Chapter 35

1 1 0
                                    

"Saan na naman kaya nagpunta ang batang yun?"

Di makali si Mila sa kakaisip kung saan na naman nagpunta si Mia ng di nagpaalam, nilapitan sya ng kanyang ina

"Mila, tara ng maghapunan" yaya ni Lola Maria Kay Mila

"Anong Oras na ho nay, wala pa si Mia" Sambit ni Mila sa ina

"Mila, paalis na tayo pa-Amerika sa makalawa, i-relax mo ang sarili mo, malaki na si Mia, alam kong babalik Yun, gusto lang siguro ng anak mo na makapag-isip isip at makapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan nya, halos buong buhay ni Mia sa loob ng labing walong taon ay itong lugar na ito ang kanyang kinagisnan, kaya hayaan mo na muna ang anak mo, bukas naman siguro ay babalik na Yun, halina kumain na tayo lalamig ang pagkain" yaya ni Lola Maria sa kanyang anak na si Mila

Meanwhile...

Natapos ng maghapunan sila Gabriel at Mia sa rest house ng mga magulang ni Gabriel..

"Kuya George, si Mia po?" hanap ni Gabriel kay Mia, katatapos nya lang maghugas ng pinagkainan nila

"Nandoon sa may pool area Gabriel" Sambit ni Kuya George

Lumabas si Gabriel sa may pool area at dun nga nakita nyang tahimik na nagbababad ng paa sa pool si Mia habang nakatingin sa kabilugan ng buwan, tinabihan nya ito..

"Iniisip mo ba ang parents mo?" tanong ni Gabriel kay Mia

"Slight, ngayon ko lang kasi ginawa ito ang umalis na di kami nagtatalo ni Nanay" say ni Mia kay Gabriel

Medyo naguilty rin si Gabriel sa mga sinabi iyon ni Mia, di nya rin kasi ginagawa ito sa parents nya, ngayon ay nagawa nya rin, di rin sya nagpaalam sa parents nya

"Same, I used to be an obedient son to my parents, but this time I disobeyed them, sorry kung pati ikaw isinama ko sa kalokohan kong to, alam ko naman na para sa future natin pareho kaya ka ilalayo dito ng parents mo sa akin dahil ayaw nila masiwalat sa simbahan ang kung ano meron tayo, dahil sa selfishness Kong wag kang umalis sa tabi, I just did this, I'm sorry if I drag you here" malungkot na sambit ni Gabriel kay Mia, tumingin sa kanya si Mia

"Don't feel sorry Gabriel, you didn't force me to come with you, kusa akong sumama sayo, Its my own will na sumama sayo, wag mong sisisihin ang sarili mo okay? Ako nga dapat ang sisihin dito dahil sa pagmamatigas ko sa parents ko, eto ang naging consequences ng ginawa ko, sa ginawa natin to, naramdaman Kong maging malaya sa lahat" explain ni Mia kay Gabriel

He holds her hand and look at her...

"Iba talaga nagagawa ng pagmamahal no?" he said to her in teary eyed

"Yes, Iba talaga nagagawa ng love, you will risk everything just to be with someone you love kahit alam natin pareho na hindi ito ang right way to fight our love with each other but still nagawa rin natin" say naman ni Mia

"Mia, promise me whatever happened kahit paglayuin pa nila tayo, promise me that these feelings we shared will stay the same, ano mang mangyari, okay?" seryosong sambit ni Gabriel kay Mia

"Promised, kung tayo talaga ang itinadhana ng Diyos, magiging tayo sa huli!" ngiting sabi ni Mia kay Gabriel, unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha ng biglang --

"Gabriel, Mia, ayos na ang inyong tutulugan, maaari na kayong pumasok para magpahinga!" interruption ni Kuya George sa moment ng dalawa

"Malapit na eh!" dismayadong bulong ni Gabriel, ngitian lang sya ni Mia

"Marami pa naman time, malay mo sa right time, walang istorbo maniwala ka sa akin" umahon na si Mia sa pagbababad sa pool, umahon na rin Gabriel at inakbayan na lang si Mia papasok ng rest house

"Atleast eto nagagawa ko! Pero sayang talaga!" dismayado pa rin si Gabriel sa naudlot na first kiss sana nila ni Mia, tinawanan na lang sya ni Mia dahil ang cute nyang madismaya sa naudlot na moment

Meanwhile...

