Gabriel's POV
Nakaharap ako sa salamin habang inaayos ang buhok, ano bang nangyayari sa akin? Ano bang pumasok sa utak ko at nangyari Yun? Pero bakit parang ginusto ko naman, at bakit parang nagawa ko na Yun dati at pakiramdam siya rin ang babaeng kasama ko noon, bakit ba wala akong maalala for the past 2 years, the headaches, the dreams, the lines, the signs, why it felts like there is still a missing peace in me?
Nanatili akong nakatitig sa salamin ng kumatok si Toper at pumasok sa kwarto namin...
"Pre, ready ka na ba? Breakfast is ready! Nagluto sila Lei ng Hotdogs, Eggs and fried rice, Tara na!" yaya ni Toper sa akin
"Sunod na ako pre!" say ko Kay Toper at sinara nito ang pinto
"Ano kaya ang iniisip ni Mia ngayon, after what happened last night?" sambit ko sa akin isipin
After ilang minuto, nagdecide na rin akong lumabas para magbreakfast kasama sila, nang lumabas ako nakita kong abala na sila kumain..
"Morning" nahihiya kong bati sa lahat
"Morning" say naman ni Luisa
"Morning pre, Tara breakfast" bati sa akin ni Toper
"Morning Gab" si Lei
"Morning Pilotong Hokage!" may bago na naman akong nickname Kay Clarice, walang bago, may Isa akong hinihintay na bumati sa akin bago ako tumabi sa kanya, kasi etong mga kasamahan namin ay napakabait dahil ang iniwang upuan ay sa tabi ni--
"Morning Gabriel" sa wakas binati nya rin ako, Thank God di ilang sa akin si Mia
Umupo na ako sa tabi nya at sinabayan na silang mag breakfast...
Tahimik kaming nagkakainan ng biglang bumirada na naman ang bibig ni Clarice
"Kumusta ang tulog ng mukhang magjowa kahit may kanya kanyang jowa?" birada ni Clarice habang busy uminom ng kape
"Okay lang" simpleng sagot ni Mia habang patuloy na nakain
"Wala man lang reaction ganun girl?" Okay lang?" may iba atang ineexpect na sagot si Clarice
"Di ba Sabi Nyo kanina na wag na kaming magmaang maangan, and that's why I'm telling you all that it's okay, I have a great sleep happy?" say ni Mia
"Ano yan girl? 'Its okay not to be Okay' na kdrama ang peg mo?" sumali na sa usapan si Lei
"Anong feeling kasi girl!? Masarap bang kayakap ang Chinitong Pilotong katabi mo ngayon?" nahihiya na ako sa mga tinatanong ni Clarice kay Mia
"Clarice pwede bang--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita muli si Mia
"I felt safe with him" she simply said and you know the next scene
"Kyaaaaaahhhhhh!!!" nagsiiritan na sila Lei, Clarice at Luisa
"Aw!!! Ang Tenga ko ang sakit!!" tinakpan ni Toper ang Tenga nya dahil nakakabulahaw ang irit ng tatlong girls
"OMG!! Totoo girl? Seryoso?" di makapaniwala si Luisa
"Mukha ba akong nagsinungaling?" sagot pabalik ni Mia kay Luisa
"Hindi nga eh, kahit di mo sabihin girl, ramdam ko ang sincere face mo kahit seryoso Kang magsalita, totoo na to girls!!" nagsipag-apiran pa si Luisa, Lei at Clarice
"Girls stuff" say nalang ni Toper
"So narinig na natin ang panig ni girl, Mr. Chinitong Piloto, ikaw naman!?" sabay tingin sa akin ng tatlong girls maliban kay Mia na busy kumain

YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...