Chapter 65

4 1 0
                                    

Mia's POV

"Bakit mo kasama ang Gabriel na Yun?"

Mukhang nakita nilang lahat na inihatid ako ni Gabriel dito, di ko naman inaasahan na Pati si Kino ang makakita nito...

"Ano naman masama kung kasama ko si Gabriel? Masama bang ihatid nya ako dito?" seryoso Kong tanong Kay Kino

"Bakit nga magkasama kayo?" halata ko ang selos sa mukha ni Kino, unang pagkikita pa lang nila ni Gabriel sa Tagaytay, halata ko na sa kanya na inis sya sa tuwing magkasama kami ni Gabriel

"Nakasalubong ko lang sya dyan sa may Plaza at nag offer syang ihatid ako dito ng pauwi na ako, ano masaya ka na?" pagsisinungaling ko sa kanya, I can't believe this, nagagawa ko ng magsinungaling para mapagtakpan ko lang ang pinaggagawa ko, eh sa anong magagawa kahit anong iwas ko Kay Gabriel para bang itinutulak pa rin ako ng tadhana sa kanya

"Sigurado ka sa sinasabi mo Mia?" nagcrossarms pa tong si Kino, ang lakas naman ng loob ng lalaking to na pagsuspetsahan ako sa loob ng bahay ng lola ko, sa harap pa ng magulang ko at ng lola ko

"Wala Kang tiwala sa akin Kino? Ganon na ba ako sayo ah?" tanong ko sa kanya

"May tiwala ako sayo Mia, Pero sa lalaking kasama mo kanina, wala akong tiwala sa kanya, una palang pagkikita namin alam Kong di ko na sya mapagkakatiwalaan!" aba, may tiwala sya sa akin, mukha naman wala eh, sinasabi nya lang

"Kaibigan ko si Gabriel, anong masama doon kung kasama ko sya or ihatid nya ako pauwi dito hah!?" napipikon na ako sa pang uusisa ni Kino, ilang buwan palang kaming mag-on lumalabas na unti unti ang kulay nya

"Layuan mo ang Gabriel na yan, alam Kong may nobya na rin ang lalaking Yun, kaya lumayo ka na sa kanya" nanlaki ang mata ko ng sabihin ni Kino Yun, alam na nya rin na may girlfriend Si Gabriel?

"Paano mo nalaman?" say ko sa kanya

"Nakilala ko si Sally, ang Girlfriend ni Gabriel na nasa Manila, nakilala ko sya sa Isang restaurant doon, nagkakwentuhan kami at dun ko nalaman na siya pala ang nobya ng lalaking lagi mong kasama!" Wow, naunahan pa nya akong makikila ang babaeng Yun ah

"Di ko alam kung paano ko i-explain sayo na magkaibigan lang kami ni Gabriel, at for your information alam Kong may nobya si Gabriel, kaya wag ka ngang umasta na pagbabawalan ako sa kung anong gusto Kong gawin" say ko Kay Kino

"Boyfriend mo ako Mia! Boyfriend!" ipagdiinan ang status namin dalawa Kino

"Boyfriend lang Kino! Hindi pa naman tayo kasal para umasta ka na ipagbawal sa akin ang kung anong gusto Kong gawin o samahan, tsaka boyfriend ba talaga ang Asta mo ngayon or Isang tatay na pinagbawalan ang anak na maging masaya sa kung anong gusto nyang gawin!" madiin kong sagot sa kanya, nakita Kong nawindang si nanay sa mga sinabi ko, para bang nanginginig sya na di ko alam

Tinalikuran ko muna si Kino at humarap si Nanay

"Nay? May problema ho ba?" tanong ko Kay nanay Mila

"Ah wala anak, nagulat lang ako sa mga binitawan salita mo Kay Kino, pasensya ka na, mauna na muna ako sa loob ng kwarto ko" sabay alis ni nanay, deretso sa kwarto nila, anong problema ni Nanay?

Binalikan ko si Kino, dahil di pa ako tapos sa kanya...

