"Napilitang Relasyon?"
Tumingin si Toper at Gabriel sa kung sino ang nagsalita mula sa likuran..
"Clarice, ikaw lang pala akala ko si--" di na pinatapos ni Clarice si Gabriel sa pagsasalita
"Mia?" say ni Clarice, tumango lang si Gabriel
"Nasa loob, makalabas ba Yun lalo na andyan ang syota nyang US Pilot" say ni Clarice
"Eh ikaw? Bakit ka naman lumabas?" takang tanong ni Toper
"Pahangin, simple as that, tsaka medyo bida bida rin yung syota ni Mia, nagtataas ng sarili nyang bangko baga" iritang Sabi ni Clarice
"Bakit? Nasapawan ka?" tukso ni Toper
"Slight, pogi sana at magalang kaso medyo mahangin, ganun ba talaga ang mga US based na Piloto?" tanong ni Clarice Kay Gabriel
"High ranking kasi pag sinabi mong mga US based na Piloto, high profile kungbaga, kaya siguro ganun ang way ng pakikibag usap nila" paliwanag ni Gabriel
"In short medyo presko kung magsalita" say ni Clarice
"Ganun talaga Clarice, American based Filipino Citizen sya kaya presko ang dating!" say naman ni Toper
"Well, I don't like that attitude of him and I don't like him for Mia" seryosong sagot ni Clarice sabay crossarms
"Wow! Profound words, talagang hate mo ang mga ganong klaseng person and the same time hate mo rin ang syota ni Gabriel" say Toper Kay Clarice
"Talaga!! Tsaka dapat tong si Gabriel at Mia ay iuntog sa pader para magkaalaman na eh!" seryosong sagot ni Clarice
"Bakit kailangan kong maumpog para magkaalaman?" takang tanong ni Gabriel
"Gusto mo iumpog na kita para magkaalaman na?" banta ni Clarice Kay Gabriel
"Wag naman, hayaan natin sya kusang magkaalam ng dapat nyang malaman!" awat ni Toper
"Maiba nga ako, ano yung pinag-uusapan nyo kaninang napilitang relasyon?" change topic ni Clarice
"Kay ano--" paputol na sagot ni Toper
"Kay ano--? Toper?" nagtatap na ng paa nya si Clarice habang naka crossarms
"Dito Kay Gabriel at Sally" say ni Toper, siniko naman sya ni Gabriel
Nginitian lang Silang dalawa ni Clarice...
"Bakit ka nakangiti dyan?" takang tanong ni Gabriel kay Clarice
"Finally, ngayon mo lang narealized yan Gab?" say ni Clarice
"Ang alin?" si Gabriel
"Yang katangahan mong pakikipagrelasyon sa babaeng Yun" say ni Clarice
"Napamahal na rin naman sa akin si Sally sa dalawang taon ito na magkasama kami, kaso --" sumabat na muli si Clarice sa sasabihin ni Gabriel
"Pakiramdam mo iba talaga ang babaeng gusto mo at sa wari ko ay ang babaeng talagang napupusuan mo ay may iba na rin kaya nagpapaka emo ka dyan dahil dumating na ang karibal mo sa kanya!" paliwanag ni Clarice, napanganga na lang si Toper sa mga sinabi ni Clarice
"Napakagaling mo talaga Clarice, marunong ka talaga magbasa ng mga isip ng Iba, ang galing!" pumalakpak pa si Toper
"Natural, Psychology graduate student kaya ito kaya alam ko ang mga tinatakbo ng utak nyo lalo ka na Gabriel, dahil halata sa itsura mo kanina na sora ka sa Kino na Yun at sa tingin ko sora rin sayo ang Kino na Yun dahil mukhang mas happy si Mia kapag ipinapakilala ka kaysa sa kanya na boyfriend niya di ba?" observed ni Clarice
"Pansin ko rin Yun pre, grabe mga dagger looks Nyo eh, nag-aapoy!" si Toper
"So kailan mo hihiwalayan si buntot?" deretsahan tanong ni Clarice Kay Gabriel
"Seryoso ka ba Clarice? Hihiwalayan ko si Sally?" nagdadalawang isip na sagot ni Gabriel
"Seryoso ako Gab! Kaysa para kang timang dyan na ipinipilit mo ang sarili mo sa relasyon kailanman di ka naman naging masaya, ni di ko nga narinig na nag 'I love you' ka sa babaitang syota mong Yun eh, sya madalas, Pero ikaw, in your two years together, I had never heard you say that you love that girl!" talagang alam na Alam ni Clarice ang mga detalye sa bawat ganapnng buhay ng bawat Isa sa barkada nya
