Mia's POV
"Mahal kita kaya sasama ako sayo!"
Yan ang mga katagang sinambit ko kay Gabriel, para bang huminto ang mundo ko ng sabihin ko yun sa kanya..
"Thank you Mia" bigla akong niyakap ng mahigpit ni Gabriel, nakatulala pa rin ako
Kumalas kami sa yakap..
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"May private rest house ang parents ko malapit lang dito, hindi na nila masyadong napupuntahan pero may nagbabantay naman at name-maintain, so okay ka don?" tanong sa akin Gabriel, ganito ba talaga kapag mahalaga sayo ang tao, nagagawa mo ang mga hindi mo dapat gawin dahil sa mahal mo siya, nakikita ko sa mga mata ni Gabriel ang labis na kasiyahan ng malaman nya ang nararamdaman ko sa kanya at ganun rin ako sa kanya
"Okay, kung saan ka panatag dun ako!" sambit ko na lang sa kanya
"Great! Don't worry sa mga damit, may mga damit naman dun sa rest house na sure akong kasya at fit sayo!" excited nyang sabi sa akin
"Sabi mo eh, ikaw bahala" say ko na lang kay Gabriel
"Tara na? Baka gabihin kasi tayo sa daan kapag nagtagal pa tayo dito sa sa Beach, let's go?" sabay offer ng kamay nya sa akin
"Sure" humawak na lang ako sa kamay nya as he leads me back to the parking lot
"Okay, suot mo yung helmet mo" dahan dahan nyang isinuot sa ulo ko ang helmet at nagsuot na rin siya, inalalayan nya akong sumakay sa motor nya then after that we hit the road
After a couple of minutes of driving...
Nakarating na kami sa sinasabi ni Gabriel na private rest house ng parents nya, malaki nga rin ito, may nakita kaming nagdidilig ng mga halaman, nang makita nya si Gabriel..
"Gabriel iho!" lumapit sa amin ang lalaking nagdidilig, medyo may edad na rin pero mukhang kaya pa naman ng katawan
"Kuya George, kumusta na ho kayo?" bati naman ni Gabriel
"Eto, pinapanatiling maayos at maintained ang buong rest house ng parents mo, ang tagal mo ng di nakakapasyal dito, di na rin nakakadalaw ang parents mo?" tanong ni Kuya George Kay Gabriel
"Medyo nabusy po ako kuya sa gawaing simbahan this past months at sila Mama naman ay busy rin sa mga business nila sa siyudad kaya eto nagkaroon ako ng pagkakataon na makadalaw" paliwanag naman ni Gabriel
Habang nagkakwentuhan sila ay napansin ako ni Kuya George..
"Gabriel, sino sya? Nobya mo ba?" sambit ni Kuya George, nobya agad di ba pwedeng MU muna ganon? Ganto ba talaga pag nag confess ng feelings sa isa't isa ay mag jowa na agad?
"Ah Kuya George, si Mia po, ka-MU ko po, di ko pa kasi sya formal na natatanong eh kaya MU po muna kami!" buti naman Gabriel at yan ang sinabi mo
"Magandang hapon po, Kuya George!" simple kong bati
"Ibig sabihin, nag-aminan na kayo ng feelings pero wala pang official?" tanong ni Kuya George sa amin
"Parang ganun na nga po" sagot ni Gabriel
"Sabagay, nasa edad na rin naman kayo kung talagang gusto Nyo ang isa't isa wala naman masama don, Ilan taon ka na ba iha?" tanong ni Kuya George sa akin
"18 na po" sambit ko sa kanya
"Legal age, okay na yan edad na yan pero may limitasyon pa rin, Gabriel kahit 21 ka na, alam mo ang tama at Mali" paalala sa amin ni Kuya George
"Opo kuya, naintindihan ko po" sabay kamot ng ulo itong si Gabriel
"Since hapon na naman, halika na kayo maghapunan, may nakahandang pagkain na sa loob ng rest house, teka sandali?" napatigil si Kuya George at humarap muli sa amin ni Gabriel
"Bakit po?" say ni Gabriel
"Wag mong sabihin nagtanan kayo dalawa?" nanlaki ang mata namin ni Gabriel sa sinabi ng iyon ni Kuya George
"Po? Tanan, uso pa po ba yun sa panahon ngayon?" patay malisyang sagot ni Gabriel kahit alam naman namin sa isa't isa kung ano tong ginawa namin pagtakas ng walang paalam
"Sabagay, sino ba naman mag-iisip ng ganun bagay sa panahon ngayon, so halina kayo sa loob ng makapaghapunan na kayo" say ni Kuya George at naglakad na sya papasok ng rest house
Akmang maglalakad na si Gabriel ng pigilan ko sya...
"Gabriel, ano bang pinagsasabi mo sa caretaker ng rest house nyong to?" tanong ko sa kanya
"Bakit? Uso pa ba ang tanan sa panahon ngayon? Di ba hindi na!" paliwanag ni Gabriel sa akin
"So ano sa tingin mo tong ginawa natin na hindi alam ng parents natin hah?" crossarms kong sabi sa kanya, napakamot na lang sya ng ulo
"Tanan.." nahihiyang sagot nya sa akin
"See? Buti na lang at gumana ang palusot mo sa caretaker ng bahay nyong to, kung hindi lagot tayo pareho" sermon ko sa kanya
"Magtiwala ka lang, hindi tayo ibubuko nyang si Kuya George dikit kami Nyan" pag-assured ni Gabriel sa akin
"Siguraduhin mo Gabriel, pasalamat ka --" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat na naman si Gabriel
"Mahal mo ako, Sus! Mahal rin naman kita eh kaya Tara na sa loob" pilosopo nyang sagot sa akin sabay akbay sa akin
"Oy! Ang kamay nasaan?" turo ko sa kamay nyang nakakadena na sa balikat ko
"Mia naman, masanay ka na MU na nga tayo, what more pa kung mag on na tayo di ba?" say nya sa akin, hinayaan ko na nga, Sana lang tama tong ginawa kong paglayo, sa totoo lang ay ayaw ko talagang umalis ng Pinas, sila lang ang mapilit hay! Bahala na nga, Sana makayanan namin pareho ni Gabriel ang mga darating ng pagsubok sa aming relasyon
End POV
Samantala....
Alas-6 na ng Gabi...
"Nay? Nakita Nyo ho ba si Mia?" tanong ni Mila kay Lola Maria
"Abay hindi Mila, kanina ng Umaga ko pa di napagkikita ang anak mo dito sa bahay" say ni Lola Maria
"Carlos, si Mia nakita mo ba?" sambit ni Mila Kay Carlos na abalang nagluluto ng Hapunan
"Kaninang Umaga ko pa di nakikita si Mia, matapos nyang ayusin ang mga gamit nya sa maleta sa kwarto nya ay di ko na nakita ang batang yun" sagot naman ni Carlos kay Mila
Pumunta sa may bintana si Mila, napansin nya ang ganda ng kabilugan ng buwan..
"Saan na naman kaya pumunta ang batang yun?"
===================================
Chapter 35 is up next...
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...