"Ano may sasabihin ka pa?" tanong ko sa kanya

Kitang kita sa mukha ni Kino pikon na pikon na sya..

"Sa nakikita ko sayo, di ka nagsasabi sa akin ng totoo Mia, alam Kong may mali, alam Kong may tinatago ka sa akin at aalamin ko Yun!" huling sambit sa akin ni Kino sabay walk out

Naiwan kami sa sala nila Lola Maria at Tatay Carlos..

"Mabuti pa Mia, magpahinga ka na, alam Kong maraming nangyari ngayon araw na ito, puntahan ko muna ang nanay mo" say ni tatay sa akin sabay pasok sa kwarto nila ni Nanay

Umupo si Lola Maria sa may set sa sala..

"Halika apo, umupo ka muna" yaya sa akin ni Lola Maria, umupo ako sa tabi nya

"Bakit po lola?" sabay upo ko sa tabi ni Lola Maria

"Tapatin mo ako apo, gusto ko maging honest ka sa lola, okay ba?" say sa akin ni Lola Maria, lagot Kang Mia ka! *gulp*

"Sige po lola" say ko Kay Lola

"Saan ka nagpalipas ng Gabi kagabi sa kasagsagan ng malakas na ulan?" tanong sa akin ni Lola, I guess Kay Lola ko lang masasabi ito ng tapat

"Ahm, lola sa totoo po Nyan, nagpalipas po ako ng Gabi sa Isang treehouse, medyo malayo po dito sa atin at kasama ko don ay si Gabriel po" pagtatapat ko Kay Lola, imbis na sermonan ako ni Lola, iba ang lumabas sa kanyang bibig, ako'y nagulat

"Kailangan mo na itama ang lahat bago pa bumalik ang katotohanan, dahil sa pagbalik ng katotohanan, kasakitan at pagkamuhi ang kahahantungan" Sambit sa akin ni Lola

"Lola, bakit parang pare-pareho kayo ng sinasabi ng mga kaibigan ko?" takang tanong ko sa kanya

"Dahil alam Kong  na naguguluhan ka na sa nararamdaman mo at pakiramdam mo na may kulang sa iyo" Sambit ni Lola Maria sa akin

"Totoo po Yun lola, simula nung pauwi po tayo dito sa Pilipinas, yung pamilyar na boses sa eroplanong sinakyan natin, si Gabriel po pala iyon lola ang Piloto ng eroplano sinakyan natin pauwi po rito, simula po nun at nung nagkabanggaan kami sa loob ng airport, pakiramdam ko po kasi na may connection po kami dalawa, do ko po maipaliwanag eh, tapos po nung nagserve po ulit ako sa simbahan  at ganun rin ho si Gabriel, pakiramdam ko po talaga Lola na may koneksyon kaming dalawa--" di na ako pinatapos ni Lola magkwento

"A Divine Connection, a connection that will unite two people with the help of the creator from about, a connection that will bind two people being separated for a long time by means of Destiny" Sambit sa akin ni Lola

"Ibig po bang sabihin matagal na po kaming may koneksyon ni Gabriel sa isa't isa?" takang tanong ko Kay Lola Maria, tumingin sa akin si Lola

"Koneksyon na minsan pinagbawalan ngunit sa takdang panahon ay manunumbalik, walang sikreto ang maaaring itago kailanman kaya apo, ihanda mo ang sarili mo dahil ramdam ko na malapit na masagot ang mga katanungan mo, ang katanungan nyong dalawa ng lalaking malapit sa iyong puso!" paliwanag sa akin ni Lola Maria

"Ano po ba Yun lola?" curious na talaga ako

"Pinagtagpo kayo sa ilalim ng Divine power of connection taas, ang koneksyon rin iyon ang magpapanumbalik ng lahat lahat sa inyo" huling sambit ni Lola Maria sa akin, tumayo na siya at papunta na sa kanya kwarto ng pigilan ko

"Ang Simbahan po ba ang naging tulay ng lahat?"

=================================

Chapter 66 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now