nya agad sa akin, straight to the point
"Sana ngayon na ang araw na kakausapin ko si nanay para magkaayos kami, Pero mas malala pala ang malalaman ko from them" malungkot kong sabi kay Gabriel
"Bakit? Anong nangyari?" concern na tanong ni Gabriel sa akin
"Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin sa iyo eh!" bigla na lang tumulo ang luha sa akin mga mata
"Di kita pipilitin kung di mo kaya, kapag handa ka na sabihin mo sa akin okay?" sambit ni Gabriel sabay punas ng luha sa aking mga mata
"Salamat!" sambit ko sa kanya while looking at him in his eyes
"Always here for you!" he said to me in sincere words
I just gave him a tight hug, my tears are still falling down, I can't help it, kahit anong gawin Kong pagtanggi sa nanay ko, di ko magagawang takasan Yun, but the consequence for that is that I have to leave him...
"Shsshh, tahan na Mia, dito lang ako okay? Di ako aalis hangga't di ka natigil umiyak!" say sa akin Gabriel, kumalas kami sa yakap
"Pwede bang dito na muna ulit tayo maghapon?" suggest ko sa kanya
"Pwede naman, kaso baka hanapin ka sa Inyo? Okay lang ba sa parents mo?" tanong sa akin ni Gabriel
"Alam na naman nila ugali ko, gusto ko lang magpalamig" seryosong sabi ko kay Gabriel
"Ang tapang! Talagang may pagkarebelde ka rin kung minsan no?" natatawang reaksyon ni Gabriel sa sinabi ko
"Minsan lang, Pero pagdating lang Kay nanay, di nya kasi ako pinapa-explain, lagi siya yung tama kahit minsan ay sobra na, ginagalang ko naman sya bilang nanay, pero need ko lang ulit magpalamig ng malaman ko ang balak nila" sabay pout ko then tingin sa scenery
"As you wish, dito muna tayo maghapon, may mga de-lata naman ako dyan at noodles kung nagugutom ka" say naman sa akin ni Gabriel
"Thanks talaga Gabriel!" sabay kurot ko sa ilong nya
"Aray!! Ang sakit ah!!" reklamo nya at tinawanan ko na lang sya dahil ang cute ng reaksyon nya
====================================
Chapter 31 is up next....
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...