Chapter 28

3 1 0
                                    

Gabriel's POV

"Tahimik ka ata, may problema ba ulit?" takang tanong ko kay Mia dahil kanina pa sya tahimik, nauna na sila Toper, Lei, Luisa at Clarice, may sampung minuto pa naman bago magsimula ang next class, nasa may garden kami

"As usual problem" simpleng sagot ni Mia

"Nung iniwan ba kita kahapon Kay Sister Margaret, okay naman ang usapan Nyo?" tanong ko sa kanya

"Yup, okay naman ang usapan namin ni Sister Margaret, but she gave me advice to choose wisely and sa bahay naman, as usual moment sa amin ni nanay, she is still insisting me to make distance with you.." kwento sa akin ni Mia, hay why it will always goes as they please? Di pwedeng both na lang, ang hirap eh!! Ayoko naman malayo kay Mia, she is special to me

"Anong sagot mo sa nanay mo?" I asked her seriously

"I can't, kahit anong gawin nila they can't make me do what they think is right, malaki na ako alam ko naman kung ano ang tama at mali, tsaka sinusunod ko naman ang lahat ng gusto nilang ipagawa sa akin, pumasok ako sa pagiging altar server as they wish, I did it to make them happy, as the days goes by I get the used of being in the church every practice and every Sunday, Pero pagdating sa pakikipagkaibigan ko, kailangan ba sila rin ang pumili para sa akin?" naglabas muli ng saloobin si Mia and I can see she going to cry once again, kaya inagapan ko na, inabutan ko na ng panyo

"Panyo oh" sambit ko sa kanya

"Salamat" sabay punas ng luha sa mga mata

"Kahit umiyak ka pa ng umiyak dyan walang problema, marami akong dalang panyo para sayo" biro kong sabi sa kanya, tinawaan nya lang ako

"Umiyak na lang ng umiyak ganon!?" sabay hampas ng panyo sa akin pabalik

"Ang ibig kong sabihin, mas okay ngang umiyak dahil yan ang way mo para mailabas mo lahat ng diramdam mo at hinanakit mo, mas nakakagaan ang umiyak kaysa ipunin mo lahat yan at pigilan ang iyak mo" payo ko kay Mia, she suddenly smiled at me

"Alam mo ikaw, alam mo talaga kung paano mo papagaanin ang loob ko kahit na ang dahilan ng lahat ng ito ay ang friendship natin, you really make me feel normal at this kind of situation" she sincerely said to me, I smiled back at her

"Di ba nagpromise ako sayo na ano man ang  mangyari, just call me and I'll be there to comfort you, ano pa at naging special friend mo ako kung pababayaan kita na kahit alam kong itong espesyal na koneksyon natin ang nagiging dahilan ng problema mo sa pamilya mo, kaya I'll make sure to make you comfortable hangga't kaya ko, okay ba?" thumbs up ko sa kanya, tinawanan na naman nya ako, Clown ba ako?

"Thank you always Gabriel!" she said to me with a smile

"So, pasok na tayo malapit na mag start ang kanya kanya nating klase?" say ko sa kanya sabay tayo

"Anong course mo ng pala? Ang tagal na natin magkakilala di ko pa rin Alam anong kinukuha mong course?" say ni Mia sa akin

"BS in Aviation Major in Flying, Graduating Student na!" simple ko sabi kanya

"Wow! Aspiring Pilot ka pala!" masayang sabi nya sa akin

"Well, I love to travel all around the world, eh ikaw? Anong course mo?" say ko sa kanya

"BS Psychology, 3rd year student, Dean Lister!" magmamalaki ni Mia sa akin

"Ayos ah Dean Lister, which means scholar ka?" say ko sa kanya

"Yup! Mamaya na tayo chumika, malapit na ang next class, see you later!" say ni Mia sabay karipas ng takbo pabalik ng classroom nila

"Dahan dahan!!" sigaw ko sa kanya

Bumalik na rin ako sa klase ko, andun sa may pinto si Toper inaabangan ata ako..

"Pre! Ano ba ang tagal mo naman makipagdate!" binatukan ko nga ng Isa si Toper

"Anong date ka dyan pre? Nagkwentuhan lang kami ni Mia, anong date ka dyan nalalaman!" depensa ko habang sabay kaming pumasok sa classroom, same course kami ng lokong to!

"Bakit ba kasi pre pinapatagal mo pa ang move mong manligaw kay Mia? Eh halata naman inlababo ka na sa napakagandang candlelit server na iyon!" binatukan ko ulit ng isa si Toper, ang gaspang ng bibig

"Pre, yang bibig mo dudugo na mamaya, isa pang boladas ng bibig mo!" banta ko Kay Toper

"Totoo naman di ba? Bakit ba ayaw mo pa?" say nya sa akin

"Pre baka makakalimutan mong altar servers rin tayo, ang rules! Alalahanin mo baka pareho tayong matodas don, ikaw nga di makaporma Kay Lei eh!" this time ako ang tumira sa kanya

"Grabe ka pre! Wag mo ng ipagmukha na lagi akong basag Kay Lei, di na nga ako makaporma sa kanya dahil sa lintik na rules na yan!" say ni Toper sa akin

"Kaya nga pre! Para tuloy tayong may pader na nakaharang sa atin, hirap ng may rules sa loob at labas ng simbahan di mo man lang mapormahan, hanggang comfort lang ang nagagawa ko!" nanghinayang kong sabi kay Toper

"Pre, bakit hindi na lang tayo magquit sa altar server?" anak ng tokwa ka Toper, batukan ko ng ulit ng isa

"Ang sakit na talaga pre, pangatlo mo na yan!" inda ni Toper sa pagbatok ko sa kanya

"Sira ulo ka ba pre? Edi parang sinira ko na ang pangako ko sa magulang ko paninindigan ko ang pagpasok ko sa service bilang kapalit ni Anton, ayaw ko naman madismaya ang magulang ko lalo na ang nanay ko, tsaka kahit umalis tayo ng service, di ko rin mapopormahan si Mia" malungkot kong sabi

"Bakit naman pre? Wala ka na sa service ang bawal lang naman ang maging magjowa ng nasa service kayo pareho, anong problema don?" si Toper talaga

"Family Tradition and Rules nila Mia, hindi siya allowed makipagkaibigan sa lalaki lalo na nasa service pareho or wala sa service at hanggang di pa sya tapos ng pag-aaral ay di pa sya allowed magpaligaw o makipagkaibigan sa lalaki, kaya eto!" nanghinayang na sabi ko kay Toper, this time ako naman ang binatukan ni Toper

"Sira ulo ka rin pala pre, kung bawal si Mia makipag friends sa boys, eh bakit dikit ka ng dikit kay Mia? What if mahuli kayo ng nanay nya? Or ng lola nya?" say ni Toper sa akin

"Kaya nga di ako nagpapakita sa parents nya na magkasama kami, dahil for sure, gulo na naman ito!" napaface palm na lang ako, hirap ng di mo ma-express ang true feelings mo

"Hay naku pre, gulo nga yan for sure! Maya na nga kita kwentuhan, ayan na si Prof baka palabasin na naman ako sa bilad ng araw pag nakita akong nakikipagdaldalan!" bumalik na si Toper sa pwesto nya

"Lord, please help me find my way to be with her without any complication!"

===================================

Chapter 29 is up next..

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now