Nagslumber party ang girls except for Mia sa bahay ni Clarice...

"Sayang girls wala si Mia, para sa kanya pa na naman tong party to" say ni Clarice

"Kaya nga nasaan na naman kaya ang babaeng yung?" si Luisa

"Tumawag si Tita Mila, umalis na naman daw si Mia ng walang paalam, pa-Amerika na nga tong si Mia, lumalayas pa ng lumayas!" say naman ni Lei habang nainom ng juice

"Alam nyo naman una palang ayaw talagang umalis ni Mia, napipilitan lang Yun dahil maiiwan syang mag-isa dahil kasama rin ang lola nya pa-Amerika kaya no choice sya!" say naman Clarice while eating chips

"Sabi daw ni Tita, ayos na daw ang mga gamit ni Mia, nakaempake na nga raw after non, umalis si Mia ng walang paalam, until now di pa raw na uwi ang loka!" banggit ni Lei matapos nyang makausap si Tita Mila

"Saan lupalop na naman kaya naglagi ang babaeng yung? Kababaeng tao kung saan saan napadpad!" say na lang ni Luisa

Busy magchikahan ang girls ng may nag text kay Lei...

"Girl, may text basahin mo baka importante yan Dali na!" pagmamadali ni Clarice Kay Lei

"Saglit nga girl, atat ka!" say ni Lei at binuksan ang phone nya

Text Message from Toper

"Lei, tumawag sa akin si Tita Grace, mommy ni Gabriel, di pa raw na nauwi si Gabriel simula kanina, nakamotor raw syang umalis, napansing Nyo ba syang napadaan sa Inyo, di naman kasi dumadaan simula kanina si Gabriel sa amin, nakakapagtaka nga, worry na sila Tita!" message ni Toper

"What!? Si Gabriel wala rin sa kanila?" reaksyon ni Luisa

"Ano rin kaya ang nakain ng lalaking yun at umiskapo rin ng walang paalam!?" stress na sambit ni Lei

Nagdidiskusyunan sila Lei at Luisa, samantalang si Clarice ay quiet lang at mukhang alam na ang mga nagaganap..

"Hoy Clarice? Deadma ka lang sa mga nangyayari? Umalis si Gabriel ng walang paalam, ganun rin si Mia, anong say mo dun?" say ni Luisa kay Clarice

"Girls, girls! Huminahon kayo, think of it, umalis si Mia na walang paalam hanggang ngayon di pa nauwi, ganun rin si Gabriel wala ring paalam na umalis, ano sa tingin Nyo ang nangyari sa dalawa?" say ni Clarice in a psychological way

"Ano!?" duet pa si Lei at Luisa

"Edi magkasama ang dalawa, easy as that!" simpleng sagot ni Clarice sa dalawa

"What!?" reaksyon ni Lei at Luisa

"OA makawhat girls? Okay fine, alam nyo naman siguro na inlababo ang Mia girl Kay Gabriel?" tanong ni Clarice kila Lei at Luisa

"Oo, halata naman sa kinikilos ng babaeng Yun" sagot ni Lei

"Eh nahalata Nyo rin ba na ganun rin si Gabriel Kay Mia?" tanong ulit ni Clarice

"Mukha naman in love rin si Gabriel Kay Mia, wait di ba bawal Yun?" say ni Luisa

"Bawal nga rules natin sa loob ng church, bakit natuturuan mo ba ang puso mong wag magmahal eh kung ang taong Yun talaga ang sinisigaw ng puso mo, sagot!!" say ni Clarice sa dalawa

"Hindi!" duet na sagot ng dalawa

"Oh see!! Guess ko lang hah! Hula ko lang, baka nagkaaminan na ang dalawa ng feelings for each other eh etong si Mia girl ay pa-abroad na, eh alam naman natin hesitant ang babaitang Yun pumunta ng Amerika, kaya siguro sumama Kay Gabriel at sinabi na nya rin ang pa-abroad galore nya, eh nalungkot siguro itong si special friend kaya siguro nagkaaminan na ang dalawa dahil ayaw nilang malayo sa isa't isa!" hulang sagot ni Clarice

"Mag straight to the point ka na nga Clarice dami mong monologue" Basag trip ni Lei

"Ayun Nagtanan ang dalawa!!" end of story ni Clarice, hula nya lang Yun ah

"What!!!?? Nagtanan ang dalawa!!!"

====================================

Chapter 36 is up next....

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now