Chapter 67

1 1 0
                                    

Emergency Room...

Napasugod ang barkada sa ospital kung saan dinala si Gabriel, kasalukuyang ginagamot sya ngayon sa ER..

"Anong nangyari?" pag-aalalang tanong ni Clarice kila Toper na nasa labas ng Emergency room kasama ang parents ni Gabriel

"Kino happened!" sagot ni Lei Kay Clarice

"Si Kino? Yung boyfriend ni Mia?" tanong ni Luisa

"Yup it's him! Sya ang may kakagawan bakit nandito ngayon si Gab sa ospital" say ni Lei sa kanila

"Sabi na nga ba Isang lintik rin ang lalaking Yun, parehas sila ni Sally, mga surot!!" gigil na sabi ni Clarice

"Mamaya ka na magmonologue Clarice, dahil here comes the leading lady na dahilan ng away ng dalawa" say ni Toper ng makita nyang papalapit na si Mia

"Anong nangyari?" tanong ni Mia sa kanila

"Sinugod ni Kino si Gabriel sa bahay nila, nagkasuntukan, bumagsak si Gabriel at tumama ang ulo sa kanto ng mesa kaya nasa ER sya ngayon ginagamot na" deretsahan sagot ni Lei Kay Mia

"Ano? Si Kino!? Paano nya nalaman ang bahay ni Gabriel?" takang tanong ni Mia sa kanilang lahat

"Ikaw ba si Mia?" nagsalita ang nanay ni Gabriel mula sa likuran nila Toper

"Ako nga po, papaano nalaman ni Kino ang bahay ninyo?" say ni Mia kay Grace

"Maraming koneksyon ang nobyo mo iha, kinompronta nya si Gabriel kanina at sinabing layuan ka ng anak ko, Pero sa tingin ko di gagawin ni Gabriel iyon, bago nangyari ito, sasabihin ko na Kay Gabriel kung sino ang kasama nya bago ang aksidente two years ago, sya ay walang iba kung di--" bago pa masabi muli ni Grace ang dapat nyang sabihin, lumabas ang doktor

"Sino po rito ang kamag-anak ni Gabriel Dela Cruz?" tanong ng doktor, agad lumapit si Grace at Albert

"Kami ho ang magulang nya, ano pong status ng anak namin?" tanong ni Albert sa doktor

"Don't worry mam and sir, the patient is safe, we need to admit him for further observation as of now, he's fine!" say ng doktor na tumingin Kay Gabriel

"Salamat po dok" nakahinga ng maluwag si Grace at umalis na ang doktor

"Thank God okay si Gab!" say ni Clarice

Room 25...

Stable na ang lagay ni Gabriel ngunit di pa sya nagigising simula nung  na-admit sya, nandoon ang buong barkada kasama ang parents nito...

"Buti na lang at okay si Gabriel at di sya napuruhan ng gaano" say ni Luisa sa barkada, nakaupo sila sa Isang mahabang set habang ang magulang naman ni Gabriel ay nasa tabi nito

"Kaya nga, oras na napuruhan nya talaga si Gab, sorry for this Mia ah, Pero talagang malilintikan sa akin yan Kino yan!" matapang na sabi ni Clarice

"Naintindihan ko naman kayo kung gugustuhin nyong gawin Yun Kay Kino" say na lang ni Mia

"Di ka man lang kakampi sa boyfriend mo Mia, talagang hahayaan mo kaming tirahin yang Kino na yan?" takang tanong ni Toper Kay Mia

"Nagkasagutan kasi kami nung nakaraan Linggo ni Kino dahil nakita nyang magkasama kami ni Gabriel, inihatid ako ni Gabriel sa amin" kwento ni Mia sa barkada

"Mukhang matindi talaga ang selos ng Kino Yun Kay Gabriel" say naman ni Lei

"Pansin ko nga sa way na inuurirat nya ako na para bang wala akong karapatang makipagkaibigan sa mga lalaki, parang ganun" say naman ni Mia

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now