"Same observation pre, never ko nga narinig ang three words na Yun na sinabi mo sa syota mo?" observation rin ni Toper Kay Gabriel
"Talagang pinagtutulungan Nyo talaga ako ngayon no?" say ni Gabriel na mukhang ipit na ipit na sa sitwasyon dahil sa mga sinasabi nila Clarice at Toper
"This is reality Gab! Wake up ka uy!! Sabi nga, wag ka ng magpakatanga, sinasabi na namin sayo na unahan mo na bago pa maging komplikado ang lahat!" paalala ni Clarice
"Paano nga ang gagawin ko, pareho na kaming may iba, napakadali nga makipagbreak na lang ng basta basta? Hindi naman di ba, alangan naman, I will just dump Sally for Mia, hindi naman ganon kadali yun, and do you think she will do the same if ever I make that happen?" kuwestyon ni Gabriel sa dalawa
"Pre, wag mo kaming kwestiyunin, nasa iyong desisyon yan, alam namin na may masasaktan for sure sa kung ano man ang magiging desisyon mo, Pero sa tingin mo ba kapag di mo inunahan yan at bumalik na ang lahat at ang katotohan na matagal tagal ng nakakubli, baka lalo ka lang mas masaktan!" payo ni Toper Kay Gabriel
"Tama, nasa iyo yan Gab, basta kami dun kami sa kung saan ka tunay na magiging masaya" say ni Clarice sabay pasok muli sa loob ng restaurant
"Think about it pre! One day you'll thank us for that advice!" huling Sabi ni Toper at pumasok na rin sya sa loob ng restaurant
Naiwan si Gabriel na lutang at gulong gulo
"Ano yung natatagon katotohanan sinasabi nila? Dapat ko na bang hiwalayan si Sally? May iba na si Mia, paano ko naman magagawang sirain ang relasyon nila? Di ba hindi pwede yung ganon? Ayoko Kong makasira sa samahan nila, di ako ganon, lumaki ako sa simbahan na alam ang tama at Mali, ang hirap naman nito!" sambit ni Gabriel sa kanyang sarili
Ilang minuto pa ay nagdecide na rin pumasok si Gabriel sa loob ng restaurant para makijoin sa barkada
"Buti naman Gabriel naisipan mo pang bumalik?" preskong tanong ni Kino kay Gabriel
"Syempre naman, barkada ko ang nandito alangan naman di ko sila balikan Edi walang sasakyan yan mga yan pabalik ng resthouse di ba?" sagot ni Gabriel kay Kino
"Pwede naman silang sumabay sa akin para ihatid sa tinutuluyan Nyo dito sa Tagaytay, okay lang ba sa Inyo?" suggest ni Kino sa lahat
"No thanks Kino, okay na kami sa driver namin eh! Di ba girls?" tanong ni Clarice Kay Luisa at Lei
"Yup, no offense Kino but mas okay kami Kay Gabriel, sorry!" say naman ni Lei
"Me too, nasa plano na namin na si Gabriel ang magiging driver namin for the whole stay here in Tagaytay eh!" sambit naman ni Luisa
"Wag mo na akong tanunging pre, dahil kung saan ang girls dun ako!" deretsahan sagot ni Toper kay Kino
"Very well then, mas okay pala sa Inyo Kay Gabriel kayo, fine! No problem with that, Mia?" tingin ni Kino kay Mia
Hinihintay ng lahat ang sagot ni Mia kay Kino..
"Kino, sa tingin ko ay pagod ka na, why don't you go home na, Sabi mo di ba bibisitahin mo pa ang mga relatives mo dito sa Pinas, why don't you go ahead na lang sa tinutuluyan mong hotel" sagot ni Mia, nanlaki ang mata ni Kino
"What do you mean Mia?" takang tanong ni Kino
"Kino please, go back to the hotel you're staying in, I'm okay with my friends and this is our vacation, Please, this is my week with my friends only"
Nanlaki ang mga mata ng lahat lalo na si Kino sa binitawang salita ni Mia sa boyfriend nya...
====================================
Chapter 59 is up next...
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...